Nagbihis na kami ng type A uniform namin para sa opening at nag picture kami ng iba pa naming kasama. Nag formation na rin kaya umayos na kami ni Zen. Ka crew ko si zen kaya nasa unahan ko sya. Naririnig ko na din ang yell ng ibang council kahit nasa formation palang bago pa pupuntang arena.
"Exciting haha" biglang sabi ni zen sa mismong muka ko
"Ano ba dun ka nga" tulak ko sa kanya
Maya maya pa ay nag lakad na kami papuntang arena.. ang alikabok ay humalo na sa hangin tsk... kasunod namin ang taga Batangas at nadadaanan din namin ang iba pang council.. yung iba ang napaka effort na may kanya kanyang sobrero pa at gloves.... yung council namin chill lang hahaha
Pagkarating sa arena ay namangha ako sa dami ng naroroon. Dagat ng scout ang palibot niyon...nakakamangha. Sa dinami dami ng scout sa Pilipinas ay isa ako sa naging participant ng kaganapang ito. Kanya kanyang kuha ng litrato dahil hibdi pa naman nag sisimula...
Pero matapos ang ilang sandali ay nag martsa na ang may dala ng mga council flag at watawat ng Pilipinas... itinaas iyon at kumanta kami ng pambansang awit ng Pilipinas. May nakita din akong mascot na naka type A uniform din.. cute..
Nagsalita na yung speaker at ang iba pang mga naging miyembro ng kaganapang iyon. Nagsigawan narin ng kanya kanyang yell kaya hindi rin kami nag patalo.... may nag perform din sa unahan at nang sumapit ang dilim ay pinabukas saamin ang kani kanilang flashlight at saka isinayaw iyon sa dilim ayon sa tugtog ng kanta... may fireworks din sa mga oras na iyon...napakasaya...
Habang nanonood ng fireworks ay tumunog ang phone ko..
Janley: when I first saw you I felt nervous to ask your name.. but I felt more nervous to ask you this question.... 'can I court you?"
Napatulala ako sa matapos mabasa iyon...ang scout maagap...ano dapat ang isasagot dito? Papayag ba ako? O hindi?.... bakit kasi ngayon pa hindi tuloy ako nakasama sa picture nila... nag isip lang ako ng nag isip hanggang sa patapos na ang fireworks...
Me: Yttrium, Einsteinium :)
Sana tama 'tong desisyon kooo.
Hindi na sya nag reply sa akin matapos kong isend iyon... mali ba? Or hindi nya na gets? Ano ba....
Napabuntong hininga ako saka nakihalobilo nalang sa mga kasama ko...
"Kris picture kita dali" ani zen kaya nag ngumiti ako sa camera
"Good morning papicture daw po sabi nito" dinig kong sabi ng isang scout turo niya sa isang cute na boy scout.
"Tara" anyaya ko saka kami nag picture...
Green yung necker niya ang cute niya lang. Nag picture din kami zen saka niya iyon ipinost sa social media niya. May mga nagpapicture din kay Zen at sinabihan ko naman itong wag tanggihan dahil minsan lang magsama sama ang scout sa Pilipinas.. Hindi naman sya maaagaw ng dahil lang sa picture OA naman sya kung tatanggi sya.
Maya maya pa ay may kumulbit sakin mula sa likod kaya lumingon ako doon.
"Picture daw sabi nito" turo ni gerald kay janley kaya natatawa akong tumango..
Hindi ko alam kung marunong ba magpicture ang mga 'to dahil sobrang tagal nilang mag picture.
"Seryoso ba yun kanina?" tanong niya sa akin
"Na gets mo?" tanong ko din
"Malamang hahaha" aniya
"Ah ayaw mo ba?" Ngumiwi ako
"Gusto...okay lang ba talaga sayo?"
"Kung okay din sayo" ngiwi ko ulit at natatawa nya namang ginulo ang buhok ko kaya inayos ko din iyon "tropa tayo?" Sarkastikong usal ko
"Sorry hahaha" saya nya
Napakaganda ng ngiti nya ng mga oras na iyon.. habang ako kinakabahan sa mga susunod na mangyari.
BINABASA MO ANG
The Love, Fire could give (scouting series #1)
De TodoTwo scouts from different council met on their NSJ. They greeted each other a good morning that night at the jambo market. Hans Kristle Veloria is a scout who's not fond of having any relationship. She's just simple lady scout who wants to join diff...