Epilogo

51 3 0
                                    

Thank you for patiently waiting for the final chapter of this story. I sincerely apologize that it took me years to finish this one, inconsistency always hit me and I'm trying my hardest to cope with it. Please be patient with me since I'm still figuring out my life and writing skills.

May my Christmas Series Special will serve as an inspiration in our lives as I write this series with guidance and integrity from Him, and may these moral values I have written in this series will inspire our youth to live with rationality. Advance Happy Holidays!

Let me end my third attempt at Christmas Series Special with you. Godspeed.

-ekscribbler

Epilogo: Generosity

"Isaiah! Congratulations! Doctor ka na!" Masayahing bati sa'kin ni Nj nang makalabas na ako mula sa aking sasakyan.

Mabilis na akong sinalubong ng mahigpit na yakap ng matalik na kaibigan, at napangiti na ako.

"Thank you, Nj."

Kumalas na siya mula sa yakap, at tumingala na sa'kin habang nakangiti pa rin.

"Tara na, kanina pa sila naghihintay sa'yo sa mansyon." Aniya at hinawakan na ako sa kamay.

Hinayaan ko na siyang kaladkarin ako papasok na sa nakabukas na malaking gate, na kung nasaan naroon ang mahabang tarpaulin na naglalaman ng pagbabati sa'kin bilang apresasyon sa aking pagkakapasa sa licensure exam.

"Mommy!" Sigaw na ng tumatakbong batang babae papunta sa amin.

"Jane, greet your Ninong for passing the board exam." Utos na ni Nj sa kaniyang four years old na ngayong anak.

Kumapit na ito sa binti ni Nj na parang nagtatago at nakatingala na sa amin ngayon.

"C-congrats p-po, Ninong..." Mahiyaing bati nito.

Napangiti na ako sa bata at marahan nang hinaplos ang ulo nito. "Thank you, Janey."

"Isaiah! Dios ko! Salamat sa Dios! Isa ka nang doktor!" Naririnig ko nang bati sa'kin ng mga bisita, kaya nagpatuloy na akong maglakad habang nakangiti para malapitan na sila.

Walang makakatumbas sa aking nararamdaman na kasiyahan ngayon. Ang pagkakapasa sa board exam pagkatapos ng mga taong paghihirap at pagsasakripisyo. Ni minsa'y wala nang pahinga para lamang makamit ang matagal nang pinapangarap.

"Ngayong doktor ka na, kailan ka ba mag-aasawa?" Birong tanong na sa'kin ni Sister Mira na isa sa mga madreng nag-aalaga sa'kin sa bahay-ampunan simula pa noon.

Parang napanis ang ngiti ko nang dahil sa narinig na ngayong tanong. Napukos na ang aking tingin sa maalalahaning madre.

"Oo nga, anak. 'Wag mong sabihin na magtatandang binata ka?" Hirit din ni Sister Fiona sa'kin.

Nagtatawanan na sila dahil sa kanilang mga hirit na biro, napapasabay na rin ako.

"'Yong nililigawan ko po kasi nasa ibang bansa pa, 'di pa umuuwi para pakasalan ko na." Tahimik ko nang sagot sa kanilang lahat, at nagkantyawan na nang dahil sa seryoso kong sinabi.

"Aba'y matindi ka, anak! May balak ka na ngayong pakasalan si Aoife na bago umalis 'yon dito eh nililigawan mo pa 'yon!" Natutuwang komento ni Sister Mira.

Tinabihan na ako ni Nj at pabiro na akong tinamaan ng kaniyang siko habang karga-karga na ngayon ang anak sa kamay.

"Ay sus! Hanggang ngayon umaasa ka pa rin doon... baka nakapagpangasawa na 'yon ng afam!" Nang dahil sa biro ni Nj ay parang nakombinsi na rin ang mga kaharap naming mga madre sa kaniyang sinabi.

Our Christmas NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon