Kabanata 16

16 3 0
                                    

Kabanata 16: Irritated

"Aoife, mag-iinuman kami mamaya. Sama ka?" Tanong sa'kin ni Lena pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa classroom namin sa umagang ito.

Hindi na ako nagulat na ito na naman ang bungad niya sa'kin, ilang buwan na nila itong ginagawa at ilang beses ko na rin sila tinatanggihan. Kahit papano may natitira pa namang katinuan itong sarili ko especially tungkol sa bagay na 'yan.

I put down my bag once I got near to my own armchair, doon ko pa hinarap si Lena para tanggihan siya. At hindi ko maalala na ako na lang pala yata ang hindi umiinom sa aming lima, dahil sa buwang ito si Lena na nga mismo ang nanunulsol sa'kin na akala ko ay well-bred just as me.

"Lena, hindi talaga ako umiinom ng kahit anong klaseng alak not until my parents would let me." Paulit-ulit ko na itong dahilan sa kanila.

Kanina pa palang nakikinig si Dynah sa'min, at mukhang siya nga ang nag-utos kay Lena para manulsol sa'kin.

"So, kailan ka naman papayagan ng parents mo, Aoife? When you finally turn eighteen? What if hindi ka na makakaabot sa edad na 'yan? Paano mo maeenjoy ang buhay mo niyan?" Natatawa niyang tanong na parang biro lang 'yong pagpuna niya tungkol sa buhay ko.

Nakalapit na pala ang iilang mga kaibigan namin, at narinig nila mismo ang sinabi ng babaeng ito that made me change my mood into berserk.

"What did you just say? That I have to enjoy my life like how you girls wanted because I might pass away before I turn eighteen?" Nagtitimpi ko nang tanong sa kaniya sa sobrang galit ko na ngayon sa sinabi niya.

Patagilid niyang sinulyapan ang mga kaibigan namin na nakangisi na ngayon, bago niya ako hinarap ulit at nagkibit-balikat na sa'kin.

"How wicked that I received such remarks coming from a friend who's always been a bad influence like you, Dynah." At dahil sa sinabi kong iyon, looks like she's now pissed after I spill the fact.

"Bad influence? Anong pinagsasabi mo, Aoife? Parang dinuduro mo na naman kami sa mga kagagahang ginagawa mo na mas lalo ka lang nagmumukhang tanga? Sigurado ka ba riyan sa mga pinagsasabi mong bad influencer ako?" Pangisi-ngisi pa niyang sumbat sa'kin, kahit nararamdaman ko naman na kulang na lang ay sabunutan na niya ako rito.

I raised my chin and stared at them closely.

"Well, ayoko nang isa-isahin ang mga pinanggagawa mo sa'kin, Dynah. Mas hahabaan ko na lang ang pasensya ko na sumama pa rin sa inyo despite the odds you've given upon me, kasi naman hinding-hindi ka na makakahanap ng kaibigan na pwedeng-pwede mong gamitin at plastikin kagaya ko, right?" Nakataas kilay kong sabi.

Hindi na siya makangisi sa'kin at mukhang napawi ko nga iyon dahil sa mga totoo kong sinabi. Tuluyan na yatang napepe itong mga kaibigan namin na nakikinig lang sa gilid, at gustong-gusto ko nga iyon kasi nasasaksihan talaga nila ang pagiging maldita ko na walang pinipili.

Tinalikuran ko na sila at komportable nang umupo sa sariling upuan, naiwan silang tulala at tahimik sa likuran ko and hopefully they'll process and comprehend the truth I threw at them.

Hindi pa nag-iisang minuto, I heard my phone on my pocket rang by a notification. Kinuha ko na ito at tinignan ang laman. Mas lalo na akong napangisi nang mabasa ko ang nagtext sa'kin ngayon.

Harry:

Kaya mas gusto talaga kita kesa kay Dynah dahil sa personality mong 'yan.

Lumipad na ang tingin ko papunta sa kabilang sulok ng classroom, at ngumisi na ako sa kaklaseng nagtext sa'kin ngayon na boyfriend mismo ni Dynah. Tinaasan ko siya ng kilay pagkatapos niya akong ngitian at titigan na may ibang kahulugan na ngayon.

Our Christmas NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon