Matapos iyon sabihin ni mom ay hindi parin ako makapaniwalang sa iksi ng panahong iyon nangyari ang lahat. Madami akong gustong itanong sa kanyang hindi ko magawang itanong dahil hindi na pwede. Ayoko ng mag karoon ng koneksyon sa kanya. Ayoko ng maging pabigat sa kanya. Ayoko ng saktan pa siya.
Nitong mga nakaraang araw ay tahimik lang akong nag mu-muk-mok sa kwarto ko. Ayokong makipag socialize sa ngayon. Ayoko muna sa lahat.
Bukas ay pasko na kaya hindi ko alam kung paano iyon idaraos ng may sakit na nararamdaman. Nag aalala na sina mommy pero gusto ko lang talagang mapag isa kaya pinipili ko palaging mapag isa nalang sa kwarto o veranda.
Konti nalang din ay mababaliw na ako kaiisip ng mga nangyari. At kahit bawal ay pilit ko inaalala ang mga bagay na mayroon kami ni Janley noon. Pero wala akong na-a-alala ni isa sa nga iyon.
"Anak gusto mo bang sumama? Susunduin natin ang mga pinsan mo" biglang sumilip si mommy sa pinto ng kwarto ko para ayain akong sumama dahil dito nga kami mag c-christmas lahat.
"Ayoko po" walang emosyong usal ko hindi siya tinitingnan.
"Ow..okay" aniya saka isinara ulit ang kwarto.
Bumuntong hininga ako saka bumalik sa pag iisip. Gusto nilang mag reach out sakin ngunit ako 'tong umiiwas sa kanila. Si haz gusto palaging mag advice sakin pero nasisigawan ko lang siya kaya mas pinili ko nalang ding umiwas.
Hindi ko alam kung paano ko ibabalik yung dating ako kung ganito namang nasasaktan ako. Ayokong isipin nilang sinisira ko ang buhay ko kaya bumangon ako para maligo at mag ayos ng sarili. I want to be better for good. Mahirap...oo...sobrang hirap maka move on. Yung tipong gusto mo ng mag move on pero ayaw makisama ng panahon. Gusto ko ng makalimut sa lahat.
I wore a simple white shirt and black short saka ako nag pahinga sa kama. Gusto kong mag pahinga at matulog dahil ang laki na ng eyebags ko kaiisip. Hindi makakatulong sakin kung ipagpapatuloy ko ang pag kukulong ng sarili ko sa nakaraan. Kailangan ko ding bumangon para sa sarili kong kapakanan. Kailangan kong maging malakas at matatag para sa sarili ko. At hindi para sa kahit na kanino.
Nagising ako dahil sa irit ng mga batang nag hahabulan sa baba at panigurado akong isa si Haz doon kaya umangon nalang ako para mag-ayos ng sarili. Inayos ko din ang kama ko dahil alam kong tatabi sa akin ang pinsan kong hilaw... nasobrahan sa puti e.
Nakakapag-taka lang dahil hindi niya ako binulabog dito sa kwarto ko ngayon marahil ay alam na niya ang pinag dadaanan ko sa ngayon. Nag bihis ako ng black sweater and white high-waisted short at bumaba dala ang phone.
"Where do broken heartss gooooo!🎶" pag kanta ni Deny habang pababa ako ng hagdan kaya sinamaan ko sya ng tingin "ano ba naman yan paskong pasko naka itim?" Saka siya tumawa
"Welcome deny'ng hilaw" sarkastikong usal ko pagka-baba
"Hey darling...you look good" yakap ni tita sakin
"How have you been dear cousin? Hahaha" natatawang yumakap sakin si deny pero kinurot ko lang siya "ouch! Its really hurttt" pag sayaw pa niya
"Puro kayo kalokohan" saway ni tita sa amin saka sila nagtuloy sa dining area habang kami ni deny ay naiwan sa sala kasama ang mga kiti-kiting batang naghahabulan.
"Balita ko kay tita wasak daw yang puso mo" biglang natatawang usal ni deny
"Bwisit nga e...paskong-pasko" nakatulalang tugon ko.
"Maybe sooner...he'll realized everything" pag hagod pa niya sa likod ko
"Ayoko ng umasa" wala pa man ay naluluha na naman ako "ano ba nangyari bago ako mawalan ng ala-ala?" baling ko sa kanya
"Wala naman...well sira lang naman ang ulo mo nung mga panahong iyon...pag tulog si haz during christmas ay ginigising mo para patulogin ulit, during new year naman ay tinuruan mo sya mag torotot tapos itatapat nya sa tainga ng daddy nyang tulog tapos tinuruan mo lang naman siyang mag dilig ng Christmas tree tapos pinag yayabang mong may boyfriend ka dahil broken ako nung panahong yon. But now?? Hahahaha when did the table turn huh?" Natatawang aniya
"Ginawa ko lahat iyon?" gulat akong sigaw sa muka niya
"Wait---Haz, come here" pag tawag niya sa kapatid ko "what does your ate's name and attitudes during holidays?" tanong niya
"Ah..." nag isip pa ang kapatid ko "her name is tantada and her attitude is tarantado? Am I right ate Dens?" Inosenteng aniyang ikinalaki ng butas ng ilong ko
"Anak ng-- umalis ka nga sa harap ko!" Inis na sigaw ko kay Haz saka bumaling sa natatawang pinsan kong hilaw "walang hiya ka talaga, kaya kung ano-ano nalang pinag sasabi nun araw-araw e" asik ko saka siya inirapan

BINABASA MO ANG
The Love, Fire could give (scouting series #1)
De TodoTwo scouts from different council met on their NSJ. They greeted each other a good morning that night at the jambo market. Hans Kristle Veloria is a scout who's not fond of having any relationship. She's just simple lady scout who wants to join diff...