"What do you want me to clear something where you're confused about?" he raised a brow
Kasalukuyan kaming nasa garden sa likod ng bahay. Ayaw ko namang sa kwarto ko kami mag uusap dahil ang sagwa tignan na pareho kaming nasa iisang kwarto. Itinuloy nina mom ang party nila avoiding the situation between me and Janley. Napakunot ang noo ko sa tanong niya..
"Tell me...everything" wala pa man ay maluluha na naman ako
"Too long to be discuss" walang ganang aniya
Bumuntong hininga ako saka umiwas ng tingin para maiwasan ang maluha "bakit mo nagawa sakin yun?"
Nang tignan ko siya ay napayuko siya at nang mapansin niya akong nakatingin sa kanya ay bumuntong hininga din siya. Akala ko ay mag sasalita na siya para sagutin ang tanong ko pero ikinlaro niya lang ang kanyang lalamunan saka ako walang ganang hinarap pero umiwas ako sa mga mata niya.
"Hindi mo na dapat tinatanong yan" walang emosyong aniya "....dahil sa ginawa mo pa lang, labis na ang naging kasagutan" parang maluluha pa siya ngunit nagawa paring pigilan
"Hindi ko maalala.....wala akong naaalala" mahinahong usal ko
Sarkastiko siyang tumawa saka seryoso akong tinignan "you don't have to say that shit again and again...you know why?" tinaasan niya ako ng isang kilay "I will never believe in you"
"Hindi kita pipiliting maniwala sakin. Gusto ko lang sabihin sayo yung totoo---"
"Do you think I would believe you? where's the truth huh? You lair" pinipigilan niya ang sariling sumigaw sa akin ayon sa tinig ng pag kaka putol niya sa sinasabi ko
"I said...I'm not here to force you to believe me. I'm here to hear your reasons behind those things you've done to me" gitil na tugon ko
"Then what kind of things do you want me to clear about huh?" nanghahamong aniya "because asking my reasons won't satisfy you.... you just making me think that you're an idiot." saka siya ngumisi
Hindi ko mai-paliwanag yung mararamdaman ko sa mga masasakit na salitang pilit niyang ibinabato sakin. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag na nawalan ako ng ala-ala. Dahil ako mismo hindi alam ang dahilan kung ano ang mayroon sa amin sa nakaraan. Ayoko mang isipin niyang sinungaling ako't mapag-panggap pero ayoko siyang pilitin sa mga bagay na ayaw niya namang paiwalaan.
Hindi ko na namalayang tumulo na pala ang mga luha ko. Pagod ko siyang tiningnan habang patuloy na tumutulo ang luha ko. Hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa mesang nasa gitna namin, hindi niya alam ang gagawin kung tatanggalin ba niya o hahayaan akong mahawakan siya. At sa huli ay pinili niyang hayaan akong maihawak sa kanya ang nanginginig kong mga kamay dahil sa pag-iyak at bilis ng pag tibok ng puso ko. Dahan-dahan kong tinignan ang mga kamay namin, pilit ko ding ipinakita ang mapait kong ngiti saka dahan-dahang ibinalik sa kanya ang tingin.
Bumuntong-hininga ako kasabay ng pag tulo ng mga luha ko "Hindi mo man maintindihan sa ngayon, baka sa takdang panahon. Patawarin mo ako sa kung ano man ang nagawa ko sa'yo bago mabura ang ala-ala ko. Sana pag dumating yung panahong mag kita ulit tayo, sana makita ko na ang saya sa mga labi mo. Tama na, ayaw na kitang saktan....pagod na pagod na rin ako e. Wag na nating saktan pa ang isat-isa. Wag na nating pahirapan pa ang isat-isa. Mapapagod lang tayo....kaya tama na." Saka ako mapait na ngumiti sa kaniya "Simula sa araw na'to na sya ring araw ng pasko...idadagdag kita sa mga taong naging mahalaga sakin sa bagong memorya ko. Simula sa araw na ito...suko na ako"
Naluluha niya akong tiningnan at sa pag tatapos ng sinabi ko ay tulo na ang luha niya. Nakikita ko din ang mga pag lunok niya't buntong-hininga. Tinanggal ko ang kamay ko sa mga kamay niya saka tumayo at nag punas ng luha "enjoy the party...mauuna na ako" I smiled at him
Hindi ko na hinintay pa ang tugon niya't naluluhang umalis na doon. Bumuntong-himinga pa ako saka siya nilingon para lamang makita ang pag hikbi niya. Gumagalaw-galaw pa ang balikat niya habang nakayuko. Nadudurog ang puso ko habang tinatanaw ang pag iyak niya. Hindi ko inaasahang masasaktan siya ng ganito.
Pinigilan ko ang sariling lumapit at saka siya tinalikuran. Sa kusina ako dumaan para dumeretso sa kwarto. Ibinagsak ko ang aking katawan sa malambot kong kama saka tumulala sa ceiling.
Hindi niya ako kayang paniwalaan. Ganoon ba talaga kasakit sa kanya ang ginawa kong hindi ko naman maalala. Ano ba yung nagawa ko? Anong klaseng sakit ba ang naidulot ko?
Hanggang dito nalang talaga tayo. Siguro hindi tayo ang para sa isat-isa. At pinag tagpo lang para matuto. Ayoko ng saktan pa ang sarili ko kaiisip sayo.
This time...its over. I'll just let this tears flow....but tomorrow I'll let my teeth being showed by laughter.

BINABASA MO ANG
The Love, Fire could give (scouting series #1)
SonstigesTwo scouts from different council met on their NSJ. They greeted each other a good morning that night at the jambo market. Hans Kristle Veloria is a scout who's not fond of having any relationship. She's just simple lady scout who wants to join diff...