Kabanata 24

18 2 0
                                    

Kabanata 24: Fate

Nauna na akong maglakad papasok sa pinto ng simbahan, habang nakasunod lang siya sa'kin sa likod ng kaliwang balikat ko.

Nararamdaman ko ang kaniyang malaki at magaspang na kamay na dumadaplis sa kaliwang kamay ko, diri-diritso man ang lakad ay hindi ko maiwasang lumipad ang isipan sa nangyari sa'min kanina.

I just want to dump and avoid him! Ayoko nang umaasa sa bawat araw na nagdaan na makakasama ko siya palagi sa pagsisimba ng Misa de Gallo hanggang Pasko! Ayoko nang nakakasama siya ng buong pamilya ko sa pagdadalo ng mga misa na para bang tanggap na siya ng mga parents ko! Basta ayoko! 'Yon lang naman ang nagpapabagabag sa'kin!

Sa paghuhuramentado ng isip at puso ko, hindi ko namalayan na muntik ko nang malagpasan ang palaging pwestong upuan namin kaya naman ay hinawakan na niya talaga ang kaliwang kamay ko.

"Aoife, dito." Mahinahon niyang tugon, at iginiya na niya akong maupo sa pinakadulong bahagi ng upuan na hindi binibitawan ang aking kamay.

Namumula man ang pisngi ay wala na akong ibang nagawa kundi mapakagat na lamang ng pang-ibabang labi. Nang nasa dulo na kami katabi ang aisle ay sabay na kaming naupo sa upuan, pero hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko.

Babawiin ko na sana 'yon pero bumulong na siya sa tenga ko na mas lalo lang nagpapakaba sa'kin ngayon.

"Nilalamig ka ba?" Bulong niya at naramdaman ko ang hininga niya roon. Napakalapit namin sa isa't-isa, na kulang na lang ay yakapin na niya ako rito na nakaupo sa kaniyang tabi.

Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang kamay na nakahawak pa rin sa kamay ko, samantalang kulang na lang ay mag-freeze na itong kamay ko sa sobrang chilly na nararamdaman.

"H-hindi." Tipid kong sagot at umayos na sa pagkakaupo.

Nakita niya ang ginawa kong paglayo sa kaniya kasabay nang pagbawi ko na ng kaliwang kamay, kaya naman ay narinig ko siyang bahagyang tumawa ng marahan. Nagdahilan na lamang akong patingin-tingin sa paligid at sa mga taong kasabay naming magsisimba ngayon.

"Hindi ba na'tin makakasama parents mo ngayon, Aoife?" Tanong na niya na ngayon ko pa lang napansin.

Oo nga pala. I haven't noticed my parents here yet. This is our usual spot and the mass is about to start for a few minutes na lang. Bago pa ako nakasagot ay may isang pamilya nang nag-occupy sa bakanteng espasyo rito sa tabi namin na para sana kina Mommy at Daddy.

"Hindi ko rin alam. I'm certain naman na dadalo sila ngayon, p-pero baka mala-late na yata?" Hindi sigurado kong sagot sa kaniya.

Pareho na kaming natahimik pagkatapos kong sabihin iyon nang tumunog na ang church bell para sa sisimulan na ngayong misa. Sabay-sabay na kaming nagsitayuan lahat, at hindi ko maiwasang mag-overthink kung nasaan na ngayon ang mga magulang ko habang nakatuon na ang tingin sa kaharap na altar.

"Alam niyo ba kung ano ang Kaniyang pangako sa mga taong mapagbigay lalo na't sa darating na Pasko?"

Nasa kalagitnaan na kami ngayon ng misa, pero sina Mommy at Daddy ay wala pa rin. Mukhang hindi na sila nakaabot ngayon dahil hindi na nagising?

"Blessed is the one who considers the poor!"

Naalala ko ang nangyari kagabi. I can't stop myself from drowning on my own thoughts instead of focusing in the mass.

"In the day of trouble the Lord delivers him... the Lord protects him and keeps him alive."

Tumatanda na talaga ang mga parents ko... Pagpapaalala ko sa sarili para maintindihan na normal lang na magkakasakit at manghihina na sila sa ganoong edad.

Our Christmas NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon