Prologo

103 6 6
                                    

Prologo: Loved Ones

One thing I love the most about Christmas...

Is celebrating it with my loved ones.

Have yourself a Merry Little Christmas...

The radio plays after I got into the bus from the stressful flight all the way here from San Francisco. Nakahanap kaagad ako ng upuan na nasa tabi lang ng pintong pinasukan ko, kaya roon na ako naupo habang ang conductor na ng bus ang naglagay ng isang maletang dala-dala ko.

Let your heart be light,
From now on your troubles will be out of sight....

Nakaupo na ako sa tabi ng bintana at muli nang umandar ang bus pauwi sa probinsyang pupuntahan ko ngayon. It's already nine in the evening, hindi naman aabot sa isang oras ang biyahe ko pauwi sa probinsya pero kailangan ko ring magmadali para makaabot pa ako sa Midnight Mass ngayong gabi.

Nadaanan namin ang iilang simbahan na kumikinang sa mga palamuti ng parol at Christmas lights, and that's when it got me that the Christmas Spirit in me is still here just waiting for me to come back...

Every religious person around the world, give thanks to our Heavenly Father every year for giving us His only Son.

And because of that, people must be grateful and generous throughout their lives. It is the only way to give something in return for the greatest blessing He has given since the beginning.

Sa loob ng sampung taon na sinalubong ko nang mag-isa ang Pasko, ang dami kong natutunan na hindi ko pinagtuonan ng pansin noon, at ngayon... handa na akong alalahanin ang lahat ng mga nangyari sa'kin sa bansang ito.

The Christmas Season here in the Philippines is very one of a kind and more authentic kesa sa lahat ng mga bansang napuntahan at pinagdiriwangan ko ng Pasko.

I want to relive the moments again that can't be replaced with any material gift this Christmas...

And it will never be brought back by time even how much I reminisce about it.

Here we are as in olden days
Happy golden days of yore
Faithful friends who are dear to us
Gather near to us once more...

Anuman ang magiging kapalaran ko na ngayon, alam kong ginagabayan pa rin ako nina Mommy at Daddy... kahit saang lugar ko man gustong magdiriwang ng Pasko, alam kong mas lalo nilang ikatutuwa na sa muli, pagkatapos ng lahat nang nangyari sa buong pamilya namin...

I bravely came back to this country to relive the moment I once had with my loved ones.

Through the years we all will be together
If the fates allow hang a shining star above the highest bough
And have yourself a Merry Little Christmas now

I quickly wiped off the tears fell from my cheeks, ayokong mapaiyak sa loob ng pampublikong bus lalo na't kababalik ko pa nga lang sa Pilipinas at ito na ngayon ang sitwasyon ko rito. I sniffed to stop my tears, nakakahiya sa sarili na nagiging mahina na naman ako kahit ilang taon akong naging matatag.

Kumusta na kaya ang lahat pagkatapos kong iwanan ang probinsyang iyon?

Marami na bang nagbago sa buong probinsya namin? Marami na ba akong nakalimutan mula sa huling alaala ko rito? O marami na akong kinalimutan... para lang sa kapakanan kong maging mapayapa at maghilom ang lahat ng sakit sa puso ko?

For me to witness everything... I step out from the bus now when I finally arrived, and the church that became a huge part of my youth is in front of me.

Narinig kong nakaalis na ang bus sa likuran ko, at ngayon natutulala ko nang tinitigan ang kabuoan ng simbahan na isa sa naging simbolo ng mga Pasko ko sa probinsyang ito.

Our Christmas NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon