CHAPTER 3

19 3 0
                                    

Madilim na noong bumalik kami sa tent para kumuha ng damit... maliligo kami ni Zen ngayon doon sa bahay malapit sa campsite. Naglibot kami kani kanina lang at nakita nga naming maraming scout ang nakikiligo doon kaya napag pasyahan naming makiligo na rin.



Nagdala lang ako ng damit, toiletries at phone na may pera sa case...hahaha
Habang nasa daan papunta doon ay natawa si Zen kahit wala naman kaming napag usapang nakakatawa...



"Hoy umayos ka nga" suway ko


"May naisip hahaha kasi ako hahaha"


"Ano?" curious lang ako



"Hawakan mo m-mabuti hahaha underwear mo baka mahulog nasa daan pa naman tayo hahaha ang dami pang tao" tawang tawa talaga sya



Napaisip ako saka nakitawa sa kanya hahahaha napayakap din ako sa dala ko "kung mahulog man 'to lalampasan ko... tapos pag may nag tanong kung kanino...  ituturo kita" saka ako tumawa ng malakas pero umirap lang sya



Nakarating kami sa bahay doon at pumila dahil may mga nauna samin.. nakita ko ring bente pesos ang bayad para makaligo.



Umusad ang pila kaya ako na ang sumunod. Iniwan ko yung phone ko kay zen saka ako pumasok at naligo. Matapos ko ay sumunod si zen kaya naghintay muna ako doon. Habang naghihintay ay binuksan ko ang data ko para maka receive ng chats..



Janley: good morning


Iyon agad ang bumungad sakin...kaya binati ko din sya ng 'good morning' syempre.. wala naman kasi akong kachat puro gc lang tsk.


Janley: anong full name mo?


Nag chat nanaman...wala ba 'tong ginagawa?


Me: Hans Kristle Veloria


Tipid kong reply..


Janley: anong rank mo?


Nanaman....sa ml ba?


Me: Legend


Janley: ??


E saan??? Ah...


Me: wala


Janley: bakit?


Daming tanongg!

The Love, Fire could give (scouting series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon