Kabanata 15

19 4 0
                                    

Kabanata 15: Girlfriend

"Merry Christmas, Aoife!" Nakangiting sabi ni Jennelyn sa screen ng cellphone ko habang nagvivideo call kami ngayong magkakaibigan.

"Merry Christmas, Jennelyn! Merry Christmas, girls!" I smiled to them at the screen, at itinaas ang basong iniinuman ng soft drinks.

My parents and I already had a feast on our table just now, at ngayon mag-isa na lang ako sa patio ng mansyon dahil pareho nang inaantok sina Mommy at Daddy kaya nauna na silang matulog. Matutulog na rin sana ako pagkatapos kong magligpit ng pinagkainan namin, pero tumawag itong mga girls ko kaya mamaya na ako matutulog.

"Anong laman ng basong 'yan, Aoife?" Kuryoso nang tanong ni Dynah nang makita niya ang ginawa kong pagtaas ng baso sa screen.

"Soft drinks." Kibit-balikat kong sabi at ibinaba na ito sa kaharap na steel round table.

"What? Soft drinks lang 'yan?!" Natatawa nang sabi ni Dynah at parang nangmamaliit na sa'kin ang tingin sa screen.

"Seriously? Hanggang ngayon nagsosoft drinks ka pa rin? Akala ko pa naman mamahaling alcohol o wine na 'yang iniinom mo riyan!" Halakhak niya kaya napakunot na ako ng noo.

Nagtawanan na ang ibang mga kaibigan namin dahil doon.

"Ano naman ngayon? I'm only fifteen, gosh!" Depensa ko at muling sumimsim sa soft drinks na minamaliit na ngayon ng mga kaibigan ko.

"We all know that we're only fifteen, Aoife... Eh ako nga ninakaw ko pa 'tong alcohol na 'to mula sa kwarto nina Mama!" Dagdag na ni Rhea habang natatawa na ngayon at tinataas ang isang bote ng alak.

"What the?"

"Ako rin! Akala ko ako lang ang hindi gumagawa nun, Rhea!" Pag-aamin na rin ni Lena at mas lalo pa silang nagtawanan.

"Luh? Mukhang tayo na lang yata ang nananatiling behave rito, Aoife." Mapaklang tawa ni Jennelyn, at nag-yabang na naman si Dynah.

"Well, I'm sorry girls. Ako kasi matagal na akong pinapayagan ng parents kong uminom. Imagine? I was only eight years old when I got a taste of sparkling wine!" Pagmamayabang niya.

Napairap na ako habang inuubos ang soft drinks sa baso, at napangiwi na kahit hindi naman maasim ang iniinom.

"Sparkling wine? Hindi ba parang juice na rin 'yan?" Curios nang tanong ni Rhea, sabay baba ko na ng baso sa kaharap na lamesa.

"What? Anong juice? It's still alcohol, Rhea! Napakaignorant mo naman sa mga wine!" Paninigaw niya kay Rhea dahil sa sinabi nito.

Napailing na lang ako.

"So, girls, change topic... I'm sure magugulat kayo nitong sasabihin ko." Pag-iiba na ng usapan ni Lena, kaya lahat kami'y natahimik na.

"Anong chika ba 'yan?" Kuryoso nang tanong ni Jennelyn nang ilang sandali pa bago nagsalita si Lena.

"Girls, parte na ako ng parish youth ng simbahan natin at alam niyo ba kung ano ang mas nakakagulat?" Tanong niya isa-isa sa amin at mas lalo na akong napakunot ng noo.

"Magjowa na pala sina Nj Pascua at Isaiah Morones!" Sigaw niya at malakas na siyang napahalakhak pagkatapos.

Bigla-bigla na lang akong nawala sa mood pagkatapos sabihin iyon ng kaibigan.

At dahil sa sobrang lakas ng halakhak ni Lena, sinipat na siya ni Dynah.

"Hoy! Anong nakakatawa riyan? Ba't ang tuwang-tuwa mo yata sa relasyon nila?" Tanong na ni Dynah.

"Eh kasi naman..." Parang naiiyak na sobrang katatawa itong kausap namin ngayon. "Kaagad din silang nagbreak kasi nalaman pala iyon ng administrator namin na magkasintahan sila! Eh bawal naman pala iyon sa organization namin!" Mas lalo siyang humalakhak.

Our Christmas NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon