Kabanata 13

23 4 0
                                    

Kabanata 13: Aginaldo

"My, may lakad po kaming magkakaibigan ngayon. Aalis na po ako." Pambungad ko kay Mommy nang makababa na ako sa mahabang hagdanan ng mansyon, while she's so occupied right now here sa sala namin.

Naguguluhan na niya akong tinatanaw dahil bihis na bihis na ako at handa nang umalis.

"Huh? Bakit ngayon ka lang nagpapaalam sa'kin, Aoife?" Nalilito na ngayong tanong ni Mommy.

"Papayagan niyo rin naman akong gumala kahit prior or after pa ako magpaalam sa inyo, My..." Kalmado kong sagot sa kaniya.

Naibaba na lang ni Mommy ang hawak-hawak niyang gift wrapper at mas lalo pa akong pinapatagal dito.

"Hindi ba napag-usapan na nating tutulungan mo ako ngayon sa pagbalot nitong mga regalo, Aoife?" She's now strict, at mukhang nakalimutan ko nga iyon.

Sinuyod ko ng tingin ang buong sala namin na punong-puno ng mga regalong ibabalot pa ngayon, nakakapagod tignan kahit wala pa akong sinisimulan at wala rin naman akong balak na tumulong.

"But, My! May usapan na kaming magkakaibigan na gumala ngayon, ayoko silang paasahin!" Reklamo ko na.

"So, ang sarili mong ina rito paaasahin mo, Aoife? Unang linggo pa kitang sinabihan tungkol nito." Nagtitimpi na niya ngayong pahayag sa'kin.

"Hindi naman, My! Nakalimutan ko-"

"No. Hindi ka aalis ngayon, Aoife. Hangga't hindi mo ako tulungan ditong magbalot nitong mga regalo." Seryoso na ngayong pahayag ni Mommy, at alam kung talo na ako kahit pipilitin ko pa siya ngayon.

Fine! Kairita naman! Nakapagbihis na ako para sa gala naming magkakaibigan tapos hindi rin naman pala ako papayagan! I-tetext ko na lang sila na hindi na ako matutuloy ngayon dahil sa mga bwesit na regalong kailangan kong ibalot!

Alas tres na ngayon ng hapon, at kahit bibilisan ko pa itong pagbabalot ng mga regalong 'to hindi na ako makakabot sa gala naming magkakaibigan. Nakakairita naman kasi! Bakit kailangan pa naming magbalot ng mga regalong 'to at ipamigay sa mga dukha?

Kumuha na ako ng isang Christmas wrapper at pinulot ang isang laruang barbie doll, umupo na ako sa pang-isahang sofa na malayo sa inuupuan ni Mommy at labag sa kalooban na lang sinimulan itong pagbabalot ngayon.

Nararamdaman kong pinapanuod ako rito ni Mommy, bago niya na naman ako pinagsalitaan.

"Anak..." I heard her sighed. "Huwag mo naman sanang ikasama ng loob itong pagbabalot natin ng mga regalo ngayon."

Napunit ko ang wrapper habang ginugunting, at dahil sa pagkakainis ko ngayon.

"Hindi ako galit, My."

"Hindi ka nga galit, pero nagdadabog ka naman diyan sa ginagawa mo." Komento na ni Mommy sa kalagayan ko.

Napairap na ako sa sinabi niya at ayoko na lang magsalita, bago pa maging matulis itong dila ko ngayon.

Kinakausap pa ako ni Mommy pero hindi na ako nakikinig sa kaniya dahil sa narinig na bagong dating na text message, mabilis ko nang kinuha ang cellphone mula sa suot na sling bag para tignan iyon.

Dynah:

You're ditching us again. Napakaplastic mo talagang kaibigan, Aoife.

Nagsalubong na ang mga kilay ko sa lalong pagkakainis na ngayon, nang mabasa ko ang text message na 'to galing kay Dynah.

I don't care kung aakusahan nila ako sa salitang 'yan! Eh sila nga 'yong matagal na akong pinaplastic, nagreklamo ba ako? Well, mas pipiliin ko na lang makasama itong Mommy ko ngayon kahit labag sa kalooban ko 'tong ginagawang pagbalot ng mga regalo, kesa ang makasama itong mga malalandi at plastic na mga kaibigan!

Our Christmas NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon