CHAPTER 8

12 2 0
                                    

Namili nanaman ako ng kung ano-anong makita ko sa jambo market. Ang sabi ko sa sarili ko kanina ay hindi lalampas sa dalawang-daan ang gagaatusin ko pero nauwi parin sa limang-daan... grr

Hinding hindi na talaga ako babalik sa jambo market na yon... I swear

Bumili kami ng badges ni zen maging ang ilang souvenirs na maiuuwi namin. Kumusta naman kaya yung dala ko pag uwi? Kakasya pa kaya lahat 'to?

Habang namimili kami kanina ay tawa ng tawa si janley dahil nang aasar na ang sabi ko daw ay hndi ako mamimili ng madami.tsk..

Palubog na ang araw ng makabalik kami kaya kumuha na kami agad ng damit at toiletries saka kami dumeretso sa bahay malapit doon para makiligo. Matapos doon ay bumalik na agad kami ni zen para kumain ng hapunan.

"Anong ulam?" Dinig kong tanong ni zen sa kasama namin habang nag aayos ako ng gamit ko sa tent

"Menudo daw e" aniya

Napangisi naman ako dahil naalala ko yung mga nakikita ko sa social media na ang kadalasang ulam daw ng scouts ay sardinas o kaya naman yung ibang uri ng de lata na ready to eat na. Hahaha akala nyo lang yon.. ang kadalasang ulam kasi namin ay karne at sa agahan naman ay walang sawang hotdog at itlog...wew

Matapos kumain ay nag si-alisan nanaman ang mga kasama namin para gumala o humanap ng majojowa tsk.. samantalang niyaya ko lang si zen na maupo sa ilalim ng puno para mag muni muni at magpahinga...

Hindi pa man kami nakakaupo ni zen at dumating na si janley..

"Wala ka bang magawa sa inyo? Lagi kang nandito e" bungad ko

"Ayaw mo ba?" nabigla siya sa sinabi ko

"Hindi naman curious lang ako" sabi ko saka naupo sa tabi ni zen na syang kausap nanaman ang jowa..

"Nandito ka e kaya nandito din ako" kindat niya

"Corny mo brad" tapik ko sa tabi ko para iparating na pwede siyang maupo roon.

Habang tumatagal ay lalo akong nagiging komportableng kasa kasama 'tong si janley. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa tuwing kasama namin siya. Siguro ay sadyang masaya lang ako o iba na ang ibig sabihin nito. Ngunit kung ano man iyon ay wala akong balak pigilan dahil hindi naman natuturuan ang nararamdaman. I'll just go with the flow.

"Picture ko kayo dali" bigla ay anj zen kaya napalingon kami sa kanya ng sabay na sya namang kinunan niya ng walang pasabi

"Ano ba" asik ko

"Ang cute nyo...bagay kayo" kinikilig na aniya

"Tao kami" inosente kunyaring pagtatama ko

"Hayop ayaw nyo?" Sarkastikong sabi ni zen saka bumalik sa pagiging busy

Tsk na bored lang saglit e..

Pagbaling ko sa tabi ko ay wala na si janley kaya wala sa sarili akong tumayo saka inilibot ang paningin para hanapin siya ngunit wala akong janley na nakita...

Nag aalala akong tumingin sa posibling puntahan niya sa paligid namin pero wala talaga... im-message ko na sana sya ng matanaw ko syang papalapit sa gawi naming may dala dalang bulaklak...

Bumilis ang pintig ng puso ko na para bang may hinahabol ako o tumatakbo ng ilang kilometro... saan nya naman nabili o nakuha yon?...agad na tanong ko sa isip ko...

Pagkalapit niya ay saka pa lamang iya iyon iniabot sa akin kaya tinanggap ko iyon ng may tipid na ngiti at pagtataka sa mga mata...

"Para....saan 'to?" Tanong ko pa saka inamoy iyon

Bangooo...I smelled so sweet...

"Baka....kasi....nanliligaw ako?" Patanong niyang usal saka tumawa

"Saan mo naman nabili 'to?" I asked

"Secret" kumindat siya

"Salamat" ang tanging nasabi ko matapos kong pagkatitigan ang bugkos ng pulang rosas

Ngumiti siya sa akin saka ginulo ang buhok ko...

The Love, Fire could give (scouting series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon