Kabanata 6: Boyfriend
"Hay... nakakatamad nang mag-aral." Narinig kong pagod na reklamo ni Jennelyn sa likuran ng upuan ko, at hindi ko maitatanggi na ganoon din ang nararamdaman ko ngayon.
We're now grade eight students, at talaga namang tambak kami ngayong taon na 'to sa mga group project at examination. Mas malala pa noong grade seven pa kami. Pero sabagay, sabi nga nila na mas matutoto ka talaga ng maigi kapag lumalala na ang kailangan mong harapin at tapusin.
Last subject na namin sa hapong ito, at napasulyap na lang ako sa kabilang bintana na kaagad nang natulala. Isang buwan na lang and Christmas na naman, I wonder what I should do that would be something memorable this year?
"Aoife, si Mikki nasa labas naghihintay na raw sa'yo." Bulong ni Rhea sa'kin habang nagdidiscuss pa rin ang subject teacher namin, at nadisturbo na ako sa pagmumuni-muni sa labas ng bintana.
Narinig yata iyon ni Lena kaya narinig ko na rin siyang humirit sa kabilang tabi ni Rhea. "Sana all may boyfriend na magcucutting sa last subject para hintayin ang girlfriend sa labas."
Napapangisi na lang akong umiiling sa kaniya at nag-iingat na hindi kami mapansin ng adviser namin na hindi na nakikinig sa buong klase.
I compromised to my parents last year as much I could remember... na sa taong ito ay magbabago na ako. At sinuway ko ang sarili kong kahilingan dahil hindi ko naman aakalain na magkakaboyfriend ako, at pangatlong boyfriend ko na itong si Mikki Chua sa taong ito.
May fifteen minutes pa ang natitira bago magdismissal pero hindi na iyon hinintay ng adviser namin, at pinakawalan na kami para may oras pang maglinis sa assigned classroom areas na hindi kami makakauwi kung hindi kami maglilinis. Public school ba naman... may patakaran talagang ganito na pwede namang may babayaran na lang kaming janitor na maglilinis para sa lahat ng 'to.
At ngayon, naka assigned ang groupo namin sa pag-iigib ng tubig at pagdidilig ng halaman sa garden. Nakakatamad na talagang mag-aral at sana man lang makatakas na kaagad ako sa gawaing ito.
"Sabay ba tayong uuwi mamaya?" Tanong ni Jennelyn bago kaming lima naghiwalay para asikasuhin ang mga classroom chores namin.
"Hindi ako makakasabay, may date kami ni Mikki mamaya." Agaran kong sagot habang nagliligpit na ng gamit sa bag.
Hindi ko na sila naririnig nang mabasa ko sa lock screen ng phone ko ang message ng hindi pa nag-iisang linggo na boyfriend ko ngayon.
Mikki:
Takasan na lang natin ang groupmates mo ngayon para may mahaba pa tayong oras mamaya sa plaza.
Mabilis na akong nagreply:
Tumigil ka nga, 'wag mo kong sulsulan! Nagpapakabait na ako.
Hindi ko na tinignan ang kasunod niyang text doon, at ipinasok na lang sa bulsa ang cellphone na nagring sa kararating lang na text message.
"Mauna na ako sa inyo, guys..." Paalam ko sa kanila at ang isang group member ko ay inabutan na ako ng gallon, kaya wala na akong ibang nagawa kundi tanggapin iyon.
"Sus... ito talagang si Aoife, nagmamadaling makatapos ng gawain para makadate na kaagad si jowa." Narinig kong tukso ni Lena sa'kin.
"Sana all may date!" Hirit ni Jennelyn.
Sumimangot na lang ako kay Jennelyn kahit nangingiti naman, at tinalikuran ko na silang apat doon.
Maingay na ang buong classroom nang marinig ko ring may pahabol si Rhea sa'kin.
"Aoife! Ayaw mo ba talagang sumabay sa'min mamaya? May program daw ang mga seniors sa gym!" Hindi ko na siya nilingon kahit narinig ko iyon, at diri-diritso na lang naglakad papunta na sa pag-iigiban ng tubig sa loob lamang ng school.
BINABASA MO ANG
Our Christmas Nights
Teen FictionChristmas Series Special # 3.20 Mga alaala na palaging inaasam, Sa nalalapit na Pasko kasama ang mga mahal sa buhay. Mga pangakong magbabago para sa kabutihan, Ilang taon ang kakailanganin para sa nakalulugod na katuparan? Language: Filipino All Rig...