CHAPTER 10

11 2 0
                                    

Pinagligpit na kami ng gamit namin dahil pag katapos na pag katapos ng camp fire ay uuwi na kami sa kung saang lungsod kami nagmula. Pagkatapos nito ay pupunta na kaming jambo market para mamili na...ulit ng mga souvenirs na iuuwi namin sa Lipa.

"Hala kris...mukang hindi na ka-kasya yung bibilhin natin mamaya dito e" problemadong ani Zen

"Sa dami mo ba namang binile e"

"Wow malinis?" Sarkastikong sabi niya saka isiniksik pa ang laman ng maleta niya.

Matapos mag ayos ay nagbihis na kami ng type A para sa camp fire mamaya pero ang pang taas na uniform ay hindi muna namin sinuot dahil mainit at baka magusot.

Pumunta kaming jambo market para mamili sa huling pag kakataon. Natanaw ko naman agad si janley na naghihintay doon at naka type A na din siya gwapo lalo talagang gumagwapo ang mga lalaki kapag nakasuot ng type A uniform... para sakin... hahaha

"Hi zen... hello kris" bungad niya tumango naman ako

"Hello fafa janley" maarteng sabi ni zen ew "its waldas time" sabi ni zen ng may nakakalokong tinig

Namili pa ako ng key chains na hindi ko alam kung kanino ko iibigay. Bumili din ako ng shirts na may tatak ng jamboree at bsp maging ng tanawin dito sa Zambales. Bumili din ako ng bts merchandise para sa kaibigan kong adik doon.

Tama nga sila madaming paninda ang nagmura dahil nga last day na at wala na silang mapagbebentahan niyon. Nag shawarma din kami bago pa bumalik sa area namin para ilagay ang mga pinamili sa maleta at para narin makapag handa para sa Camp fire mamaya.

As usual hinatid lang kami ni janley at saka siya bumalik sa area nila dahil uuwi narin sila mamaya. Awts..

Sinuot na namin ang type A na pantaas para kompleto na ang suot namin dahil maya maya ay pupunta na kami kung saan gaganapin ang camp fire.

*prtttt

Pagtawag ng scl namin kaya nag formation na kami upang makapunta na doon. Hindi nagtagal ay nagtungo na kami sa pag gaganapan ng camp fire dahil madilim na.

Nagliwanag ang muka ko ng makita kong Tarlac Council ang makakatabi namin sa pabilog na pwesto.

Nagmessage din si janley na maupo ako sa tabi niya dahil sa dulo siya pumwesto oara nga magkatabi kami kaya nauna na ako sa kung saan siya naroon para wala ng ibang makaupo doon. Lumihis ako sa crew namin pero hindi naman mahahalata hehe..

"Wait" pigil ni janley sa akmang pag upo ko saka niya iyon nilagyan ng sapin...luh?

"Hindi ko kailangan niyan" sabi ko dahil hindi naman talaga...

"Just sit" senyas niyang maupo na ako kaya umupo na ako sa tabi niya...

Hindi nagtagal ay nag simula na ang campfire kaya itinuon ko nalang sa unahan ang paningin ko. May mga nagperform para sa seremonyang ito na talaga nga namang pinaghandaang talaga...

Tumitig ako sa apoy ng sumapit ang sandaling katahimikan.. pag baling ko kay Janley ay nakatitig na sya sa akin na para bang maiiyak na kaya nagtataka akong tumingin sa kanya...

"Bakit?" Tanong ko

"Wala ka ba talagang naging ex?" bahagya pa akong nabigla sa tanong niya

"Wala nga" kunyariy natatawang tugon ko

"Hindi mo ba ako nakikilala nong una mo kong makita?" tanong nanaman niya kaya mas lalo akong nagtaka

"Hindi" tipid kong sagot

Ngumiti lang sya saka ginulo ang buhok ko... bumuntong-hininga ako saka tumingin sa nga mata nya...

"Tumigil kana" biglang sabi ko na ikinagulat niya

"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya

"Tumigil kana sa panliligaw"

"H-huh?" takang usal nya

Hutdog...

"B-bakit?" Wala pa man ay nalungkot na agad siya

"Dahil..."

The Love, Fire could give (scouting series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon