Kabanata 4: Party
"Aoife!" Kinikilig na tawag ni Rhea sa'kin, pagkatapos niyang makipagsalamuha sa ibang bwiseta sa party ko ngayon.
I grumpily looked at her nang hinawakan na niya ang dalawang kamay ko, at nanggigigil na sa'kin ngayon na parang hindi na niya mapigilan ang kalandian.
"Thank you, hah! Nag-abala ka pa talagang imbitahin ang crush ko rito sa party natin!" Napapatili niyang sabi at buti na lang malayo kami sa salat na taong iyon.
Sinimangutan ko na siya pagkatapos ko siyang irapan. "Rhea, how many times am I telling this to you na hindi ko inimbitahan ang salat na lalaking 'yan?"
"Ayos na 'yon! Christmas gift mo na 'to sa'kin kaya 'wag ka nang mag-abala magbalot ng gift sa'kin this year!" Matinis niyang pahayag sa'kin na kinikilig pa rin ang gaga.
Nilapitan na kami ni Dynah nang makita niya yatang nababaliw na itong kaharap ko ngayon. Parang gusto ko na kaagad matapos itong party ko, nakakawalang gana...
"Akala ko ba exclusive Christmas Party natin 'tong magkakaibigan? Ba't parang children's party na ito ngayon ng mga batang pulubi?" Mataray na tanong ni Dynah nang makalapit.
Nakapamewang na lang ako sa kaniya. "Huh! Tinanong mo pa, ninakawan talaga tayo ng eksena ng mga taong dukha riyan." Wala sa sarili kong reklamo, habang pareho na kaming tatlo nanunuri sa mga taong bwesita sa mansyon ko ngayon.
Napangisi ako sa nasaksihang eksina at napapailing nang nagsalita kay Rhea. "Gurl? Sigurado ka bang hindi na lang ako magbabalot ng regalo ngayong taon? Parang wala kang panama sa kalandian ng salat mong crush at ang dukhang Nj Pascua na 'yan sa mansyon ko."
Naglakad na palapit sa'min si Lena at mukhang narinig niya ang sinabi ko, kaya hindi na nakapagsalita itong nasa aking tabi.
"'Wag ka namang magsalita ng ganiyan, Aoife. Alam naman nating matagal na silang magkaibigan bago pa natin narinig ang chismis tungkol sa kanila." Pagtatanggol ni Lena sa dalawang dukha na iyon.
Tinapunan ko na siya ng mataray na tingin. "Pake ko? Nasa mansyon ko sila naglalandian, hindi ba dapat ako magreklamo niyan?"
Binalik ko na ang tingin sa dalawa at nagbubulungan pa ring nag-uusap sa sofa, habang may batang kinakandong si Nj Pascua. Wow ano 'to? A picture of premarital family? Inside my very own mansion?
Magsasalita pa sana ako nang tinawag na ako ni Mommy na nakaupo sa pang-isahang sofa sa sala. Natapos na yata siya sa pamimigay ng cookies and cupcakes doon, at parang may binabalak na naman itong Mommy ko ngayon.
"Aoife! Halika ka na rito pati na ang mga kaibigan mo." Pahayag niya kaya wala na akong ibang nagawa kundi napipilitang lumapit sa kaniya roon, sa gitna ng mga batang magulo at naglalaro.
"What?" Nayayamot kong tanong sa kaniya, at nararamdaman ko na ngayon ang paninitig ng salat na matandang Isaiah, na nakaupo sa mahabang sofa na nasa gilid lamang kay Mommy.
"Simulan mo na ang party games, anak. Para pagkatapos ng tatlong laro, maghahapunan na tayong lahat." Aniya.
At talagang gagawin pa niya talaga akong host dito sa magulo ko na ngayong party? I don't know how to deal with these kids! Kaya rin siguro wala akong kapatid dahil ayokong magkaroon in the first place!
Tatanggihan ko na sana ang sarili kong Mommy ngayon, pero nakikinig naman pala sa usapan ang salat na si Isaiah at nagpresentar pa talaga ang matandang ito.
"Tulungan ko na po si Aoife sa pag-aasikaso sa mga bata, Tita." Pahayag niya sa malalim na boses, at kaagad nang nalipat ang atensyon ni Mommy sa kaniya na ikinatuwa pa nito.
BINABASA MO ANG
Our Christmas Nights
Teen FictionChristmas Series Special # 3.20 Mga alaala na palaging inaasam, Sa nalalapit na Pasko kasama ang mga mahal sa buhay. Mga pangakong magbabago para sa kabutihan, Ilang taon ang kakailanganin para sa nakalulugod na katuparan? Language: Filipino All Rig...