Kabanata 18: Mess
"My, Dy, sinusundo na po ako ng mga kaibigan. Aalis na po ako."
Paalam ko na sa kanilang dalawa na nagpapahangin lang dito sa maliit na patio ng mansyon. Lumapit na ako para magmano at magbeso sa kanilang pisngi.
"Sige, anak. Mag-ingat at mag-enjoy ka sa Christmas Party niyo ngayon." Si Mommy.
Inayos ko na sa pagkakasabit ang maliit at mamahaling shoulder bag, bago ko sila tinalikuran dito.
"Yes, My. 'Wag niyo na rin po kayong mag-abalang sunduin ako, ihahatid po nila ako pauwi mamaya." I said, and after they nod at me, tinalikuran ko na sila roon.
Pinagbuksan na ako ng pinto sa backseat ng mga kaibigan, pagkatapos kong maisarado ang malaking gate sa likuran. I heard Jennelyn whistled at me, napapailing na lang akong lumapit sa kanila at pumasok na sa loob ng dala nilang kotse.
"Mukhang pinaghandaan talaga ni Aoife itong last Christmas Party natin sa junior high, ah!" Puri na ni Jennelyn sa'kin, at malakas ko nang sinirado ang katabing pinto nang maayos na akong nakaupo rito sa loob.
Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Jennelyn dahil lumipad na ang isipan ko papunta sa taong nagmamaneho ng kotse ngayon.
"Uhm, Aoife." Tawag na sa'kin ni Rhea mula sa shutgun seat, at alam ko na agad kung sino itong lalaking nagmamaneho na paalis ng mansyon ko.
"This is Jayson, bagong boyfriend ko ngayon." Pagpapakilala na ni Rhea.
"Oh..." Kaya siguro sinagot niya kaagad itong lalaking 'to kasi may car?
Napangisi na lang ako sa naisip at nagtanong na lang sa mga katabing kaibigan dito.
"Where's Dynah?" Tanong ko nang kaming tatlo lang nina Jennelyn at Lena rito sa backseat.
"Sabay na sila ni Harry papunta sa party." Si Lena na ang sumagot sa tanong ko, at natahimik na lang ako bigla nang may naalala akong nagtext pala sa'kin ang lalaking 'yon.
I took out my phone from my white shoulder bag, at pasimple nang tinignan ang text message ni Harry sa'kin na nakalimutan kong basahin kanina.
Harry:
I can't wait to see you later, Aoife. Sadly, matatagalan pa yata ako nagpapasama pa kasi 'tong girlfriend ko sa'kin.
It's a text message that was an hour ago. At may text message pa siya sa'kin forty minutes ago pa.
Harry:
Sumama ka sa'min mamaya sa plaza after ng party, ah? I won't come along with my girlfriend if you're not going.
What the? Talaga lang, huh?
Maingay na nagkwe-kwentuhan itong mga katabi ko, kaya nagtipa na ako ng text message para sana roon sa text ni Harry. Pero tumigil na lang muna ako sa pagtipa nang makatanggap na naman ako ng bagong text message galing sa kaniya.
Harry:
Rhea just texted me na nasundo ka na raw nila. Ingat sa biyahe. :)
What's going on with this guy? Makalandi sa'kin parang walang girlfriend ah? And all of people, ako pa talaga ang nilalandi niya na kaibigan mismo ng jowa niya? Ilang beses na siyang ganito sa'kin, at hindi ko na mabilang iyon. Kailan ba 'to titigil ang lalaking 'to?
Nawalan na ako ng ganang replyan siya dahil ayoko naman talagang makasira ng relasyon. Ayoko sa lahat na mangyayari 'yong pinakaayaw kong mangyari, babae ako at alam ko kung anong mararamdaman ni Dynah kung mahuhuli niyang naglalandian kami ni Harry habang sila pa.
BINABASA MO ANG
Our Christmas Nights
Novela JuvenilChristmas Series Special # 3.20 Mga alaala na palaging inaasam, Sa nalalapit na Pasko kasama ang mga mahal sa buhay. Mga pangakong magbabago para sa kabutihan, Ilang taon ang kakailanganin para sa nakalulugod na katuparan? Language: Filipino All Rig...