JANLEY'S POV
*flashbackkk
"Pre...diba yun yung ex mo? Si hans?" Bumilis agad ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang pangalang iyon...
Tiningnan ko ang tinutukoy ni Ramond para sigurohing tama yung narinig ko at ang tinutukoy niya.
"Pre nagbago na...lalo yatang gumanda" ani gerald
Tulala lamang ako sa babaeng tinutukoy nila... ang babaeng minahal ko ng sobra... ang babaeng dumurog sakin.
"Pre pusta tayo... tig dalawang libo kami kapag nakuha mo ulit yang ex mo" hamon ni ramond
Inis ko syang binalingan..."hindi ko kayang gawin yon sa kanya"
"Pero pre niloko ka nya...try lang naman e...ayaw mo ba ng apat na libo?"
"May pera ako" tanging dahilan ko
"Good morning" natinag ako ng batiin sila ni gerald...
"Good morning" tugon nila
Nakakapag taka...bakit parang wala lang sa kanya? ....bakit parang....hindi niya ako kilala...
"Council?" Tanong ni gerald
"Lipa City Council kayo?" ani kasama nya
"Tarlac....tarlac Council" ako ang sumagot habang matalim na nakatingin sa mga mata ni Hans..babe
Parang wala lang talaga sa kanya...na parang ngayon nya lang ako nakita...na parang hindi niya ako minahal...at niloko.
Mas lalo syang gumanda...mas lalo syang tumangkad...humaba na din ang buhok niya..ibang iba sa dating minahal ko pero hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon pareho parin ang nararamdaman ko sa tuwing makikita ko sya.
Sa bawat araw na nakasama ko sya...ulit ay parang gusto ko ng baguhin yung napagkasunduan.. gusto ko ng balewalain nalang iyon at gawing makatotohanan ang lahat dahil totoong pagmamahal ang lumalabas sakin.
Mas lalo akong nalito ng sabihin niyang wala syang nakarelasyon sa buong buhay niya... hindi niya ba talaga ako naaalala? Sinakyan ko ang mga pinapakita at sinasabi niya. Hindi niya maalala ang lahat. Dahil kahit mismong pag tawag niya sa akin dati ay hindi niya nagagawang madulas ngayon... na animong wala talaga syang naaalala.
Posible ba yon?
Nauntog ba 'to? nag ka amnesia...komportable siya sa akin na parang walang nangyari...
Nakakapag taka lang talaga Hans babe...
*end of flashbackkk
Hindi ako makapaniwalang nakaya kong baliwalain siya ngayon. Hindi ko magawang maniwala sa kanya at hindi na ako magtitiwala pa. Gusto ko ng mag move on sakanya, gusto ko na syang kalimutan. Hindi ko makakalimutan ang panlolokong ginawa niya sa akin noong panahong kami pa, mga panahong nasira kaming dalawa.
Nakakapagod na, pagod na pagod na ako. Siguro ito na talaga yung kapalaran naming dalawa. Gusto ko ng kalimutan ang pagsasamang nabuo mula sa jamboree na iyon. Gusto ko ng kalimutan ang lahat ng tungkol sa kanya. Dahil ayoko na. Suko na ako. Sumusuko na ako...
"Oh pre...panalo ka...apat na libo para sayo Janley Torres ng Tarlac!" natatawang usal ng iba kong mga kaibigan maliban kina gerald at ramond
"Oh ano pre? Move on na ba? Kung ayaw mo na dun...popormahan ko na yon" biro ni gerald
"Gago!" Inis na sigaw ko sakanya
"Mahal mo pala e...bakit mo binitawan?"
"Niloko niya ako...period" saka ko tinanggap ang perang napanalunan ko at nakangising binulsa iyon "nagsayang lang kayo ng pera pre"
"Ikaw nga nag sayang ng babaeng seryoso e" seryosong ani gerald kaya bigla akong natigilan...
BINABASA MO ANG
The Love, Fire could give (scouting series #1)
DiversosTwo scouts from different council met on their NSJ. They greeted each other a good morning that night at the jambo market. Hans Kristle Veloria is a scout who's not fond of having any relationship. She's just simple lady scout who wants to join diff...