Kabanata 25

28 3 0
                                    

Kabanata 25: Change

Nagmulat na ako ng mga mata, at naguguluhang nagising nang namalayan ko na nasa isang silid na ako ngayon na natutulog.

Unti-unti akong bumangon habang bumubuhos na sa'kin ang lahat ng mga nangyayari kanina. Mabilis na akong bumaba sa kama nang maalala kong nasa isang silid pa ako kanina na kung nasaan natutulog si Mommy, at kaagad nang kinutuban ng kaba nang maalala ang kaniyang kalusugan ngayon.

Bubuksan ko na sana ang nakasaradong pinto nang may marinig akong may nagsalita mula sa likuran ko.

"Aoife."

Mabilis ko nang hinarap ang boses babaeng tumawag sa'kin, at nasaksihan ko kaagad si Auntie Emma na nakatayo na mula sa pagkakaupo kanina na hindi ko pa talaga napansin.

"T-tita..." Gulat na gulat kong utas, at nagtataka na rin kung bakit siya nandito na sa pagkakaalam ko ay matagal na siyang naninirahan sa America.

"We have something important to discuss with." Seryoso na niyang pahayag at naglakad na palapit sa'kin.

Natataranta na akong umiling sa kaniya, dahil hindi na ako makapaghintay na makalabas dito sa kwarto at puntahan na ngayon si Mommy.

"M-mamaya na lang po, pupuntahan k-ko na s-si M-mommy." Hindi mapakali kong sagot sa kaniya, at mabilis na siyang tinalikuran para pagbuksan na ang sarili ng pinto.

"Patay na si Tita Elisa."

Nanigas na ako sa sinabi niya, gulat na gulat ang mga mata at ilang sandali akong natigilan nang maramdaman ang pagkawasak ng dibdib.

"'Wag na tayong mag-aksaya ng oras, may importante na tayong pag-uusapan." Pagpapatuloy niya na parang walang saysay lang 'yong unang sinabi niya.

Mabilis nang bumuhos ang mga luha ko, at nanginginig ko na siyang hinarap habang naninikip na ang dibdib. Galit ko na siyang pinukulan ng tingin habang umiiyak na ngayon.

"B-bakit? Bakit hindi mo ko g-ginising?!" Malakas ko nang panumbat, at parang sinisisi ko na sa kaniya ang lahat ng mga nangyari ngayon sa pamilya namin.

"Wala akong alam na nakatulog ka rito sa ospital nang dumating ako kanina, at ang mga nurse na mismo ang nagdala sa'kin dito matapos kong dinaluhan at inasikaso ang pagkakamatay nina Tita Elisa at Tito Zecharias." Kalmado niya lang na paliwanag sa'kin, at hindi ko man lang makitaan ng pagluluksa ang mukha niya ngayon.

Malakas na akong napaiyak sa sobrang pagkakabigo, sakit, lungkot, at pagsisisi na hindi ko man lang nahintay si Mommy na magising at ngayon ay wala na nga siya.

Humagulhol na ako ng malakas sa kaniyang harapan, nanghihina, nanlulumo, at bigong-bigo na parehong ang dalawang mga mahal ko sa buhay ang pumanaw na ngayon. Napasapo na ako ng dibdib, at malubhang umiiyak sa harapan ng babaeng pinapanuod lamang akong wasak sa kaniyang harapan ngayon.

"'Wag mo kong maiyak-iyakan diyan, nagmamadali ako at dapat ko pang asikasuhin ang pagbebenta na ngayon ng mansyon." Walang pakialam niyang sabi sa nakikita niya ngayon sa'kin, pero natigilan na ako at napatingin ulit sa kaniya nang marinig ko ang huling sinabi niya.

"B-benta? A-ang m-mansion?" Hindi makapaniwala kong tanong sa kaniya.

"Yes. For you to live and migrate with me to San Francisco... I have to sell the mansion for the expenses and for your living." Nakataas-noo na niyang paliwanag sa'kin, at nalaglag na ang aking panga sa kaniyang sinabi.

Nang maproseso ko na ang sinabi niya ay umiling na ako, naluluha at mas lalo lang yata nanikip ang dibdib nang dahil sa kaniyang sinabi.

"H-hindi... Hindi ako p-pumapayag. B-bilang anak ni Elisa at Zecharias, h-hindi ko pinagbebenta ang m-mansyon at hindi a-ako sasama s-sa'yo." Buong tapang kong sagot sa kaniya, kahit nanginginig pa rin ako at umiiyak sa kaniyang harapan.

Our Christmas NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon