JANLEY'S POV
"hanggang kailan kayo mag tatago pa!" palahaw ko sa aking ama
"patawarin mo ako anak, ito lang ang nakikita kong bagay na makatutulong sa atin" paghingi pa nya ng tawad
"anong magagawa ng patawad kung nangyari na 'on kay hans pa! ano?!" galit na sigaw ko "habang buhay kong dadalhin ang maling nagawa no alam nyo ba'yon? At hindi ko kayo mapapatawadkapag may nangyaring masama sa taong mahal ko pa, patawarin nyo rin ako" makahulugang usal ko bago lumabas ng bahay
Hindi ko alam kung tama pa bang mag pakita ako kung ako naman ang anak ng taong nagging dahilan ng lahat ng 'to. At talagang pagdudusahan ko ito sa oras na mawala si hans sakin---sa mundo. Nanginginig akong umakyat sa floor ng kwartong kinaroroonan ni hans. Hindi ko alam kung handa na akong makita ang kalagayan nya. Hindi ko alam kung paano kong aaminin ang lahat ng nalalaman ko. At mas lalong hindi ko alam kung mapapatawad nya pa ba ako.
Napaka hirap pumagitna sa mga taong mahal na mahal mo, at sa oras na ito—ako na yata ang pinaka malas na tao.
Hindi ko alam kung paanong pihitin ang doorknob na nasa harap, tila nablanko bigla ang utak ko at bumalik sa isip ng sangol na walang alam kundi ang umiyak. Naluluha na ako kahit wala pa man akong nakikita kundi itong pintong nasa harap ko.
Pipihitin ko na sana ito ng magulat ako sa biglaang pag bukas ng kung sino. Tumitig ako sa taong nagugulat din na makita ako.
"j-janley n-nandito ka na pala" lumingon pa muna si dens bago ulit ako tiningnan "p-pasok ka" nilawakan nya ang buka ng pinto pero sapat lang para makapasok ako.
Kahit balot na balot ako ng kabang nararamdaman ay tumuloy parin ako. Nakita ko ang pag titig ng dalawa pang pinsan ni hans na lalaki at mg magulang ni hans na ngayon ay nangunguwestyon na ang paraan ng pag titig.
"t-tita gusto daw po syang m-makita ni hans" utal na baling ni deny sa tiya matapos nyang mapansin ang paraan ng pag titig nito.
"k-kumusta po si han---"
"hindi maganda ang lagay nya" walang emosyong putol ni tita sa sasabihin ko
Nanggigilid ako luha kong nilingon ang payapang natutulog na si hans hanggang sa unti-unti itong mamuo at lumandas sa pisngi ko tsaka ako dahan-dahang napaluhod na ikinagulat nilang lahat!
"mahal na mahal kop o ang anak ninyo—patawarin nyo po ako hayaan nyo po akong mag paliwanag" hikbi ko sa paanan nila
Pilit akong itinayo ni tita at naluluha ng tumingin sa mga mata ko "ano ang ibig mong sabihin" kahit naluluha siya ay nagawa nya iyong itanong na para bang ako ang pinaka walang kwenta at walang kakayahang tao sa mundo.
"tita patawarin nyo ako—" nag puunas ako ng luha at bumuntong-hininga para makakuha ng lakas at sinulyapan ang natutulog na si Hans bago hinarap ang mag asawa "nag tatrabaho ang tatay ko sa taong...dahilan kung bakit...nawalan ng ala-ala si hans, ang tatay ko ang syang bumangga mismo sa sinasakyan ni hans. Nakiusap ako sa tatay ko na huwag nyang gagawin yon sa taong mahal na mahal ko. Pero ang target nila ay ang tatay ni hans at nag kataong si hans ang umalis nung araw na iyon kaya nag bago ang isip nung taong na sa kabila ng lahat ng ito. Huli na ang lahat para ma-protektahan ko ang prinsesa ko. At sa hindi inaasahan, hindi niya ako magawang maalala. Naisip ko na mas nakakabuti iyon dahil wala na akong mukang maihaharap sa kanya. Patuloy ko syang itataboy lumayo lang sya sa taong nanakit sa kanya na nagging dahilan ng pag hihirap niya" mahabang usal ko kahit hirap ay nairaos kong mag paliwanag.
Natutop ni tita Hana ang kanyang bibig at niyakap naman sya ng asawa bilang suporta. Lumakas din ang pag hikbi ni Deny habang ang dalang lalaking pinsan nila ay nakatulala sa kung saan na tila pinoproseso pa sa isip ang mga bagay na nabanggit ko.
"bakit nila kailangang gawin 'yon sa anak ko! Bakit ang anak ko, ano baa ng atraso namin sa taong tinutukoy mo!" galit na sigaw sa akin ni tita Hana kahit na nanghihina na
Hindi ko nagawang sumagot at bumaling nalang sa likuran para doon umiyak pero bago pa man ako makaharap doon ay nasalubong ko na ang kamao ni Eadan, napahawak ako sa gilid ng labi ko dahil sa sobrang sakit at lakas ng pag kakasuntok nito at kaunti nalang ay tumimbawang na ako. Agad na pumagitna si Deny at Erix.
"ano ba! Hindi sya ang may kasalanan—"
"gago sya!" galit ang matang nakatingin sakin si eadan kahit na hinaharangan ito ng sariling kapatid "tingnan moa ng lagay ng pinsan ko! Tapos ganyang pupunta ka dito para sabihing mahal mo sya?" galit na duro niya sa akin habang isinesenyas ang pinsan
"patawarin nyo ako—"
"ano pa bang magagawa nyang paghingi mo ng tawad kung ganyang nahihirapan na ang pinsan ko! Tanga!" akmang susugod ulit siya ngunit sap ag kakataong ito ay tumulong na ang mag asawa sap ag awat sa amin "ipapakulong ko ang tatay mo! Ipapakulong ko---"
"walang makukulong" gulat kaming lahat na bumaling sa mahinang tinig ni...
"H-hans a-anak" nag madaling lumapit ang ina sa anak nya
"walang makukulong" walang emosyong usal ni Hans "at walang mag papakulong sa tatay mo" deretso ang tingin sa mata kong aniya tsaka bumuntong-hininga "mawawalan ng saysay ang pag bangga nya sa akin kung makukulong lang sya, alam kong may dahilan sya—kaya walang makukulong" sa tinig nya ay parang iyon nga talaga ang mang yayari
Kahit sap ag kakataong ito ng buhay nya ay pinili nya paring isipin ang kapakanan ng iba, ang dahilan ng iba. Sunod-sunod akong umiling habang nakatingin sa mga mata nya dahil tama si Eadan—dapat makulong ang may sala.
Patuloy lang akong nahuhulog at mas lumalalim lang ang pag mamahal ko sa taong 'to. Dahil kahit ikamatay nya—ay ako parin ang laman ng isip nito.
Pinag lalaban nya ang ikabubuti ng maling tao...
BINABASA MO ANG
The Love, Fire could give (scouting series #1)
RandomTwo scouts from different council met on their NSJ. They greeted each other a good morning that night at the jambo market. Hans Kristle Veloria is a scout who's not fond of having any relationship. She's just simple lady scout who wants to join diff...