Kabanata 3

35 5 0
                                    

Kabanata 3: Guests

"Ano ka ba naman Aoife, you're so nag-aarteng weak... Pwede naman tayong maggate crash sa Christmas Party natin ngayon!" Alboroto ni Dynah sa'kin mula sa tawag ng cellphone sa umagang-umaga na 'to.

Pagod akong humikab sa kaniya mula sa pagkakagising, at kahit maaga pa niya akong pinipilit ngayon ay hindi na niya talaga ako mapapayag.

"Dynah..." Pagod kong tawag sa kaniya para matahimik siya. "Hindi mo ba naiintindihan na suspended tayo sa buong school ngayon? Can't you be happy at least? Hindi na natin kailangang makisalamuha sa mga taong dukha roon." Nakaya ko pang magpaliwanag ng mahaba sa kaniya kahit inaantok pa ako.

"Seriously, Aoife! This is our first Christmas Party in Junior High School! Hindi dapat natin 'yan pinapalampas!" Paninigaw pa niya sa'kin.

"Dynah, listen. We don't have to do that, okay? Kung tinatanong mo ako ngayon kung importante ba 'yan sa'kin ang bagay na 'yan, well I don't. I don't care at all! Bahala sila kung iisa ang party ng buong grade levels sa school natin, basta I rather sleep here in my mansion all day." Rason ko pa sa kaniya para tigilan na niya ako.

"Pero ayaw mo ba nun? This party is like acquaintance party na rin daw natin-" Pinutol ko na siya.

"Gurl, hindi mo ba maintindihan? We're suspended from school, okay? Hindi tayo kailangan doon and that I don't care! It's not as if that party is very necessary for our grades..."

"Okay, fine." I heard her sighed. "Basta 'yong napagkasunduan natin bukas ah, you promised us that you will be throwing a Christmas Party in your mansion exclusive only for us girls kesa sa party ng mahirap nating public school." She said and I'm glad I finally convinced her about that topic.

"Of course!" Napairap ako sa kawalan. "My Christmas Party here in my mansion will be the best party ever in this year." Pagmamayabang ko sa kaibigan.

"Goodbye, then. Dapat wala kang iimbitahan bukas na mga dukhang classmate." She warned.

Hindi ko na siya sinagot at napairap na lang, at kaagad ko nang pinatay ang tawag. 'Di nga kami imbitado sa Christmas Party ngayon ng buong school, 'di ba? Ba't naman ako mang-iimbita ng mga dukhang tao sa mansyon ko?

Well, as what have happened last week. Suspended nga kami dahil sa eksena namin doon ng diktador naming presidente sa cafeteria. Hindi ko mapigilan kundi maalala ang araw na iyon kahit nagdudulot lang 'yon sa'kin ng pagkakairita.

"Pwede ba?! Bitiwan niyo na ako!" Sigaw ko sa mga mukha ng seniors na nagkaladkad sa'kin papunta rito sa discipline's office.

"Napakaspoiled niya nga talaga..." Narinig kong bulong-bulungan ng ibang babaeng mga seniors.

Tinapunan ko sila ng mataray na tingin, at nasalubong ko kaagad ang mapaghusgang mukha sa'kin ni Nj Pascua pati ang kaniyang mga kaibigan. Iirapan ko na sana sila pero nagsalita na itong nasa harapan kong matangkad na salat na si Isaiah.

"Pasensya na po sa abala, Mrs. Verallo. Nagkakaalitan na naman po ang mga walang muwang na mga bata sa cafeteria, kaya po namin sila dinala rito para pangaralan." Pahayag niya sa nakaupong guidance counselor sa harapan namin, at doon ko pa napansin na napakalalim pala ng kaniyang boses kapag nagsasalita.

Lumipat kaagad ang tingin ng counselor sa'kin na nasa likod ng lalaking ito, at istrikta itong naghubad ng eye glasses bago niya ako tinutukan ng nakakainsultong tingin.

Tumabi na sa pagkakatayo ang salat na lalaking ito, at nakaekis na ang mga braso sa dibdib na itong sumandal sa dingding habang seryoso ang tingin sa'kin. Na para bang papanuorin niya nga talaga ang isang musmos na batang kagaya ko na pinapagalitan ng sariling magulang.

Our Christmas NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon