Ken's Pov
Umalis na nga si kuya Allan,minabuti ko na sumama sa airport para na din sa suporta ko sa kan'ya,may aalalay naman sa'kin pauwi,si bouncer Rita.
“Sir Ken?” Pansin n'ya sa'kin.
“Ano!?”. Medyo masungit kong sinabi.
“Oh,sungit mo na naman,ano bang nakain mo?”. Tanong n'ya.
“Ikaw!”. Napatigil ako dahil sa salitang lumabas sa bibig ko.
“Ha?”. Taka n'yang tanong sa'kin.
“Ah...............Sabi ko,i-ikaw,Hindi ka ba tatahimik?!”.Sabi ko Naman.
“Maayos lang po ba talaga kayo?”.
“Gusto kong umuwi..........daan tayo sa mall.”
“Anong gagawin natin dun?”.
“Maglalangoy sa sahig kung gusto mo!”. Maarte kong sinabi at pinagulong ko na ang wheelchair palayo kay Rita.
“Sir Ken sandali.......nagtatanong lang!”.
____________________________________
RITA'S POV
Hindi ko alam kung anong bibilhin ni Sir Ken dito eh,kanina pa kami paikot ikot eh,hanggang sa napatigil kami sa women's dress.
“Ano na sir Ken,napagod ka na ba sa paikot ikot?”. Tanong ko sa kan'ya.
“Paano naman ako mapapagod eh ikaw nga Yung nagtutulak sa'kin?”
“Buti alam n'yo sir.........Oh bakit tayo nandito?”.
“feel free to choose.” Utos n'ya sa'kin.
“Ho?”.
“Ganyan ka ba talaga ka-slow,ha? Okay. Tatagalugin ko,Pumili ka Ng kahit anong gusto mo,ako Ang magbabayad.” Pasinghal n'yang sinabi.
“Nako,sir ken wag na.” pagtanggi ko. “Baka ikaltas mo Lang sa sweldo ko yan.” Tiningnan ko so Sir Ken at inirapan n'ya lang ako.
“Ah, excuse me?!” Pansin ni Sir Ken sa saleslady.
“Yes sir?”.
“Nakikita mo 'tong bouncer na nasa tabi ko?”. Tanong ni Sir Ken sa saleslady,tumingin sa'kin Ang saleslady at tumango.Aba! Aba!aba!
“Gusto ko ikuha mo s'ya ng mga damit na magfi-fit sa kan'ya,sapatos or something na kailangan para mag-improve ang itsura n'ya,kapag hindi mo nagawa na maimprove Ang itsura n'ya feel free to goand Wala ka ng babalikang trabaho dito. Kuha mo”. Seryosong utos ni Sir Ken.
“Opo sir,ah ma'am,sumama PO kayo sa'kin?”. Pat-aaya Ng saleslady sa'kin bago ako sumama ay tiningan ko si Sir Ken,tinaasan n'ya lang ako Ng kilay at sumenyas na sumunod sa saleslady.
"Ito na po.”
____________________________________
KEN'S POV
Ilang minuto na ring nasa loob si Rita,gano'n ba talaga kasamaan ng itsura so Rita at Ang tagal n'yang pagandahin?Itinalikod ko ang wheelchair ko at nagcellphone ako,hanggang sa may isang picture ako nakita sa social media account ko,isang necklace,maganda s'ya...........kahit na maganda,Wala naman akong pagbibigyan.
“Sir Ken?”. Tawag sa'kin ni Rita.Tapos na pala.Iniharap ko ang wheelchair ko at hinarap ko s'ya.
"Ano...............?”. Napatigil ako sa pagsasalita nang Makita ko Ang bagong ayos ni Rita ngayon.
BINABASA MO ANG
Once Cupido Hits Your Stone Heart
RomanceSabi nila walang puso ang nananatiling matigas, nananatiling bato,mayroong puso ang babasag nito at magpapalambot pero hindi ito madaling gawin.Kung ang pusong nanatiling bato gawa ng nakaraan,dadaan at dadaan s'ya sa panglalait at pagsusungit bago...