Prologue
Mahirap ang buhay ngayon kailangan mong magsikap,magtiyaga para mabuhay ka lang.Gan'yan na gan'yan ang nararamdaman ko pero nananatili pa rin akong positive para sa ekonomiya.Kami na lang ni beshie Isha ang magkasama sa bahay,wala na akong mga magulang,namatay sila sa car accident ako lang ang nakaligtas sa family namin kaya nagdecide akong sumama na lang kay Isha dito sa manila pero hindi lang kami,kasam rin namin si xandro,Isa pa sa mga best friend namin.
Ako nga pala si Rita Vergara,25 years old stunner,chos!simpleng babae,maganda,oh walang aangal ako ang bida ngayon eh! Napatili na lang ako habang ibinababa ang cellphone ko sa lamisita.Lumabas naman si Isha mula sa banyo at may dala-dalang isang timbang tubig."Anong nangyari? May sunog ba,nasaan?!". OA na sabi ni Isha sa'kin,kahit kailan talaga 'tong si Isha napaka-over acting talaga.
"Napaka-OA mo talaga kahit kailan Isha,walang sunog! 'to naman!" Sabi ko at sinimangutan ko s'ya.
"Eh ikaw naman kasi!". Sabi n'ya at ibinalik ang timba sa CR.Bumalik s'ya kung saan s'ya nakapuwesto kanina. "Eh ano bang ganap at tumitili ka,ha?!" Naggulat-gulatan s'ya. "Oh my gosh! Buntis ka ba?! Oh no...............no..........nasaan na ang virginity na inaalagaan mo? Isinuko mo na ba talaga ang bataan?!" Kung hindi ko lang kaibigan 'to malamang nabigwasan ko na 'to eh.
"Gaga!! Hindi no!" Sabi ko sabay irap sa kan'ya.
"Hindi?!". Dismaya n'yang sinabi sa'kin. "Eh ano ba?!".
"Ito na.............beshie may trabaho na ako!". Masaya kong sinabi kay Isha.
"Talaga? Ano?". Excited na tanong ni Isha sa'kin.
"Magke-care giver ako!". Proud na proud kong sinabi kay Isha,ito namang si Isha napataas labi na lamang nang nalaman ang trabaho ko.
"Care giver?". Walang gana n'yang sinabi sa'kin.
"Oo!".
"Yuck!!!!!!!!!eiw!!!!!!!!!!" Diring diri n'yang sinabi sa'kin.Nakakainsulto kana ah,hindi ba puwedeng matuwa na lang s'ya?
"Grabi na 'to maka-yuck." Sabi ko sabay upo sa upuan. "Eh ano namang masama sa pagiging care giver? 'buti nga at may nahanap akong trabaho sa panahon ngayon................'buti nga ako nakahanap ng trabaho hindi tulad ng iba d'yan!!!!!!! hanggang bahay na lang." Pagpaparinig ko kay Isha.
"Makakahanap din ako!". Maarteng sinabi ni Isha. "Eh gaano ba katanda ang aalagaan mo? Eiwwww maghuhugas ng puwet ng matanda!!". Tanong n'ya sabay lait na naman.
"Bastos mo....................Alam mo hindi ko alam kung matanda ang aalagaan ko eh." Sabi ko.Hindi na kasi nasabi nang tumawag kung sino ang aalagaan ko eh basta tinanggap ko na lang,dagdag pera din 'yun.
"Hoy! Kapag mayaman 'yan at bata pa jowain mo na,para naman magkajowa kana." Utos n'ya sa'kin,tingnan mo 'to ibubugaw pa ako.
"Hoy ka din. Hindi ako gaya mo,no........wala akong pakialam kahit mayaman,matanda o bata pa 'yun,basta gagawin ko ang trabaho ko." Sabi ko.
"Paano kung manyakis 'yung aalagaan mo?". Nakakadiring tanong n'ya.
"Kung gano'n!". Iniikom ko ang kamay ko. "Kita mo 'to? ito lang naman ang tatama sa kan'ya,sibukan lang n'ya. " Gigil kong sinabi na mala-action star.
Malapit na akong pumasok sa bago kong trabaho, salamat naman at magkakaroon na ako ng permanenteng trabaho,isang semester na lang sana tapos na ako ng college ang kaso mo wala na kaming pera para matapos 'yun.Kaya nga magtatrabaho ako para makaipon.
"Rita?". Isang pamilyar na boses ang tumawag sa pangalan ko,nilingon ko ito at si xandro ito.Lingid sa kaalaman ni xandro ay matagal ko nang alam na may feelings s'ya para sa akin pero hanggang friendship lang talaga ang kaya kong ibigay eh.
BINABASA MO ANG
Once Cupido Hits Your Stone Heart
RomanceSabi nila walang puso ang nananatiling matigas, nananatiling bato,mayroong puso ang babasag nito at magpapalambot pero hindi ito madaling gawin.Kung ang pusong nanatiling bato gawa ng nakaraan,dadaan at dadaan s'ya sa panglalait at pagsusungit bago...