Chapter 12

188 10 3
                                    

       Tinawag ko si Isha para tulungan akong ipasok si Sir Ken sa loob ng bahay,ang bigat naman nito.Inupo namin s'ya sa sa upuang mahaba para doon magpahinga,kumuha ako ng unan at isinapin sa ulo n'ya.

"Anong nangyari d'yan?". Takang tanong ni Isha sa'kin.

"Ewan ko ba d'yan? Naglasing 'yan panigurado kasi...........duh........amoy alak s'ya no!". Sabi ko naman,itatanong pa eh, obvious naman.

"May problema kaya s'ya?". Hula n'ya namang tanong.

"Wala na akong pakialam sa kan'ya,kumuha ka na lang ng palangganang may tubig at tsaka isang bimpo!". Utos ko kay Isha pero tiningnan n'ya lang ako. "Oh,bakit ka nakatunganga pa d'yan?".

"Sabi mo........wala kang pakialam?". Ngumiti naman s'ya  sa'kin.

"Wala nga,kaso nga lang baka kapag nagising 'to eh baka sabihin pa napakasama ko naman kasi hinayaan ko lang s'yang matulog sa lamok at tsaka baka papakin s'ya ng mga lamok dun sa labas." Dagdag ko pa naman sa kan'ya,ano namang pakialam ko sa Ken na 'yan? Kanina nga nilait at inasar n'ya ako tapos magkakaroon ako ng care sa kan'ya!

"Wala raw pakialam pero nagpapakuha ng palangganang may tubig at bimpo?............" Nakangiting patanong n'yang sinabi sa'kin.

"Dali na!". Sabi ko naman.

"Oo na,ito na.........." Sabi ni Isha at umalis na para kumuha ng pinapakuha ko,pagkaraan ng ilang sandali ay nan'dito na s'ya. "Oh,'ayan,ikaw na lang bahala d'yan sa gwapo mong boss at ako ay matutulog na." Sabi naman n'ya at unakyat na sa taas.Binasa ko ang bimpo at pinunasan s'yang.

"Oh ano Sir Ken?!". Sabi ko habang pinupunasan ang mukha n'ya. "Iinom inom ka,hindi mo naman pala kaya!! Pambihira din naman pala 'tong ampalaya na 'to eh,pilay na nga nakuha pang maghappy-happy.Naku!!! Kung ako lang girlfriend mo?! Nabugbug na kita kaso nga lang hindi,nakakasad naman.........choz!! lang 'yun!".

          Patuloy kong pinupunasan ang bawat sulok ng mukha ni Sir Ken,grabi din naman kasi 'tong lalaking 'to,nalasing na nga at lahat,abay gwapo at maayos pa rin ang itsura n'ya,paano ko ba matatanggihan ang ganitong look? Wala ka ngang abs pero yummy ka pa rin dahil sa good looks mo........hayyyyyyyyyyyy Sir Ken napaka-harsh mo lang magsalita at masakit pero bimabawi naman sa itsura.

"Alam mo Sir Ken kahit napakasungit mo sa'kin hindi ko magawang pabayaan ka,alam mo ba  kung bakit? Kasi ma............" Masyado na akong na-o-over thinking pati salitang MAHAL masasabi ko dito kay Sir Ken.

         Tapos na akong punasan ang mukha ni Sir Ken,isinunod ko naman ang braso n'ya.Natapis ko ng punasan ang dapat punasan sa kan'ya,gusto ko sanang punasan ang kan'yang ............ano...........(Iba ang iniisip ng mga nagbabasa ngayon,mga gm 'yan,ano nga ba ang nasa isip n'yo na gusto ring punasan ni Rita) Hindi ko na ang mga binti at hita ni Sir Ken baka kasi kung ano pang mahagilap ko eh.Tinitigan ko lang s'ya habang nakahalumbaba.

"Ano bang problema mo at nag-inom ka?". Tanong ko sa kan'ya,nakita kong gumagalaw ang talukap ng mata n'ya pero natigil din at 'di na namulat.

"Ayoko na........." Mahinang tinig na narinig ko mula kay Sir Ken.

"Sir?". Tawag ko dito.

"Ayoko ng mabuhay,tama na!! Ang sakit sakit na.........pagod na pagod na akong umasa,umasa na magiging normal pa ako.Ayoko na,pagod na ko!!". Mahina n'yang sinabi,damang dama ko ang sakit na nararamdaman ni Sir Ken ngayon,may problema pala s'ya,'di man lang nakukwento,kung sa bagay,minsan makasarili din 'tong taong 'to.

"Sir Ken wag kang mawawalan ng pag-asa kasi nga..........habang may buhay may pag-asa kaya wag kang mawawalan ng pag-asa kasi may pamilya ka pa at kaibigan mo." Sabi ko naman sa kan'ya, ang bait n'ya pala kapag lasing.Nakita kong iminulat n'ya ang mga mata n'ya at tumingin sa'kin.

Once Cupido Hits Your Stone HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon