Kabanata 1: Carolling
"Anong ginagawa niyo rito sa mansyon ko?" Maarte kong tanong sa mga batang kanina pang maingay sa labas ng gate, kaya pinuntahan ko na rito.
Lahat sila ay parang natakot na ngayon sa sinabi ko, at tutok na tutok ang mga matang natatakot na sa'kin.
"N-namamasko lang po k-kami, Ate." Kinakabahang sagot ng isang batang babae, at gumagalaw na paatras.
"Talaga? Bakit naman kayo namamasko? Hindi niyo ba alam na ang ginagawa niyo ngayon ay para na rin kayong nanlilimos?" Mataray kong sumbat sa kaniya.
Pare-pareho silang nagkatinginan sa mga kasamahan niyang mga bata, may sasabihin pa sana ako nang marinig ko na si Mommy mula sa likuran.
"Aoife! Tama na 'yan at 'wag mo namang pagsalitaan ng ganiyan ang mga bata. Papasukin mo sila may ibibigay ako." Utos ng uugod-ugod ko nang ina, kaya napairap na lang ako sa sinabi niya.
"Pumasok kayong lahat..." Sinipat ko sila isa-isa ng tingin. "And don't you ever mess around." I said to warn them, and even they seem afraid of me now sumunod naman sila sa'kin maglakad sa pathway papunta sa Mommy kong naghihintay sa malaking pinto ng mansyon namin.
Kahit malayo ang gate sa kinatatayuan ni Mommy ngayon, hindi ko alam kung bakit narinig niya ang mga pinagsasabi ko sa mga bata. Well, anyway, baka napansin niyang tinatakot ko na ang mga bata roon kaya pinapapasok niya na lang sa gate ng mansyon.
"Aoife, mag-usap tayo mamaya tungkol nito." Banta ni Mommy habang nilalagpasan ko na siya rito sa main door.
Napanguso na lang ako at dumiritso na paakyat sa mahabang staircase, para makabalik na roon sa sariling kwarto na kung nasaan ang mga kaibigan ko ngayon.
Rhea opened the door for me when I finally got here sa second floor ng buong mansyon, at halakhak kaagad ang sumalubong sa'kin mula sa mga kaibigang bisita.
"Girl... Ano ba naman 'yong nakita naming eksena sa labas? Akala ko ba mapapaalis mo 'yong mga nangangaroling na hindi nabibigyan ng pamasko?" Natatawang tanong ni Dynah na nakatayo sa malaking bintana ng sarili kong kwarto.
Sumalampak na ako pahiga sa malaking kama, habang pinagtatawanan pa nila ako.
"Paano na ang dare? Anong gagawin nating consequences sa kaniya?" Nag-aalala pang tanong ni Lena, na kumakain ng meryenda sa isang lamesa kasama si Rhea.
Bumangon ako ulit mula sa pagkakahiga saglit, at mataray silang hinarap na nakataas na ngayon ang kilay.
"Eh 'di, maghihintay sa susunod na mangangaroling sa mansyon namin. Mahirap ba 'yon?" I arrogantly asked.
"Speaking of which... May bago na namang namamasko sa mansyon niyo." Natatawang sabi ni Dynah na nakatayo pa rin sa gilid ng bintana ng aking kwarto, at nakatingin sa labas ng bahay namin.
"Na naman?" Reklamo ko at tinatamad nang gawin itong dare nila ngayon sa'kin.
Lumapit naman si Rhea sa tabi ni Dynah para makiusisa, at lahat kami'y nagulat nang bigla-bigla siyang tumili.
"Ano ba! You're so maingay! Can you shut up?!" Maarteng sabi ni Dynah na nakatayo sa tabi niya, at ngayon ay nagtatakip na ito ng tenga.
"Oh my gosh! 'Yong crush ko! Nasa labas ng bahay ni Aoife nangangaroling!" Pahayag niya kaya lahat kami ay nagsiksikan na sa bintana para tignan iyon.
"Guys move! Hindi ko na makita si crush!" Rhea said in excitement, while I'm trying to fit myself in here nang makalapit na ako sa kanila.
Sumalubong kaagad sa'kin ang iilang bata at kabataan na nangangaroling sa labas ng aming mansyon. Wow! Parang dumadami na yata ngayon ang nangangaroling sa mansyon namin ah? Baka marami-rami na talaga akong hindi mabibigyan ng pamasko nito.
BINABASA MO ANG
Our Christmas Nights
Fiksi RemajaChristmas Series Special # 3.20 Mga alaala na palaging inaasam, Sa nalalapit na Pasko kasama ang mga mahal sa buhay. Mga pangakong magbabago para sa kabutihan, Ilang taon ang kakailanganin para sa nakalulugod na katuparan? Language: Filipino All Rig...