Kabanata 21

16 2 0
                                    

Kabanata 21: Remarks

"Goodness, Aoife! Ba't ngayon mo pa lang 'to sinasabi sa'min?!" Sigaw ni Dynah mula sa screen habang nagvivideo call kami ngayong magkakaibigan.

Napabuntong-hininga na ako, at hindi ko alam kung galit or concern itong kaibigan ko ngayon. Lena, Jennelyn, and Rhea remained silent on our call, at sinusubukan kong mag-explain sa kanilang apat.

"I didn't see this coming, Dynah. Wala akong alam na may gusto pala sa'kin ang matandang dukha na 'yon, at ngayon liligawan na ako." Pahayag ko pa na parang nakokonsensya na ngayon.

Nakita ko sa screen na mas lalo yata siyang nainis sa sinabi ko, at muli na naman siyang nag-overreacting.

"Gosh, Aoife! Hindi mo ba naiisip na crush ni Rhea dati 'yang si Isaiah na 'yan?! Hindi mo ba naiisip kung anong mararamdaman ng sarili mong kaibigan?! And now you're letting that guy courting you?!" Paninigaw niya pa kaya naiinis na rin ako sa kaniya ngayon.

"Bakit ba, Dynah?! Eh, crush lang naman ni Rhea 'tong si Isaiah dati, ah? Bakit parang stress na stress ka riyan eh hindi naman naging sila! Pake ko sa mararamdaman ni Rhea when in the first place they weren't mutual when Rhea was crushing on him before!" Depensa ko na sa sarili ko kahit nasa call ngayon ang pinapatamaan ko na kanina pa tahimik.

"Kaya nga! Crush ni Rhea si Isaiah dati, and you shouldn't be entertaining boys who became part of our lives! Of your own friends! Mahirap ba intindihin 'yon?!" Dagdag pa niya, hinding-hindi ko talaga siya gets at kung saan pa 'to hahantong 'tong topic na 'to.

"Grabe naman! Pati ba 'tong topic na 'to pag-aawayan natin? Hindi ko naman 'to ginusto in the first place! This argument is just so childish!" Reklamo ko na at konting-konti na lang bababaan ko na 'to ng tawag itong mga babaeng 'to.

Nagsalita na si Lena at mas lalo lang dumagdag sa mga iniisip ko.

"Eh, hindi naman pala! Hindi mo naman pala ginusto 'to mangyari, oh 'di 'wag mo na sagutin ang lalaking 'yon!"

"Teka lang." Sumawsaw pa si Dynah. "Nanliligaw na ba 'yon? I thought Aoife said earlier na he's asking for a consent pa na manligaw? If so, 'wag mo na bigyan ng chance! Dump him! And don't let a guy like him that's so poor to court you!"

I can't believe with these girls.

Hindi ko alam kung bakit mas lalo na akong na babadtrip sa kanila ngayon, at parang gusto ko na lang tuloy sagutin agad ang lalaking iyon para mas lalo silang mainis sa'kin.

"Akala ko ba gusto niyo akong magkalove life this Christmas? Akala ko ba gusto niyo akong magkaboyfriend agad ngayon? Why are you guys so hot and tensed when this guy who became a crush of our friend before is courting me now?! Bakit pinipigilan niyo na ako ngayon? Ano bang mali roon na gusto niyong ipaintindi sa'kin?!" Inis na inis na ako sa kanila ngayon, at hindi ko na alam kung kaya ko pa bang makipagbati sa kanila after this childish argument again.

Ilang sandali pang natahimik silang apat, at si Jennelyn na naman ang pumipigil sa'kin.

"Ang mali roon, Aoife, ay hinahayaan mo 'tong mangyari at hindi mo naiisip ang maaaring mararamdaman ni Rhea." Tahimik na pahayag ni Jennelyn sa call, that made me confused and irritated more.

"Bakit?! Ano bang nararamdaman ngayon ni Rhea?! Is she sad?! Jealous?! Insecured?! Cheated?! What is it?! Justify it!" Galit na galit kong sigaw sa kanilang apat habang nanginginig nang nakahawak sa phone sa sobrang pagkakainis.

Our Christmas NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon