Rita's Pov
"Ayyyyyyyyy!!!!!!!". Gulat kong sinabi at nakatalikod tsaka naman ay tinakpan ko ang mga mata ko.
Sino ba ang hindi magugulat,ha?! Yun ba namang kapapasok mo pa lang sa kwarto n'ya eh,makikita mo na lang na walang kahit anong suot ang boss mo at bigla bigla na lamang lumilitaw kung saan.
"He-heyyyyyyyyy!!!!!!!". Sabi ni Sir Ken at sabay hila ng kumot mula sa kama n'ya at itinapiksa katawan n'ya. "Anong ginagawa mo dito?!". Gulat na tanong n'ya.
"Ah.............ano.............ahhhhhh..............Kasi..............." Sa sitwasyon ngayon hindi ko alam ang sasabihin ko eh.
"What the..................Bakit ka ba bigla bigla na lang pumapasok,ha?! Wala man lang katok, gano'n ba?!". Inis na tanong n'ya sa'kin.
"Sorry na...........alam ko ba na nakahubad ka? Edi sana Sir naglagay ka ng note sa pintuan na bawal pumasok kasi nakahubad ka."
"I'm not stupid to do that,unlike you,bakit 'yan ba ang ginagawa mo,ha?! Do you think na kapag ginawa mo 'yun eh wala ngang papasok sa loob,huh?". Masungit na sinabi n'ya sa'kin.Bwisit ka talagang ampalaya ka!
"Hindi gano'n!". Sagot ko naman.
"Kung gano'n pala,eh ano pang hinihintay mo d'yan,umalis ka na?! Or baka gusto mo pa akong panooring magbihis dito ngayon?". Sabi naman n'ya at nagbigay pa talaga s'ya ng pagpipilian ah.
"Kapal mo Sir Ken,bakit ko naman gugustuhing panoorin kang magbihis?". Tanong ko naman sa kan'ya.
"Ang dami mong sinasabi,out!!". Utos naman n'ya.
"Akala ko ba Sir panonoorin kita magbihis?!". Biro ko sa kan'ya,mainis ka lang Sir Ken.hahahaha.
"Labas na!!................Hindi ka lalabas? Okay fine,watch me!". Nagulat na lang ako ng ihagis sa'kin ni Sir Ken ang kumot na nakatabing sa kan'ya.
"Joke lang Sir!". Sabi ko at lumabas na ng kwarto.
————————————————
Ken's Pov
"Labas na!!................Hindi ka lalabas? Okay fine, watch me!".Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at bigla bigla ko na lamang inihagus kay Rita ang kumot na nakatabing sa buong katawan ko.
"Joke lang Sir!!". Sabi ni Rita at daliang lumabas sa kwarto ko.Napaka-engot n'ya talaga kahit kailan.Nakalimutan ko nakahubad nga pala ako.
Kumuha na ako ng damit at nagbihis,pagkabihis ko ay bigla na lamang nag-ring ang phone ko,unknown number,sino naman kaya ito? Pinindut ko ang answer button pero minabuti kong hindi magsalita.
"Ken?". Tinig mula sa kabilang linya,kilala ko ang boses na 'to,hindi ako maaaring magkamali s'ya nga 'to,pero bakit n'ya ang kailangang makausap? Bakit n'ya ako tinawagan? Anong kailangan n'ya sa'kin?
————————————————
Rita's PovKanina pa hindi bumababa si Sir Ken ah,hindi man lang s'ya nagmiryenda or kahit ano,siguro natutulog na naman s'ya pero bakit naman ang tagal? Minabuti ko ng puntahan si Sir Ken sa kwarto n'ya,dinalhan ko s'ya ng miryenda.Pagkakatok ko ay binuksan ko na ang pintuan,wala si Sir Ken sa kama n'ya,ibinaba ko na ang dala kong miryenda, pinuntahan ko s'ya sa terrace ng kwarto n'ya,tama nga ako nasa terrace na naman s'ya.
"Sir Ken,'ayos lang po ba kayo?" Tanong ko,umiling s'ya sa'kin. "Sir,alam ko pong hindi tayo close pero p'wede n'yo pong i-share sa'kin ang problema n'yo!". Sabi ko naman.
"Why would I?". Seryosong tanong naman n'ya sa'kin.
"Ito namang si Sir Ken napaka-harsh talaga sa'kin,ako na nga 'tong gustong tumulong sa'yo ikaw pa 'tong-------------". Pinutol ni Sir Ken ang sasabihin ko.
BINABASA MO ANG
Once Cupido Hits Your Stone Heart
RomanceSabi nila walang puso ang nananatiling matigas, nananatiling bato,mayroong puso ang babasag nito at magpapalambot pero hindi ito madaling gawin.Kung ang pusong nanatiling bato gawa ng nakaraan,dadaan at dadaan s'ya sa panglalait at pagsusungit bago...