Chapter 2

233 11 0
                                    

Matalim pa rin ang tingin sa'kin ni Sir Ken,parang mangangain na s'ya sa mga oras na 'to na ah.

"Hindi ko s'ya kailangan." Seryosong sinabi ni Sir Ken,hala!mapapalaban talaga ako ng pahabaan ng pasensya.

"Ken,hindi kita maaasikaso,busy ako at si Rita lang ang pu-puwedeng umalalay sa'yo." Paliwanag ni Sir Allan kay Sir Ken.'Buti pa si Sir Allan mabait na gwapo pa,ito namang isa gwapo nga sungit naman.

"Hi Sir Ken!". Nakangiting bati ko ulit sa kan'ya,sana naman ngitian n'ya ako.Pero hindi n'ya ako pinansin. "Sungit naman..........." Bulong ko sa sarili ko sabay kamot sa batok ko.

"Rita I have to go and ikaw na lang bahala sa kapatid ko." Pagbibilin ni Sir Allan sa'kin.Tumango naman ako bilang sagot.

Umakyat si Sir Allan sa papuntang second floor,bongga ang bahay no?may second floor.Tiningnan ko si Sir Ken,napakaseryosong tao,hindi man lang ako tinatapunan ng tingin,tatagal kaya ako sa ugali nito?

"Ano ba 'yan?...............wala man lang hi, hello o ngiti man lang...........kaloka naman 'tong lalaking 'to." Bulong ko sa sarili ko, napatingin na lang ako kay Sir Ken ng bigla s'yang magsalita at sinamahan pa n'ya ng nakakakilabot na tingin.

"Kung may sasabihin ka,sabihin muna!wag 'yung bulong ka nang bulong na para kang tanga!". Masungit n'yang sinabi sa'kin,maka-tanga naman nito.

"Ah, Sir Ken ako nga po pala si Ri--------" Naputol ang sasabin ko ng biglang pinagulong ni Sir Ken ang wheelchair n'ya papalayo sa'kin.Tingnan mo 'tong taong 'to,nagpapakilala ng maayos tapos lalayasan ka naman,kung hindi lang ako mabait naibalda ko na 'to eh. "Bastos naman."

Maglilibot na sana ako sa bahay nang may pumasok na lalaki sa loob ng bahay.Tiningnan ko naman s'ya.

"Ah,excuse me,who are you?". Tanong ng lalaking pumasok ngayon ngayon lang.

"Ah,Rita po." Sagot ko.

"Oh,by the way where is Ken?". Tanong n'ya,hinahanap n'ya pala si bastos.

"Ah si bastos......................." Sagot ko.

"Huh?".

"Ah wala,nandoon oh,doon s'ya dumiretso." Sabi ko sabay turo ng direksyon kung saan pumunta si Sir Bastos este Sir Ken.

"Thank you." Pinuntahan na ng lalaki ang tinungo rin ni Sir Ken.

Author's Pov

Nasa kusina si Ken at halatang buwisit na buwisit sa nangyari kanina.Dumating naman si Angello, best friend s'ya ni Ken,since grades school.

"Ken?". Nakangiting tawag ni Angello kay Ken pero isang buwisit na tingin ang ibinato ni Ken. "Woah........... what's that?". Tanong ni Angello sabay upo sa lamesa.

"Si kuya!". Tipid na sagot ni Ken.

"Hey,bro,may nakita akong babae sa sala's n'yo,maganda s'ya ah kasi nga lang medyo may kabilugan." Panglalait ng bahagya ni Angello kay Rita.

"Ang sabihin mo,bouncer,body guard!!". Isa pa sa harsh na panglalait ni Ken kay Rita.

"Napakasama mo naman dun sa tao." Sabi ni Angello.

"I hate her!! ayoko sa kan'ya!!". Iritang sinabi ni Ken kay Angello.

"Ken watch your words." Sabi ni Angello na may kasamang pilyang ngiti.

"Ano na naman?". Tanong ni Ken.

"Baka kasi 'yung hate na hate mo,'yung sinasabi mong ayaw na ayaw mo eh,mauwi na sa gustong gusto na kita or else mauwi sa mahal na mahal mo na s'ya." Pang-aasar ni Angello kay Ken.

"Hinding hindi mangyayari 'yun,kung mangyayari man 'yun, siguro malapit na akong mamatay and itatak mo sa utak mo Angello never na never kong magugustuhan ang bouncer na 'yun! Never!!!". Seryosong seryoso na sinabi ni Ken kay Angello.Napakaharsh naman ni Ken kay Rita,kapag nainlove ka kay Rita isusuka mo rin 'yung sinasabi mo Ken.

"Okay,sinabi mo eh pero hindi mo kontrolado Ang m sitwasyon.Malay mo mamaya o sa ibang araw ang matigas na Ken Samonte ay mapapalambot lang ng isang babae." Pang-aasar pa ni Angello kay Ken.Tiningnan lang s'ya ni Ken.

Rita's Pov.

First day ko pa lang sa trabaho mukhang mapapalaban ata ako ng pahabaan ng pasensya sa magiging boss ko ah,talaga pa lang may mga ganitong tao,ano? 'yung may masama ang ugali pero hindi ko naman sinasabi na masama ang ugali ni Sir Ken,siguro medyo lang.Kahit sino naman ang makakakita kay Sir Ken eh aakalaing masama ang ugali,tingnan n'yo naman,ni hindi nga namamansin,hindi ngumingiti,sayang pa naman,ang gwapo n'ya.
Kapapalit ko pa lang ng damit para simulan na ang trabaho ko bilang tagpag-alaga sa isang lalaking pinaglihi sa amplaya,kung anong lasa ng amplaya gano'n kapait ang pagmumukha ni Sir Ken.Nakasalubong ko sina Sir Ken at 'yung lalaking naghahanap sa kan'ya kanina.Dapat good vibes wag maging nega.

"Hi sir?..........." Nakakagiliw kong pagbati pero isang matalim na namang tingin ang ibinigay n'ya sa'kin.Grabi naman,wala man lang bang ngiti or something na..........OH,RITA,'yung ganern.

"Oh,ikaw pala si Rita,by the way I'm Angello." Singit naman ni Angello at inilahad ang kamay n'ya sa'kin,tinanggap ko naman ito.

"Rita po." Sabi ko at nagbitaw na kami.Napatingin na lang ako Kay Sir Ken nang magsalita s'ya,aba! marunong naman palang magsalita si amplaya.

"Ang trabaho mo sa bahay na 'to,mag-alaga,alagaan ako hindi makipag-kilala at makipag-landian sa iba, hindi ka pinapasuweldo para makipagdaldalan o makipagkuwentuhan.Kung hindi mo magagawa 'yun!you may go out!". Seryosong sinabi ni Sir Ken sa'kin,nakikipagkilala lang naman ako ah,landi agad.

"Ken grabi ka kay Rita,she look's nice naman ah at tsaka maganda s'ya." Napangiti naman ako sa huling sinabi ni Angello sa'kin,'to naman............maganda ako?

"Ay Sir Angello tha-----------". Magpapasalamat sana ako sa papuri n'ya sa'kin ng pinutol ni Sir Ken ang sasabihin ko.

"Angello dapat magpatingin ka na ng mga mata mo,malabo na!wala akong nakikitang maganda,bouncer lang!". Seryoso n'yang sinabi pero halata sa boses ni Sir Ken na inaasar n'ya ako.Makapanglait 'to ah,wagas!!

"Sir Ken kahit anong sabihin n'yo hindi ako aalis sa bahay na ito kasi may kailangan pa akong alagaang baby.........." Pang-aasar ko din naman,nakita kong napakiling ang ulo n'ya nang sinabi kong BABY.Pigil namang tumatawa si Angello. "Baby na hindi makalakad,siguro ako na din 'yung magpapaligo sa kan'ya simula ngayon...........makikita ko ang.............." Napangiti ako at napatingin sa bandang baba ng bewang ni Sir Ken.ito namang si Sir Ken gustong gusto na akong sapakin.

"Wait Rita?..........Ano 'yung makikita mo?". Natatawang tanong ni Sir Angello sa'kin.Nginitian ko s'ya ng sobrang sweet para lalong maasar si Sir Ken.

"Kayo naman Sir Angello,alam n'yo na 'yung ibig kong sabihin.............ah, Sir Ken,sige ha? may pupuntahan lang po ako sandali pagbalik ko po papaliguan ko na po kayo."Nakangiti kong sinabi at umalis ako,nadidinig ko namang tumatawa si Sir Angello.

"Gelo,enough walang nakakatawa!". Inis na saway ni Sir Ken sa pagtawa ni Angello.

"Ken,pagbalik n'ya makikita n'ya na ang................" Hindi n'ya na naituloy kasi nagpatuloy s'ya sa pagtawa.

Ken's Pov

Buwisit na Rita'ng 'yun,pinapainit talaga ang ulo at tsaka kababaeng tao kung ano ano ang sinasabi,Sana wag na s'yang bumalik,kaya ko namang maligo mag-isa eh at kaya ko ring asikasuhin ang sarili ko.

..... Flashback.....

"Baby na hindi makalakad,siguro ako na din 'yung magpapaligo sa kan'ya simula ngayon...........makikita ko ang.............."Nakangiting sinabi ni Rita.

........End of flashback.......

"Buwisit!!". Inis na inis na sinabi ni Ken at iniwan si Angello.

"Bro,maghanda ka na mamaya." Pang-aasar pa ni Angello kay Ken at sinundan na si Ken.

Once Cupido Hits Your Stone HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon