CHAPTER 7

17 2 0
                                    

"Huy zen gising na" pangigising ko kay zen dahil mayamaya ay pipito na ang scl namin "huy nasa camping ka" inis na sabi ko napabalikwas naman sya

"Oo nga pala" aniya saka nagligpit ng hinigaan

Lumabas ako ng tent para tingnan ang mga kasama kong nag si-ayos na ng kanilang sarili dahil after 10 minutes ay mag f-formation na kami. Maaga ako nagising dahil tumunog ang alarm ko.

Lumabas naman si Zen sa tent dala ang toothbrush niya. Napakasarap lasapin ng ihip ng hangin ngayon. Ibang iba ang ganda ng tanawin dito kaysa sa amin. Basa basa din ang tent dahil sa hamog ngayong madaling araw.

Habang naghihintay ay nakatanaw lang ako sa bundok na nasa harap ko...napakaganda...

*prttttttt

Dinig kong pumito na ang scl namin kaya dali dali namang nagsi-punta ang mga kasama ko para sa formation. Yung iba naman halatang nagising lang dahil sa narinig at si zen naman ah dagliang nilagay ang toothbrush sa loob saka kami pumunta sa formation.

"Ayan kasi...naki late night talk pa e alam mo namang nasa camping ka" sabi ko sa kanya

"Sus edi maki tawagan ka din kay janny"

"A-anong janny? Janley yon" asik ko tumawa naman sya

Aga-aga nang aasar...

"Good morning scouts" bati sa amin ng scl

"Sir good morning sir" sabay sabay naming tugon

"Okay since maaga pa naman ay mag exercise muna tayo tapos saka tayo mag j-jogging" aniya saka pinatugtog ang sasayawin

Sumabay kami sa nasa unahan na pag gagayanan namin ng step. Yung iba ang animong inaantok pa at walang ganang gumalaw. Matapos non ay pina tugtog naman ang messengers of peace kaya sinabayan namin yung tugtog ng step niyon.

Hindi nagtagal ay natapos na ang exercise kaya nag handa naman ang lahat para sa jogging namin. Naunang tumakbo ang crew 1&2 sumunod naman kaming crew 3&4 and so on.

Yung ibang nahuhuli ay nagtutulakan pa kaya yung iba ay natutumba. Hahahah kalmado akong tumakbo kasabay si zen sa tabi ko habang tinatanaw ang haring araw na nakasilip. Napakaganda ng umaga marami pang bumabati saming scouts na nakakasalubong namin.

Pag balik namin sa area ay kumain na kami ng almusal saka nag handa para sa activities. Nag jacket ako para hindi ma expose ang balat ko sa init na dulot ng araw. Nagdala din ako ng bottled of water to stay hydrated. Ang phone ko naman ay nakalagay lang sa bulsa ng jacket ko. Hindi ako masyadong nagdala ng kung ano-ano pa dahil masyadong malayo daw ang lalakarin namin bago makarating sa ibat ibang station na dadaanan namin.

Habang naglalakad ay ramdam ko na ang init kahit maaga pa. Feeling ko tuloy pag uwi ko ay sunog na sunog ako. Hindi uso ang skincare kapag nasa camping dahil sadyang masasayang lang ang inilalagay sa muka. Sa dami ng scouts na dumadaan ay humahalo na din ang mga alikabok sa hangin. Grabiii naman puu

Madami kaming activities na dinalohan ngayng araw na ito. Madami rin akong natutunan. Syempre hindi mawawala ang enjoyment. Nag m-message si janley sakin paminsan pero hindi ko narereplyan. Nakakatamad magtype kapag ganitong mainit at may activities din kasi.

Hapon na ng matapos ang mga activities kaya nagpahinga na kami sa ilalim ng punong kahoy habang umiinom ng shake para naman maibsan ang init na nararamdaman.

"Grabe ang init" ani zen na nagpapay pay pa ng sarili at dinidikit ang malamig na shake sa muka

"Hindi malamig e" pamimilosopo ko

"Sarap din manabunot" sarkastikong aniya natawa naman ako

Habang nag eenjoy sa shake ay may biglang tumabi sakin...tsk

"Kumusta?" Bungad ni janley

"Humihinga pa din" kaswal kong tugon

Bahagya siyang natawa saka isinandal ang ulo sa balikat ko "init no?"

"Mainit na nga nakikisandal kapa....umayos ka nga" asik ko

Umalis naman sya agad saka tatawa tawang humarap sakin "itim mo na agad" aniya habang tini-tingnan ang kabuoan ng muka ko

"Magtaka at mainit" sarkastikong usal ko

"Huy tara jambo market" anyaya ni zen

Tinakpan ko naman ang tainga ko "pakiusap oh tukso layuan mo ako" sabi ko

"Hahahaha" dinig kong tawa ni janley pag alis ko ng takip sa tainga

"Ano ba zen maubos pa pera ko dun e" inis na asik ko "sige na nga" pero pumayag pa rin ako

Tatawa tawa silang sumunod sakin dahil nangunguna akong pumunta doon..

"Akala ko ayaw mo?" pang aasar ni zen

"Nagbago isip ko e" irap ko

The Love, Fire could give (scouting series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon