Kausap ko ngayon ang isang demonyita na naniningil ng lintik na utang na 'yan,hindi ba s'ya nakapaghintay,mamamayat ba s'ya kung hindi ko pa mababayaran? May utang sa kan'ya ang mga magulang ko,hindi na nila nabayaran dahil sa nangyaring aksidente noon.
"Ilang buwan mo nang sinasabi 'yan Rita!! Ano akala mo sa'kin uto uto,ha?!". Mataas na tono na boses na sinabi ng demonyitang butandeng.
"Bakit hindi ba?". Bulong ko naman sa sarili ko.
"Ano?". Pasigaw na tanong n'ya.
"Ah.........wala po,hintayin n'yo lang po ako malapit na po ang sunod kong sweldo,promise pagkadating na pagkadating nun,eh kumpleto na ang bayad ko sa inyo butandeng...........ah ibig kong sabihin Ms. Beautiful............." Sabi ko naman dito,lalo kitang hindi bayaran eh.
"Babalik ako dito sa isang linggo,kapag wala ka pang maibayad,mapipilitan akong ipakasal ka sa baby boy ko,para mabayaran lang ang utang mo!!". Sabi n'ya at umalis na s'ya.Ipapakasal daw ako sa baby boy na kasing lapad at laki n'ya,naku!!! No way,mas gusto ko pa Sir Ken kahit mukhang dragon 'yun.
Pumasok na ako sa loob at humilata sa mahabang upuan,naupo din naman si Isha.
"Oh,ano nang update dun sa butandeng na 'yun?". Tanong n'ya sa'kin.
"Hayun,babalik raw sa isang linggo kapag daw wala akong maibayad eh ipapakasal daw n'ya ako dun sa kasing lapad at laki n'yang anak.......... kan'ya pa ako magpakasal sa anak n'yang 'yun,walang wala sa kagwapuhan ni Sir Ken." Sabi ko pa sa kan'ya.
"Speaking of that ampalaya,ano na?". Tanong ulit n'ya.
"Huh?". Taka ko namang tanong.
"Update dun sa kinahuhumalingan mong boss,mabait na ba s'ya?". Tanong n'ya.
"Yun? Babait? Nako,hindi na mangyayari 'yun,wala nang kabaitan 'yun,babait lang 'yun kung kailan n'ya gustuhin." Sagot ko naman.
"Bakit ka ba nag-titiis d'yan sa Ken na 'yan?".
"S'yempre mahal ko!..........choz........crush ko lang hindi mahal." Sagot ko naman.
————————————————
Ken's Pov
Linggo nga pala ngayon,wala si Rita,kakaiba talaga ang araw ko kapag wala si Rita,kapag linggo lang talaga,walang maingay,makulit at pakialamera,kakamiss rin pala s'ya eh.May naalala ako na sinabi n'ya sa'kin.
_-_-_-__-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-
"Sir Ken?". Tawag n'ya sa'kin.
"Uhgggg?". Himig ko namang sagot.
"Sorry na." Sabi naman n'ya pero tiningnan ko lang s'ya. "Ito naman...............kainin mo na kasi 'yang fried Chicken mo,'yang pride na 'yan!". Dagdag pa n'ya nang hindi ako sumagot.
"Bakit mo ba ako pinangungunahan,ha?!". Tanong ko naman.
"Ano gusto n'yo sir,sa pangalawa ako?". Pilosopo naman n'yang tanong sa'kin.
"Umalis ka na nga!!". Utos ko naman.
"Hala ka Sir Ken,kapag hindi n'yo ako pinatawad,magiging VAKLA (BAKLA) kayo,sige ka..........." Sabi naman n'ya,ako magiging bakla,halikan kita d'yan eh.
"Don't waste your time for me,out!!". Masungit ko namang sinabi na 'di man lang s'ya tinatapunan ng tingin.
"Okay,pero Sir Ken,bahala talaga kayo kapag hindi n'yo ako pinatawad magiging VAKLA ka,kilala mo 'yung DESTINY ROSE magiging kamukha mo s'ya." Pag-uulit n'ya.
BINABASA MO ANG
Once Cupido Hits Your Stone Heart
RomanceSabi nila walang puso ang nananatiling matigas, nananatiling bato,mayroong puso ang babasag nito at magpapalambot pero hindi ito madaling gawin.Kung ang pusong nanatiling bato gawa ng nakaraan,dadaan at dadaan s'ya sa panglalait at pagsusungit bago...