Kabanata 10: Over
Tama nga sila, mabilis lang lumilipas ang mga araw sa bawat huling buwan ng taon, at ngayon... Christmas na mamayang alas dose.
"Anong regalo ang maihahandog niyo sa inyong kapwa ngayong Pasko?" Narinig kong tanong ni Father sa kaniyang homily ngayon, pero hindi man lang ako makapagfocus dahil sa ibang iniisip.
Sumulyap muli ako sa bahagi ng mga choir, at nakita kong pareho silang nakatuon ang buong atensyon sa misa na ginaganap ngayong Midnight Mass. Naiintindihan ko naman kung bakit magkatabi sila ngayong nakaupo, dahil nga parte sila sa organisasyon ng mga kabataan sa simbahang ito at sila ang mga choir ngayong gabi.
Pero... may tunay bang kaibigan na kaibigan din ng lahat?
Muli kong ibinalik ang tingin sa harap, at dumako ang tingin ko sa sariling ama kasama ang iilang ginoo na nakaupo sa pinakaunahan bilang mga Knights of Columbus ngayong gabi.
"Ang pagiging mapagbigay at pagmamalasakit ang pinakamagandang regalo na maihahandog niyo sa kapwa." Pahayag ni Father at hindi man lang iyon pumapasok sa isipan ko.
Simula nang mangyari 'yong pag-uusap namin noong Christmas Party, hindi ko siya makitaan na tunay ko siyang kaibigan kasi wala man lang siyang paramdam o interaksyon sa'kin.
Ano kaya talaga ang ibig niyang sabihin na magkaibigan na kami? Dapat ba kaming magkaibigan sa isa't-isa kapag nasa mansyon ko siya? Kapag nasa harap ng mga magulang ko? Kapag mawawalan na talaga ako ng mga kaibigan sa susunod na taon? O trip lang niya akong pagtripan na magkaibigan na kami?
Sabagay, bakit ko naman ginagawang big deal ang pagiging magkaibigan namin? Ilang linggo ko na itong palaging iniisip, ah? At ngayon hindi pa rin ako matahi-tahimik?
O baka lang naman nababahala lang talaga ako na tuluyan na akong mawawalan ng kaibigan, lalo na't hindi ako sanay sa ganoong sitwasyon.
Whatever it is, I shouldn't be thinking these kind of thoughts in the middle of the holy mass. This is very not morally good! At dapat nga talaga akong makinig sa homily para hindi na lumipad kung saan-saan itong utak ko.
Nang matapos na ang mahabang misa sa gabing ito, wala man lang akong maalala kung tungkol saan ang homily ni Father kanina. Dahil na rin siguro sa sobrang bilis kong madistract sa mga bagay-bagay, at masasabi kong wala nga talaga akong silbi bilang parte ng relihiyong ito.
Nagsilapitan na naman ang mga kakilala nina Mommy at Daddy dito sa simbahan, nakasuot pa rin si Daddy sa kaniyang attire bilang Knight dahil sa isinagawa nila kanina at ngayon abala silang dalawa ni Mommy sa pakikipaghalubilo.
Tahimik na lang akong lumabas ng simbahan, at naisipang sa parking lot na lang ako maghihintay sa kanilang dalawa kesa ang manatiling tumayo roon sa likuran nila na parang rebulto.
Nakakasabayan ko ang iilang tao na dumalo sa misa ngayon palabas ng simbahan, at iilan na lang ang natitira nang makarating na ako sa parking lot. Sumandal na ako sa likod ng kotse namin, at naiinip nang naghihintay sa dalawang magulang ko na abala pa sa loob ng simbahan.
Nagtaas ako ng tingin, at sumalubong kaagad sa'kin ang dilaw na parol na nakasabit sa puno na nasa ibabaw ko ngayon.
Kung hindi na pagboboyfriend ang pag-aabalahan ko next year... siguro ang paghahanap na lang ng mga tunay na kaibigan ang kailangan kong pagtuonan ng pansin, at lalo na ang pagbabago sa sarili.
Ano ba ang dapat kung uunahin para magbago na ako? I have no guidelines on changing for the better me. At alam ko naman na hindi madali iyon.
Siguro uunahin ko 'yong pagiging tamad ko? O 'yong pagiging mataray at maldita?
BINABASA MO ANG
Our Christmas Nights
Teen FictionChristmas Series Special # 3.20 Mga alaala na palaging inaasam, Sa nalalapit na Pasko kasama ang mga mahal sa buhay. Mga pangakong magbabago para sa kabutihan, Ilang taon ang kakailanganin para sa nakalulugod na katuparan? Language: Filipino All Rig...