CHAPTER 11

15 2 0
                                    

"Dahil ano?" tanong niya

"Dahil....sinasagot na kita" usal ko saka tumingin sa mga mata niya ng seryoso

Gulat siyang tumingin sakin na para bang ako yung ex nyang nagmumulto sa kanya...

"S-seryoso ka ba?"

"Muka ba akong nagbibiro?....ayaw mo ba?" Nainis agad ako

Hindi naman siya sumagot saka hinawakan nalang ang kamay ko at hinalikan iyon...

"Thank you" sinserong aniya kaya palihim naman akong ngumiti

Hanggang sa matapos ang campfire ay magkahawak lang ang mga kamay namin. Nagpapicture din kami dahil maya maya lang ay mag hihiwalay na ang landas na tatahakin namin.

"I love you" makikita ang sinseredad sa sinabi nya

"Love you" tugon ko saka niyakap siya...

Mahigpit kaming yumakap sa isat isa. Kakasagot ko nga lang mag hihiwalay na agad...ng landas

"Mag iingat ka" aniya na ayaw pa akong bitawan

"Oo haha... ikaw din" usal ko at ako na din ang kusang kumalas ngunit hinila ulit niya ako pabalik saka muling niyakap...

"5 minutes baby" aniya

"Sira maiiwan na ako" patukoy ko sa bus na sasakyan namin

Kusa syang kumalas saka niya ginulo ang buhok ko... "ma mimiss kita" aniya

Nag paalam na ako sa kanya saka umakyat sa bus... yung ibang kasama ko ay umiidlip na kahit kaka akyat palang naman. Pagkaupo ko ay sumilip ako sa bintana saka kumaway sa kanya... kumaway din naman sya pabalik saka palang umalis para bumalik sa mga kasama...

Malalayo kami sa isat isa pero hindi iyon magiging hadlang saming dalawa...
Mamimiss ko ang lugar na ito at itoy magsisilbing ala ala na nagtagpo sa aming dalawa....

Nakatulog ako sa byahe pabalik dahil narin sa sobrang pagod... walong oras ang byahe mula Botolan, Zambales hanggang Lipa at gabing gabi narin ng umalis kami doon dahil hnintay naming matapos ang campfire syempre...

Dumating kami sa lipa alas 6 ng umaga. Yung iba ay nanlalatang bumaba ng bus dahil narin sa puyat at pagod. Isama pa ang lungkot na dulot ng katapusan ng jamboree. Pagkababa ko ay natanaw ko na agad ang naghihintay kong mga magulang sa tapat ng Cultural Center para sunduin ako. Lumapit si dad at ginulo ang buhok ko saka kinuha ang bagahe ko. Humalik naman ako kay mom saka sa cute na cute kong  kapatid na si Haz Krein.

"Umitim ka anak haha" tinawanan ako ni mom sa byahe pauwi

"Sobranh init don mom" tanging nasabi ko saka kinulit ang kapatid ko...

Pagdating sa bahay ay pinag pahinga nila ako dahil alam nilang pagod ako at kulang sa tulog. Pagkapasok ko palang sa kwarto ko ay na excite akong humiga agad dahil namiss ko talaga ang kama ko. Naligo pa muna ako dahil narin sa dala kong alikabok mula doon bago palang ako nahiga sa malambot kong kama. Habang nakahiga at nakatingin sa kisame ay naalala ko si Janley kaya agad akong nag message sa kanya.

Me: Juts got home. Tutulog lang ako saglit. Ingat. Love you

Matapos kong mai-send iyon ay nakangiti akong pumikit saka natulog..

Nagising lang ako ng makaramdam ako ng gutom kaya bumangon ako agad at tiningnan ang oras...

Shit!! 4:00 pm na!!! Ganon ba ako kapagod at kapuyat? Grabe naman kaya siguro ako gutom na gutom...

"Mom Im hungry bakit hindi nyo po ako gnising" inis kong bungad pag kababa

"I tried to wake you up pero hindi ka gumigising anak" aniya saka ako pinaghanda ng pag kain...

Saglit pa akong natulala dahil sa kalutangan at bumalik lang sa ulirat ng maalala si Janley..

Seen.

Seen nya lang ang chat ko kaya taka akong tumingin ulit dahil baka nag kakamali lang. Seen nya lang talaga!

Active pa sya kaya nag chat ulit ako...

Me: Kagigising ko lang. Kumusta ka?

Natapos isend iyon ay napansin kong nag offline sya...

Anong nangyari?

Tanong ko sa sarili ko saka pinindot ang call pero hindi niya iyon masasagot dahil offline sya... or nag off ng active status?

Tiningnan ko ulit at tama nga ako... nag off sya ng active status... bigla ay kinabahan ako...

Anong nangyar???

Natinag lang ako ng iserve na ni mom ang kakainin ko kaya ibinaba ko muna ang phone ko saka ako kumain pero malalim pa rin ang iniisip..

Damn anong nangyariiiii????

The Love, Fire could give (scouting series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon