Kabanata 8

27 5 0
                                    

Kabanata 8: Invitation

"Aoife, nakabili na kami ng Daddy mo ng damit mo para sa Christmas Party niyo."

Bungad sa'kin ni Mommy nang lumabas na ako galing sa sala, at ngayon nandito sila ni Daddy sa patio ng mansyon nagpapahangin pagkatapos ng hapunan namin.

Umupo na ako sa kabilang metal chair na kaharap silang dalawa.

"Hindi po ako dadalo sa Christmas Party namin ngayong taon na 'to, My." Maingat kong sagot sa kaniya at pareho na silang natigilan ni Daddy.

Hindi ko na sila matignan, at minabuti ko na lang na tumitig sa malaking parol na kumikinang at nakasabit sa ibabaw ng malaking gate namin.

"Bakit naman anak? May problema ba?" Nagtataka nang tanong ni Daddy sa tabi ni Mommy.

Hindi ako nagsalita kaya dumagdag pa roon si Mommy.

"Hindi ba nagtatapos na sa buwang ito ang suspensyon mo sa nakaraang taon, anak? Naibalita iyon ni Isaiah sa'kin, at nagpaalam na rin sa akin ang adviser mo na isasabak ka niya sa isang English contest next month." Pahayag ni Mommy.

Umiling lang ako ng dalawang beses sa kanilang dalawa, at walang makakapagpabago ng desisyon ko ngayon.

"Ayoko lang po talaga, My."

Bumagsak na ang tingin ko sa aking binti at pinagdidikit ko na lang doon ang mga daliri ko. Siguro naman maiiintindihan din nila ako lalo na't alam na rin naman siguro nila ang dahilan.

"Tungkol ba ito sa ginawa ng mga kaibigan mo, anak?" Nag-aalala na ngayong tanong ni Mommy makalipas ang katahimikan naming tatlo.

Nanahimik na rin ngayon si Daddy, at siguro naman... walang mawawala sa'kin kung ibubukas ko na ang buong loob ko sa kanilang dalawa imbes sana sa mga kaibigan?

Hindi ako sumagot kaya nagsalita na si Daddy.

"Anak, walang taong gustong mapahamak ang sarili nilang kaibigan kung sa simula pa lang... wala silang masamang intensyon nito." Malalim na pahayag ni Daddy sa'kin, at hindi ko kaagad naintindihan ang sinabi niya.

"Bihira mo na lang mahahanap ang tunay na kaibigan sa mundong ito anak, at kung makahanap ka nga, sila ay hindi rin magtatagal sa iyong buhay." Pagpapatuloy pa niya kaya muli na naman akong napaisip ng malalim habang nakatitig na ngayon sa malaking parol.

"At base sa nakikita namin ng Mommy mo, kung kami ay tatanungin sa aming opinyon tungkol sa mga kaibigan mo... hindi ko sila makitaan na tapat at tunay ang mga saloobin." Seryoso nang pahayag ni Daddy, at mukhang mas kilala pa nila ang tunay na pagkatao ng mga kaibigan ko kesa ako mismo.

I still keep my mouth shut. Hindi ko alam kung may dapat ba akong ikomento roon sa sinabi ni Daddy, kung may dapat ba akong ikadedepensa roon, kasi sa huli... uuwi pa rin ako sa mga magulang ko na maghahanap ng payo at gabay mula sa mga nakaengkwentro kong mga tao.

"At anong ginawa nila sa'yo, anak? Prank lang daw 'yong pagsumbong nila sa'yo na nandaya ka sa buong exam niyo na walang ebidensya? May tunay bang kaibigan na gagawa ng ganoong biro, Aoife?" Nagsalita na rin si Mommy, at mababatid sa kaniyang boses ang pagkakaistrikta.

Malalim akong nagbuntong-hininga. "Wala po, My."

"Alam naming may karapatan kang pumili kung sino ang kakaibiganin at kung saan mo gusto mapapabilang, anak. Pero sana... huwag mong hayaang mapabilang ang sarili sa mga taong may bisyo, may masahol na asal, at may masamang impluwensya sa'yo." Mahinahong payo ni Daddy sa'kin.

Nang dahil sa mga pinapayo nina Mommy at Daddy ngayon, I slowly widened my mind on the things I was close-minded before.

Naiiintindihan ko na kung anong gusto ng mga magulang ko na dapat kong matutunan ngayong taon, at 'yon ay ang pumili ng mabuting kaibigan kahit man magiging mag-isa na lang ako kung wala man akong mahahanap.

Our Christmas NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon