Kabanata 14: Good Morning
"Aoife..."
I heard Mommy knocking outside my door, antok na antok pa ako pero ginigising na niya ako ngayon.
"Aoife, anak... gumising ka na, magsisimba na tayo." Naririnig kong katok niya sa labas ng kwarto ko, kasunod ng iilang katok sa pinto.
Tamad na tamad akong bumangon mula sa kama, at wala akong ibang magawa kundi ang pagbuksan na siya ng pinto.
"M-my..." Inaantok kong bati sa kaniya nang mapagbuksan ko na siya ng door.
"Anak, magbihis ka na. Misa de Gallo na." Pahayag niya at binuksan na rin niya ang ilaw ng kwarto ko.
Muli akong bumalik sa sariling kama at humilata ulit. Naririnig ko siyang nagsasalita sa background pero hindi ko siya mapakinggan ng mabuti dahil sa sobrang antok ko.
"Ayan kasi... nagcecellphone ka gabi-gabi kaya ang tagal mong natutulog, tapos ngayon antok na antok ka."
Ilang litanya pa ang binabato niya sa'kin pero wala talaga akong mapakinggan ng maayos.
Naramdaman kong may inilatag siya sa kama ko, at muling narinig habang nakapikit pa rin ang mga mata.
"Oh, ayan na. Magbihis ka na, anak. Ako na ang kumuha sa susuotin mo ngayon para sa misa." Pahayag niya habang kinakalabit na ako para tuluyan nang magising.
Hindi ko alam kung paano ako napabangon at napabihis ni Mommy habang inaantok pa ako, pero nang magkaroon na talaga ako ng malay ay nasa kotse na kaming tatlo habang si Daddy ay nagmamaneho na papunta simbahan.
I yawned. Nakakaantok talaga kapag alas tres ng madaling araw kang gigising para lang dumalo sa bagong misa na ngayon sa simbahan para sa nalalapit na Pasko.
Ilang taon na akong sinasama ng mga magulang ko sa mga ganitong misa, pero hindi ko pa kailanman nakokompleto ang siyam na araw ng Misa de Gallo. Siguro sa sobrang tamad kong gumising ng ganito kaaga, hindi na naging big deal sa'kin ang mga ganitong gawain kahit tradisyon na ito ng pamilya namin.
Muli akong humikab sa sobrang antok ko. Pumarada na ang kotse namin nang makarating na nga kami sa simbahan, at makikita na sa labas ng bintana na iilan na ang nagdadagsaan para dumalo sa gaganaping misa ngayon.
Sa sobrang bagal kong kumilos ay nauna nang lumabas si Mommy mula sa shutgun seat, sumunod na rin ako habang pinapatay pa ni Daddy ang kotse at sabay-sabay na kaming naglakad papasok sa buong simbahan ngayon.
As usual, my parents our known in this church kaya naman maraming bumabati sa kanila ng magandang umaga mula sa mga matatanda, ginang at ginoo. Sinusubukan kong magmukhang maaliwalas ang mukha kahit inaantok pa rin, nasisilawan sa mga ilaw sa loob ng simbahang ito at buti na lang walang lumalapit kina Mommy at Daddy ngayon para makipagchismisan.
Naupo na kami sa pang-apat na upuan at muli na naman akong napahikab, kaya napasulyap na sa'kin si Mommy saglit. Huminga ako ng malalim at umayos na sa pagkakaupo.
Hindi ko alam kung ilang minuto kami naghintay bago nagsimula ang misa, mukhang nakaidlip ako saglit at bigla-bigla na lang tumayo rito sa gitna nina Mommy at Daddy nang magsitayuan na ang lahat.
I can't focus on the mass right now, at kahit ang Father na naghohomily na ngayon ay hindi ko maintindihan at marinig dahil napapaidlip na nga ako. I don't know if my parents notice my situation right now dahil nasa gitna lang naman nila ako, pero mukhang masyado akong magaling umidlip kahit nakaupo pa rito at nasa gitna ng misa.
Sa haba-haba yata ng homily ni Father, nakaidlip nga ako at nagsitayuan na naman ang lahat na buti na lang ay nagising kaagad ako. Muli na naman akong napahikab sa sobrang pagod at antok, kaya pinagsabihan na ako ni Mommy.
BINABASA MO ANG
Our Christmas Nights
Teen FictionChristmas Series Special # 3.20 Mga alaala na palaging inaasam, Sa nalalapit na Pasko kasama ang mga mahal sa buhay. Mga pangakong magbabago para sa kabutihan, Ilang taon ang kakailanganin para sa nakalulugod na katuparan? Language: Filipino All Rig...