CHAPTER 27

10 0 0
                                    

HANS KRISTLE's POV


"mag pagaling ka ah" dinig kong bulong ni deny kaya nag mulat ako para lamang makita ang namumugto niyang mga mata, nang makita nya naman akong naka tingin sa kanya ay bahagya nyang pinunasan ang luha gamit ang likod ng kanyang mga palad. 

"anong ka-dramahan yan?" pabirong tanong ko tinatago din ang kalungkutan para sa sarili

umiling naman sya saka bumuntong-hininga "biro ka ng biro kahit wala naman sa tamang lugar at oras" irap nya

I fake laughed "by the way...kailan ako dadalawin ng dalawang mokong nating pinsan?" patukoy ko kina Eadan at Erix

"bukas yata, mag pahinga ka pa" nag aalalang aniya

bahagya akong pumikit dahil sa pagod na naramdaman kahit wala naman akong ginawa mag hapon kundi ang humilata saka ako seryosong bumaling kay deny "guto ko syang makita" napapaos na usal ko habang may namumuong luha gilid ng mata

Gulat syang tumingin sakin "yung mga mokong ba?" saka siya nag iwas ng tingin

I sighed "alam mo ang tinutukoy ko" walang ekspresyong tugon ko

"p-pero hans hindi pa maganda ang lagay mo---"

"at hindi ko din alam kung kailan pa magiging maganda ito" putol ko sa kanya saka pinalis ang luhang lumandas sa gilid ng mata 

Tiningnan nya ako ng may pag aalala saka bumuntong hininga "nag tanong sya tungkol sa kalagayan mo..." mahinang aniya at agad naman akong lumingon sa kanya "hindi ko magawang sabihin dahil baka ayaw mong iparating ko sa kanya--"

"mabuti kung ganoon, pero gusto ko syang makita ngunit paano?" pinalis ko na naman ang luha na tumulo "ayaw kong malaman niya ito....ayaw ko syang mag alala" 

"hans--gagaling ka naman diba?" ngayon ay tuloy-tuloy na ang pag buho ng luha nya

Pagod akong ngumiti sa kanya dahil kahit ako--hindi sigurado sa magiging sagot "gusto ko syang makita" tanging lumabas sa bibig ko saka marahang pumikit 

"g-gagawin ko....mag pahinga ka na muna" kahit nakapikit ay hindi nakatakas sakin na maramdaman ang pag hikbi niya. Hindi ko alam kung may lakas pa akong makaharap ulit sya pero sa oras na ito sya ang gusto kong makita. Pagod na ako sa hindi maipaliwanag na dahilan, pero gusto kong lumaban.


Kinabukasan ay nagising ako dahil sa sagutan nina Erix at Deny tungkol sa mag babantay sakin mamayang gabi. Parang mga tanga lang hindi pa naman ako mamamatay, nang makita nila akong bahagyang gumalaw ay nag unahan silang lumapit sakin..

"hans may masakit ba?" agad na tanong ni erix

"epal e sinisigawan mo nga lang 'to noon e" bulong ni deny

kita ko ang papalapit na si mom kaya bumaling ako ng bahagya sa kanya "tigilan nyo 'yan, kung gusto niyo akong samahan dito mamaya ay ayos lang" ani mom sa dalawang maiinit ang ulo saka ito bumaling sakin "kumusta ka anak? nagugutom ka na ba?" nag aalalang tanong niya

"wala akong gana pero gusto kong lumakas" mahinang tugon ko na nakapag-pangiti kay mom at kita ko naman ang papalapit na nakangiting si daddy

"tama yan anak" kahit gaano mang pigilan ni mom ay dinig ko parin ang panghihina sa boses nito

Inilibot ko ang paningin sa buong kwarto, naroon si mom, dad, erix, at deny na nakatayo malapit sa hinihigaan ko si Eadan naman ay naka upo sa sofa at mapungay ang matang nakatitig sakin kaya bahagya akong ngumiti pero umiwas lang sya ng tingin saka ulit ako bumaling kay mom "where's haz?"

"she's with the twins, she's worried about you pero mapupuno lang ng tanong ang kwarto na ito kung dalhin namin sya rito" paliwanag ni dad kaya bahagya akong tumango

"alam nya?" tila bulong iyon

Umiling si mom saka humawak sa braso ni daddy para doon umiyak kaya niyakap ito ni daddy. 

"mom stop it, I'm strong" ngumiwi ako 

Kumalas ito kay dad saka dahan-dahang lumapit sakin para yumakap "please anak..be strong" pabulong na aniya kaya bahagya akong tumango bilang tugon

"I will...just be strong for me too" I said sweetly

"ano ba yan! ako din payakap" pinalis ni deny ang luha saka nakisali sa yakapan namin ni mom kaya bahagya akong natawa 


This time, I knew that I can fight for this. But then, I can feel my condition---I cant promise. Hindi ko maipapangako sa kanilang ganito kahirap para sakin, na ganito akong nagdurusa. Pagod na akong lumaban, pero kakayanin ko para sa kanila. Ni-hindi sumagi sa isip kong mag kakaroon ako ng sakit na ganito. At ang tanging maipapangako ko ay lalaban muna ako bago ako susuko..




The Love, Fire could give (scouting series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon