Kabanata 7

31 5 0
                                    

Kabanata 7: Exam

It's already December one, at nakapagdesisyon na ako na dapat ko na ngang tigilan ang kagagahang ginagawa ko sa loob ng buong taon. Kahit man lang sa buong December ko na lang tuparin ang kahilingan ko na hiniling ko last year, siguro naman makakabawi na ako sa sarili at para na rin kina Mommy at Daddy sa ganoong paraan?

At heto na ako ngayon, tinitext ko na si Mikki Chua sa umagang-umaga na 'to. Kagigising ko lang mula sa paidlip-idlip na pagtulog simula pa kagabi dahil sa maraming iniisip, alas singko pa lang ngayon ng madaling araw at hindi talaga ako makatulog ng mahimbing.

Binasa ko ng maigi ang text message kong ise-send sa dalawang linggo ko pa lang na boyfriend, at sisiguraduhin kong siya na ang panghuli kong boyfriend lalo na't nasa high school pa lang ako ngayon.

At talagang nagkaboyfriend na muna ako ng tatlo, bago ko na realize ang lahat nang 'to?

Ako:

Mikki, break na tayo.

'Yan lang ang nakayanan kong sabihin sa kaniya, at siguro naman maiiintindihan niya rin ako. Wala na rin akong ganang pahabain ang relasyon namin, at lalo na napakashowy ni Mikki Chua sa public tungkol sa relasyon naming dalawa.

I clicked the send button at pinatay na lang muna ang cellphone. Tama lang naman siguro na hindi muna ako magseseryoso sa mga ganoong bagay, at ayokong makaabot pa ito kina Mommy at Daddy bago ko hiwalayan si Mikki Chua.

Isang oras at kalahati akong naghahanda para sa pagpasok ngayong araw. Naririnig kong naghahanda na si Mommy ng breakfast ngayon sa kitchen, habang sinasabit ko na ang back pack sa balikat at naglalakad na pababa sa mahabang hagdanan ng mansyon.

"Good morning, My! Good morning, Dy!" Masayahin kong bati sa kanila nang madatnan ko na silang dalawa sa dinning table.

Isa-isa ko silang hinalikan sa pisngi, at nagtaka na lang ako nang hindi man lang nila ako sinuklian ng 'magandang araw' ngayon o kahit man lang masayahing ngiti.

Umupo na ako sa sarili kong upuan sa kabilang side ng kabisera na kung nasaan si Daddy, at palipat-lipat na lang ang tingin ko sa kanilang dalawa na seryoso na ngayon.

"Aoife."

Kinabahan na ako nang binigkas ni Daddy ang pangalan ko na parang may dapat akong aminin ngayon sa kanila.

Nalaman na kaya nila na nagkaboyfriend na ako sa taong ito?! Anong gagawin kong alibi ngayon?!

Lahat kami'y tahimik lang sa buong hapag sa umagang ito, at kahit si Mommy ay tahimik lang nagmamasid sa'kin na parang nalulungkot na ngayon.

"Totoo bang dinaya mo ang examination niyo last week?" Dad asked in a very scary tone na ikinalito ko.

What? Ano itong pinagsasabi ni Daddy? I didn't cheat on any examination!

Mapakla akong natawa sa harap nilang dalawa, at hindi ako makapaniwala na ito ang itinatanong nila sa'kin ngayon.

"Ano, Dy? Ako nagcheat sa exam namin? Bakit ko naman gagawin 'yon?" Depensa ko sa kanilang dalawa at hindi pa rin makapaniwala.

Naglabas na ng envelope si Mommy at inilahad niya ito sa harap ko, kaya wala akong ibang nagawa kundi ang tanggapin iyon at basahin ang laman. Hindi pa ako nakapagsimula sa pagbabasa nito nang si Mommy na mismo ang nagpaliwanag ng lahat.

"Nakatanggap kami kahapon ng Daddy mo ng report letter mula sa school mo, at nagsasabing dinaya mo ang buong examination niyo last week na syang nahuli ng kaibigan mo mismo." Seryosong paliwanag ni Mommy at binaba ko na lang sa lamesa ang letter, dahil sa pagkakalito at pagkakagulat sa lahat ng ito.

Our Christmas NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon