Papunta na ako ngayon sa tapat ng cultural center para sa aming NSJ or National Scout Jamboree. Kasama ko ang anim na scout mula sa aming paaralan at apat na daan naman mula sa aming council. Libo-libong scout ang makakasalamuha namin doon kaya sigurado akong magiging masaya ito..
"Kris excited na ako.. hahaha" tumawa ang buddy kong si Zen
"Buti pinayagan ka ng jowa mo" ngumiwi ako.. paulit-ulit kasi syang nag aalala bago pa ang araw na ito dahil daw sa boyfriend nya..tsk
"Duh wala syang magagawa no" aniya pa...iiling iling ko naman syang tinalikuran
Sumakay na kami sa bus papunta sa Botolan, Zambales kung saan gaganapin ang 17th National Scout Jamboree. Katabi ko si Zen sa bus syempre ako sa tabi ng bintana kaya sumimangot siya. Gusto kong makita ang mga tanawin papunta doon dahil first time ko ding makabyahe patungong Zambales. At dahil madaling araw palang ay nakatulog din kami sa byahe.
Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa balat ko. Pagtingin ko kay Zen ay kumakain na sya ng fries...
Taka ko syang tiningnan "san galing yan?" tanong ko
"Duh nag stop over tayo para makaihi yung iba hindi kita magising kaya ako nalang bumaba" gulat ko syang tiningnan
"Nag stop over kayo?" Tanong kong nakakunot pa ang noo
"Yes haha ble...tulog mantika kase" pang aasar pa nya
"At hindi mo ko idinamay ng ganyan?" patukoy ko sa binili niya
"May patago ka bang pera?" tinaasan niya ako ng kilay
"Babayaran naman kita ah"
"Scam" umirap siya
Inis kong tiningnan ang kinakain niya "pahingi"
Wala naman kaming naging problema dahil napilit ko naman siya. Habang nasa byahe ay tinatanaw ko lang ang mga tanawin doon. Napakagandang tanawin. Hindi nag tagal ay tanaw ko na ang malaking tarpaulin na may nakalagay na 17th NSJ kaya sigurado akong malapit na kami. Dinig ko na ang ingay ng mga kasama ko dahil ginigising na nila ang mga tulog..tsk
Sa hindi kalayuan ay tanaw ko na ang mga scout na nag aayos ng kani kanilang tent. Pagkakita ko palang sa lugar ay napakainit na paano pa kaya kapag nandoon na ako mismo at walang silong...
Tumigil ang bus hudyat na kailangan na naming bumaba kaya isa-isa kaming bumaba at agad ko namang naramdaman yung init sa lugar na iyon...
"Wooh hindi naman pala mainit dito no?" Sarkastikong sabi ni Zen
"Hindi nga" nakangiwing tugon ko
Isa isa na naming ibinaba ang mga gamit namin...mga nag lalakihang maleta na akala mo ay mag aabroad takot mag laba dahil walang sabon hahaha...
Pagdating namin ay okay na ang ginawang cr ng mga nauna sa amin.. dinig ko sa mga nauna rito ay malamig daw sa madaling araw...sana naman po.. dahil sobrang init talaga dito ngayon.
May roon kaming designated area per council kaya may space talaga na para sa amin doon. Pinag ayos kami ng aming mga tent para mailagay na namin doon ang aming mga dalang gamit para sa walong araw na Jamboree. Ang sabi sa amin ay mag share daw ng tent kung ilan man kaming kakasya para mag kasya kami sa binigay na area sa amin. Pero dahil siraulo tong si Zen kaming dalawa lang daw dapat sa tent namin para hindi masikip.
"Daming scouts haha...matapos natin dito punta tayong Jambo Market" ani Zen habang nag lalagay ako ng gamit ko
"Wala naman tayong activities ngayon diba? Bukas pa daw ang opening e" usal ko
"Oo nga kayanga tara diba?" Irap niya
Matapos naming mag ayos ay nag paalam kami oara pumunta sa Jambo Market dahil nawawala na rin yung iba namin kasama...nagkanya kanyang lakad narin..
Medyo malayo sa area namin ang jambo market kaya natagalan pa kami bago makarating doon.. dumaan pa kami sa parang pababa tapos paakyat ulit... at ang nakakainis pa isang apak mo lang umaangat na ang mga alikabok...
Napakadaming paninda doon.. nay souvenirs, t-shirts, tinapay, shake, key chains, at shawarma... mukang day 1 palang mauubos na pera ko dito ah.
Habang tumitingin doon ng mabibili ay may grupo ng lalaking tumigil sa harap namin kaya nagkatinginan kami ni Zen bago tumingin sa harapan..tatlo sila at... matatangkad
"Good morning" bati nung nasa gitna samin
"Good morning" bati din namin
"Council?" Patanong na usal ng nasa gitna
"Lipa City Council" tugon ni Zen "kayo?"
"Tarlac...Tarlac Council" sabi ng nasa gilid habang nakatingin sa mga mata ko..

BINABASA MO ANG
The Love, Fire could give (scouting series #1)
RandomTwo scouts from different council met on their NSJ. They greeted each other a good morning that night at the jambo market. Hans Kristle Veloria is a scout who's not fond of having any relationship. She's just simple lady scout who wants to join diff...