Kabanata 2: Childish
It's almost our Christmas Party, kaya naman kahit Monday ngayon ay wala na kaming regular classes dahil abala na ang lahat sa buong school para sa gagawing malaking event sa school namin.
Our Christmas Party here in our school is kinda different. Instead of partying in every section of different grade levels, our school is throwing a huge event na talagang iisa ang Christmas Party ng lahat mula sa mga different grade levels. Iiba nga lang ang preparation at catering ng foods.
Kaya ngayon, nandito kaming lahat ng mga kaibigan ko sa cafeteria para makatakas sa mga gawain at preparation para sa section namin. Dagdagan pa na may special intermission number daw kami, at wala na akong pake kung ano iyon.
"What? Pinagalitan ka ng Mommy mo last Saturday nang makauwi na kaming lahat?" Natatawang tanong ni Dynah nang ikwenento ko sa kanila ang nangyari.
"Yeah. My mother even warned me that I'm grounded. Akala niya naman mapipigilan niya ako?" Nababagot kong tugon at nilantakan ulit ang junk food.
"Anong grounded ba 'yan? Baka hindi ka na namin makakasama after party hah." Si Jennelyn.
Nagkibit-balikat ako at napapakunot-noo. "Ewan. Sabi niya 'di na raw kayo pwede makadalaw sa mansyon."
"Eh 'di sa bahay na lang tayo ni Dynah or ni Rhea maghahangout next time!" Pahayag ni Lena.
"Well, I'm sorry girls. I'll be gone for weeks after ng party natin. Magbabakasyon kami sa Baguio." Sagot kaagad ni Dynah.
Sumingit din si Rhea. "Ako rin, pagkatapos na yata ng New Year ako makakabalik magbabakasyon din ako sa Palawan."
"Eh 'di kayo na magbabakasyon ngayong Pasko! Kami na lang yatang tatlo nina Lena at Aoife ang magsama-sama for the whole Christmas break." Reklamo ni Jennelyn.
"I'm sorry sa'yo, Jennelyn. Babawi ako sa boyfriend kong nagtatampo sa loob ng Christmas break nato." Depensa ni Lena sa sinabi ni Jennelyn.
"Ano?" Gulat niyang tanong pabalik kay Lena.
Ngumiwi na ako sa hindi matahimik na si Jennelyn. "Gurl? Hindi ka ba nauumayan? Palagi na lang tayong lahat magkasama rito sa school, tapos pati rin sa Christmas break natin? Nakakaumay kaya..." Maarte kong tugon.
"Ay, wow! Hindi mo ba alam na iba 'yong hangout sa magkakaibigan lalo na kapag sa Pasko? Ano ka ba naman, Aoife... Ang taray-taray mo naman diyan parang 'di kaibigan..." Nagtatampo na niyang utas.
Napapailing na lang ako sa kaniya, habang ang ibang mga kaibigan namin ay natatahimik na sa pagnguya ng meryenda.
Umiinom na ako ng soft drink nang may nakita akong pamilyar na anyo na naglalakad papasok sa cafeteria. Naistorbo ko pa yata ang kwentuhan ng mga kaibigan ko nang magsalita ako.
"Oh, Rhea. 'Di ba 'yan 'yong crush mo?" Medyo nabigla ako sa sarili dahil naitanong ko iyon.
"Sino? Saan?" Tanong niya kaya nalilito ko na siyang tinapunan ng tingin.
"Gaga, akala ko ba crush mo 'yong nanlilimos sa mansyon namin?" Nalilito ko nang tanong.
"Nanlilimos? You mean that Isaiah guy?" Singit kaagad ni Dynah.
Tumango na ako at parang natauhan yata itong katabi ko.
"Ah! Si Isaiah pala! Hindi niyo naman kasi sinabi kaagad kung sino, ang dami-dami ko kayang crush..." Natatawa niyang tugon.
Sinulyapan ko ang matangkad na lalaking iyon, at nakapila na pala siya sa counter kasama ang iilang kaibigan na mga lalaki at babae.
Muli na naman akong na curious, kaya hindi ko na napigilan magtanong ulit.
BINABASA MO ANG
Our Christmas Nights
Novela JuvenilChristmas Series Special # 3.20 Mga alaala na palaging inaasam, Sa nalalapit na Pasko kasama ang mga mahal sa buhay. Mga pangakong magbabago para sa kabutihan, Ilang taon ang kakailanganin para sa nakalulugod na katuparan? Language: Filipino All Rig...