Kabanata 5

36 4 0
                                    

Kabanata 5: Christmas

"Merry Christmas, My and Dy!" I greeted them cheerfully, at isa-isa ko silang hinalikan sa pisngi na nasa gitna nilang dalawa.

"Maligayang Pasko sa'yo, aming Aoife." Nakangiting bati sa'kin ni Daddy at inilahad na sa'kin ang regalo niya para sa'kin.

"Thank you, Daddy!" Excited kong pahayag sa kaniya, at tinanggap na ang regalo.

Hinalikan ako ni Mommy sa pisngi bago niya ako binati. "Merry Christmas, anak..."

"Thanks, My!" Tili ko at mukhang mas malaki pa ang regalo ni Mommy sa'kin kesa kay Daddy.

Bubuksan ko na sana ang mga regalong ito nang pinigilan ako ni Daddy.

"Mamaya mo na 'yan buksan, kumain muna tayong lahat at nang mabasbasan na natin ngayon ang ating handaan." Pahayag ni Daddy kaya itinabi ko na lang muna ang mga regalong ito, at umupo na sa sarili kong upuan sa mahabang hapag na punong-puno ng handaan namin ngayon.

Nang makaupo na rin sina Mommy at Daddy ay nagsimula na kaming magdasal ng taimtim. Si Daddy ang unang nagpahayag ng kaniyang holy intention hanggang sa aabot sa'kin, at palagi namin itong ginagawa tuwing Pasko.

"Panginoon, kami ay nagpapasalamat sa pagkaing naihanda namin sa iyong kaarawan, sa mga kapalarang ibinigay Mo ngayong taon. Kami ay malugod na nagpapasalamat sa lahat ng biyayang natanggap ng aking pamilya, at sana'y biyayaan Mo rin ang ibang pamilyang nagdidiriwang ngayon ng kapaskohan sa buong mundo." Taimtim na dasal ni Daddy at lahat kami'y nakapikit ang mga mata.

"Ama namin, maraming salamat sa masaganang buhay ng bawat isa sa amin. Sa biyayang ibinigay Mo na malusog, ligtas at mapayapa sa anumang kapahamakan. Sana'y kami ay patuloy Niyong biyayaan para kami'y magpatuloy sa pagbabahagi ng grasya sa mga nangangailangan ng tulong. Ituro mo ang daan sa mga taong nangangailangan ng tulong patungo sa aming pamilya, at gabayan Niyo po ang bawat isa sa amin na maging instrumento na tumulong sa kanila." Sinserong pahayag ni Mommy, at saglit akong nagbukas ng isang mata para sulyapan siyang nakapikit.

Nang tumahimik na si Mommy ay kaagad na akong pumikit ulit at nagdasal na rin ng taimtim.

"Lord God, we thank you for giving us blessings in everyday of our lives... and may You also bless those unfortunate ones to have a feast on their tables especially this Christmas Eve." I said sincerely as what my parents prayed for, kahit maikli lang iyon.

Akala nina Mommy at Daddy may idadadag pa ako pero wala na akong maisip, kaya ako na mismo ang nagtapos sa aming taimtim na dasal dito sa aming hapag na punong-puno ng biyaya ngayong gabi.

"Merry Christmas again Mommy and Daddy!" I gleefully said again pagkatapos naming magdasal, at muli silang napangiti sa sinabi ko.

Simula noong magkamulat ako, ito na ang pamilyang nakasanayan ko sa bawat Pasko at sa anumang okasyon ng taon. Ako, si Mommy at si Daddy... kaming tatlo ay palaging magkasama sa mga mahahalagang selebrasyon ng mga buhay namin. Whether it is their birthdays, my birthday, their wedding anniversaries, even in lenten season or name it! Hindi makokompleto ang pagsasalo-salo namin kung wala ang isa sa amin.

And I'm thankful that my parents raised me to become a family-oriented daughter. Kagaya nga sa palaging pinapaalala nila sa'kin, lalo na sa mga kabataang kagaya ko, bihira na lang daw ngayon sa isang dalaga o binata na piliing makasama ang mga magulang o ang buong pamilya na makasalo sa buong hapag.

As what I've observed also, most of the teenagers these days rather be with their peers than celebrating such significant feast with their entire family. At para sa'kin, hindi magandang ehemplo iyon. Dahil sabi nila, doon mo makikita kung anong klaseng relasyon na meron ang isang pamilya kung pagsasalo na ang pag-uusapan sa kani-kanilang hapag.

Our Christmas NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon