Kabanata 9

20 4 0
                                    

Kabanata 9: Friends

Araw na ngayon ng Christmas Party namin, at hanggang ngayon hindi pa rin ako sigurado kung dadalo nga ba ako sa event na 'to. I actually couldn't imagine this kind of party, Christmas Party daw ng lahat na parang Acquaintance Party na rin daw ng lahat ng grade levels.

Wala naman akong experience nito sa nakaraang taon, at baka naman mabobored lang ako roon lalo na't hindi kami ngayon bati ng mga kaibigan ko. And maybe I could thank this event somehow na ganito ang set up ng Christmas Party namin ngayon, dahil para na rin hindi ko makasalamuha mismo ang mga kaibigan kung iba-iba nga ang Christmas Party ng iba't-ibang section and grade levels.

Nakapagbihis na ako matapos akong pilitin ulit nina Mommy at Daddy na dumalo ngayon sa party, I'm doing this for the sake na lang of my parents dahil gusto nilang mag-enjoy man lang ako sa taong ito kahit ang dami-daming trahedya na nangyari sa'kin sa school.

Muli akong nag-ayos ng sarili para man lang magmukha akong approachable sa mga tao ngayon, I'm just wearing a classy chiffon light pink dress that looks cute on me. Alam na alam talaga nina Mommy at Daddy ang mga taste ko sa mga damit, kaya kaagad ko na itong nagustuhan na bumagay naman sa'kin.

Inangat ko ang isang paa papunta sa likuran para makita ko sa repleksyon ng salamin, at nakita ko kaagad sa repleksyon ang suot kong light pink t-strap sandal with ankle bows. First time kong dumalo sa Christmas Party ng school namin, at siguro naman handang-handa na ako ngayon?

Sabagay, wala naman akong planong magtagal pa roon, lalo na't mukhang wala na akong mga kaibigan nang dahil sa ginawa nila sa'kin. Until now, hindi ako makapaniwala na ginawa nila ang prank na 'yon at talagang paniwalang-paniwala naman ang DSA kahit wala namang ebidensya na ginawa ko.

At tama nga si Daddy, kung tunay ko nga silang mga kaibigan... sa simula pa lang hindi nila magagawa ang prank na 'yon sa'kin kung wala nga silang masamang intensyon.

Perhaps next year, I better be alone by myself instead of hanging around with those kind of people who has bad influences and agendas on me.

Natigil na ako sa pagpapaganda sa sarili sa harap ng salamin nang marinig kong tumunog ang aking cellphone sa isang bagong notification, kaya kaagad ko na itong kinuha mula sa pagkakalatag sa cabiniet na nasa harapan ko.

Mikki:

Babe, hindi pa rin ako nakakamove on sa'yo. Sana tayo na lang ulit ngayong Pasko.

Napabuntong-hininga na ako pagkatapos kong basahin ang mensaheng iyon. Oo nga pala, dagdag sa alalahanin ko pa itong si Mikki Chua na nagpaparamdam pa rin sa'kin kahit tinapos ko na ang dalawang linggo naming relasyon.

Hindi siya makakapagdesisyon niyan lalo na't desidido na ako sa sarili na tuparin ang pangako ko at sa mga magulang ko last year, wala na rin akong balak na magkaboyfriend pa ulit lalo na't importante na ngayon sa'kin ang magiging reaksyon nina Mommy at Daddy sa anumang pagkakamali ko simula ngayon.

Hindi ko na siya nireplyan at ilang beses ko nang binabaniwala ang mga text message niya sa'kin, wala na akong pake sa nararamdaman niya ngayon basta ang importante ay tinapos ko na ang relasyon namin bago pa malaman ito nina Mommy at Daddy.

"Aoife, anak? Tapos ka na ba?" Narinig kong tawag ni Mommy pababa ng malaking hagdanan, kaya mabilis ko na silang hinarap ni Daddy at tinago na ang cellphone.

Nang maharap ko na silang dalawa ay pareho nila akong pinukulan ng masayahing ngiti, at maaliwalas ngayon ang mga mukha ng aking mga magulang na palagi kong nakikita kapag masaya at proud sila para sa'kin.

Nilapitan na ako ni Mommy at hinawakan na ako sa balikat.

"Ang ganda-ganda mo, anak... Naalala ko ang kabataan ko sa'yo." Parang naluluhang pahayag ni Mommy sa'kin, pagkatapos niya akong sinuyod ng tingin sa suot kong outfit ngayon.

Our Christmas NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon