Kabanata 20: Guidance
"Aoife? Bakit natagalan ka sa pag-uwi, anak?" Bungad na sa'kin ni Mommy nang makapasok na ako sa loob ng mansyon at sinirado na ang pintuan sa likuran.
Nagtama saglit ang tingin namin ni Mommy, pero mabilis din akong nag-iwas ng nagtataka niyang tingin sa'kin habang hindi pa rin makaget over sa buong nangyari kanina.
Namumula na ngayon ang pisngi kong sumasagot ng maayos sa kaniya, habang si Daddy ay ibinaba na ang hawak na cellphone sa coffee table na nakaupo sa pang-isahang sofa at nakatingin na rin sa'kin.
"U-uhhh..." Should I really tell the truth to my parents? Anong magiging reaksyon nila?
Nang hindi ako magsalita ay si Daddy na mismo ang bumasag sa katahimikan naming tatlo rito sa malaking sala.
"Oo nga pala. Nagpaalam sa'kin kanina si Isaiah Morones na isusundo ka niya pagkatapos ng party niyo, at mamamasyal kayo sa plaza ng bayan." Pahayag na ni Daddy na ikinagulat ko na nakatayo pa rin sa harap ng pintuan at hindi man lang makagalaw palapit sa mga magulang.
May alam pala si Daddy, at talagang nagpaalam pa sa kaniya ang matandang salat na 'yon?!
"Natuloy ba iyon, anak?" Pahabol pang tanong ni Daddy na naging dahilan para pamulahan na naman ako ngayon ng pisngi sa harap pa mismo ng mga magulang ko.
"U-uhhh, o-opo." Nahihiya ko nang pag-amin sa kanilang dalawa ni Mommy, nanatili lang akong nakayuko at hindi talaga makatingin ng diretso sa kanilang dalawa ngayon.
Nang mapansin yata ni Mommy na iba ang ikinikilos ko ngayong gabi, nilapitan na niya ako at niyakap imbes sana'y ako 'yong palaging gumagawa noon kapag nakakauwi na ng bahay.
"Hay... itong anak namin nagdadalaga na talaga." Tugon ni Mommy sa balikat ko habang yakap niya pa rin ako.
Nalilito ako sa sinabi ni Mommy pero mas lalo lang yata ako kinabahan nang magsalita pa si Daddy.
"Maupo ka nga muna rito, anak, at mag-usap tayo." Si Daddy.
Naging alarma na ako na baka may alam si Daddy? Tungkol sa amin ng matandang salat na 'yon? I'm so confused that my parents are acting this way tonight! It seems like they're going to sermon me who just got home from a date?!
Kumalas na sa'kin si Mommy at matamis na niya akong ningitian, naguguluhan na lamang akong ngumiti pabalik sa kaniya at iginiya na niya akong makalapit kay Daddy na naghihintay na sa amin ngayon.
Umupo na kaagad ako ng maayos sa tabi ni Mommy dito sa mahabang sofa, habang nasa harapan namin si Daddy nakaupo sa pang-isahang sofa at nakita kong nagkatinginan na muna silang dalawa bago nagsalita.
Kahit kinakabahan ay matapang ko nang hinaharap ang mga magulang ko ngayon, bago pa may magawa akong mali na ikadidismaya nilang dalawa.
"Totoo ba iyon, anak?" Panimula na ni Daddy.
"A-ang ano po, Dy?" Kabadong-kabado ko nang tanong at alam kong pareho na silang may alam.
"Totoo ba na nililigawan ka na ngayon ni Isaiah?" Seryoso nang tanong ni Daddy, at hindi nga ako nagkakamali.
Napalipat na ako ng tingin kay Mommy, at wala na akong magawa kundi ang magsabi ng totoo.
Ibinalik ko ang tingin kay Daddy at napalunok pa muna ng laway bago nakapagsalita ulit.
"H-hindi ko pa naman po siya p-pinapayagan." Mas lalong bumilis ang pintig sa puso nang dahil sa ideyang liligawan ako ni Isaiah sa oras na makakapagdesisyon na ako.
Nakita kong parang kumalma ang reaksyon ni Daddy dahil doon, at napasandal na sa pagkakaupo sa sariling upuan.
"Buti naman, anak." Aniya.
BINABASA MO ANG
Our Christmas Nights
Подростковая литератураChristmas Series Special # 3.20 Mga alaala na palaging inaasam, Sa nalalapit na Pasko kasama ang mga mahal sa buhay. Mga pangakong magbabago para sa kabutihan, Ilang taon ang kakailanganin para sa nakalulugod na katuparan? Language: Filipino All Rig...