Kabanata 19

15 2 0
                                    

Kabanata 19: Suitor

"Ano 'yon, Aoife?!"

Malakas nang sigaw ni Isaiah sa'kin nang pareho na kaming nasa labas ngayon ng gym, hindi ako makapaniwala na siya itong makakaharap ko ngayon at ang humablot sa'kin doon kanina.

I looked up at him still surprised, habang unti-unti nang kinutuban ng kaba sa dibdib na kaharap siya ngayon.

"A-anong ginagawa mo rito?" Kinakabahan ko pang tanong sa kaniya, hindi alam kung totoo ba itong nangyayari ngayon.

Nanatiling inis at galit ang ekspresyon niya sa'kin, na parang may pagkakamali na naman akong nagawa ngayon sa buong school at narito siya ngayon sa harapan ko bilang isang SSG president na papangaralan ang isang kagaya kong pasaway na namang estudyante.

"Anong ginagawa mo roon sa dance floor? Nakikipagsayawan ng malaswa sa lalaking mas matanda pa sa'yo ng ilang taon?!" Mas lalo niya akong pinagtataasan ng boses, at parang nawawalan na ng pasensya sa'kin.

Kaagad akong na offend sa sinabi niyang malaswa, hindi ganoon ang ginawa ko roon sa loob. Kaya mabilis na akong napakunot ng noo sa kaniya, at pilit nang magalit na rin kahit mas lalo lang kinakabahan.

"Anong malaswa?! Nakikipagsayawan lang naman ako ah 'coz I'm enjoying the party! Anong masama roon sa pakikipagsayawan ko sa isang schoolmate na mas matanda lang naman sa'kin ng dalawang taon?!" I shouted back at him without myself stopping.

Sa lahat ng mga nagawa kong kasalanan dito sa school, ngayon ko lang siyang nakitang galit na galit sa'kin kahit hindi na siya parte ng council na dapat akong pangaralan.

He stepped closer to me that almost made me tripped when I stepped back. I can't remember when was the last time I saw him, dahil mas lalo lang siyang tumangkad at lumalaki na rin ang pangangatawan na dapat ko na nga talagang katakutan. Mas lalo lang tuloy akong kinakabahan dito sa harapan niya at hindi na ako makatingala sa kaniya ng maayos.

"Talagang nakikipagharutan ka pa rito mismo sa eskwelahan... Gaano ka ba talaga kalandi, Aoife? Na sa murang edad mong 'yan ay walang patawad ka nang lumalandi kung saan-saan?" Gigil na gigil niyang tanong sa'kin na sobra-sobra na ang pang-iinsulto.

Malakas ko na siyang tinulak sa dibdib dahil na susuffocate na ako sa sobrang lapit niya sa'kin. Napaatras siya sa ginawa ko at parang nagulat ko na rin, dahil dumaan ang pagkakagulat at pagkakamangha sa kaniyang mukha. Mas lalo akong nagalit sa matandang salat na 'to.

"Talaga?! Eh sino ba ngayon sa'tin ang walang patawad na lumalandi kung saan-saan, hah?! Sino ba sa'tin na walang patawad na lumalandi sa loob mismo ng simbahan?! Sabihin mo sa'kin na hindi mo kailanman dinala 'yang girlfriend mo sa simbahan para makipaglandian!"

I shouted in so much shrilled voice, pero nagulat na lang ako nang bigla-bigla na lang siyang humalakhak na nagpatahimik na sa'kin.

Ilang saglit pa niya akong pinagtawanan, at naiwan akong nakatingala sa kaniya na nagtataka at naguguluhan sa sobrang pagkakatuwa niya ngayon. Nakikita kong pinilit na niyang maging seryoso, at mapaglaro na ngayon ang mga tingin na nakadungaw sa'kin dito.

"Nj and I never dated... let's start there." Nangingiti na niyang pahayag, pero mababatid sa kaniyang boses na seryoso siya roon.

Mas lalo akong napakunot ng noo sa kaniya, at hindi na mapakali sa sobrang kaba ngayon.

"H-huh? D-diba sabi mo last year... tsaka usap-usapan din ng l-lahat." Kabadong-kabado ko nang sagot sa kaniya, at hindi makapaniwala na tinatama niya 'yong matagal nang bumabagabag sa'kin.

"Pinagkalat lang naming dalawa na kami, para titigilan na siya ng napakakulit niyang manliligaw." Aniya sa napakaseryoso na ngayong boses, at lumalalim na ang paninitig niya sa'kin.

Our Christmas NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon