"Kasi Kris" bumuntong-hininga siya "kasi ang lahat ng ito ay dahil lamang sa pustahan. Hindi ko alam kung bakit hindi mo sya naaalala---" naputol ang sinabi niya dahil may nagsalita mula sa aking likuran
"Kung bakit hindi mo ako naaalala... hindi mo naaalala ang ating nakaraan, hindi mo naaalala kung sino at ano ako sa buhay mo kris... ang lahat ng ito ay dahil sa pustahan lang. Alam nilang niloko mo ako kaya ng makita kita sa lugar kung saan tayo nag kita ulit matapos mo akong lokohin ay naglaan sila ng kapalit makuha lang kita ulit para ibalik sayo yung sakit na naramdaman ko noong lokohin mo ako" nalilito akong tumingin sa kanila...hindi alam ang kanila sinasabi... walang ideya sa puntong gusto nilang iparating sakin at the same time nasasaktan at nadudurog dahil ang lahat ay isang pustahan lang...
"A-anong ibig mong sabihin J-janley?" Nanginginig na tanong ko
Naluluha siyang ngumisi saka ako tiningnan na animong hindi makapaniwala "hindi mo ba talaga ako maalala o nag papanggap ka lang para saktan ulit ako hans kristle" sarkastikong aniyang diniinan pa ang pagkakabigkas ng pangalan ko
"H-hindi kita maalala w-wala akong maalalang nakaraang sinasabi mo....w-wala akong matandaang nakilala na kita noon---"
"Hindi lang basta nakilala....minahal kita ng buong buo na handa kong ubusin yung sarili ko mapuno ka lang ng pagmamahal kristle" tumulo na ang luha niya "sa walong araw nating magkasama sa zambales hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo man lang ako natatandaan?"
Bumuhos ang luha ko sa mga narinig ko mula sa kanya "a-ako ba yung sabi mong n-nanloko sayo?" tanong ko
"Ikaw lang ang naging ex ko kristle...wala ng iba at ikaw lang din ang minahal ko sa unang pag kikita o sa pangalawa ikaw lang ang mahal ko" umiiyak na talaga sya at bahagya pang napayuko "pero ang masakit ay yung matapos mo akong lokohin ay hindi mo ako makilala"
"J-janley Im sorry....wala talaga akong maalala...hindi ko alam ang mga sinasabi mo...wala akong niloloko..." saka ko pinunasan ang luha ko "hindi kita maalala at wala akong naaalalang niloko kita"
"Naalala mo ba kung gaano natin ka mahal ang isat isa?"
Umiling ako ng umiling "h-hindi" bumagsak ang mga balikat niya
"Magkano ba ang ipinusta? Babayaran ko maging tunay lang yang nararamdaman mo" tinig nag mamakaawa ako
"Tapusin na natin ang pag uusap na ito...dahil wala narin namang magbabago, isa lang ito sa naging pustahan" walang emosyong usal niya "at sa puntong ito....ako ang panalo" nakangising aniya saka pasiring inalis ang tingin sakin bago tumalikod
Sa puntong ito gusto ko ng sumabog...sobrang sakit ng ginawa niya. Hindi ko maintindihan kung bakit nagawa niyang ganituhin ako, ang tanging pinaniniwalaan niya ay niloko ko siya. Hindi man lang niya nagawang tanungin...kung bakit ako nawalan ng ala-ala.
Siguro nga ito na ang katapusan ng kwento naming dalawa, kailangan ko ng sanayin ang sarili ko sa mga ganoong klaseng tao.
Tangina...talo nanaman...
Hindi ko alam kung saan ulit kami mag sisimula... kung paano ulit kami magpapatuloy..
Niligaw man kami ng naburang ala ala...pinagtagpo naman kami ng nais ng bawat isa...ang scouting...
BINABASA MO ANG
The Love, Fire could give (scouting series #1)
RandomTwo scouts from different council met on their NSJ. They greeted each other a good morning that night at the jambo market. Hans Kristle Veloria is a scout who's not fond of having any relationship. She's just simple lady scout who wants to join diff...