Bumili ako ng 20 na key chain na may ukit na I love Zambales tapos sa likod ay inukit na pangalan ng mga pagbibigyan ko ng mga 'to bente isa kaya naka 400 agad ako.. bumili din kami ng t-shirt ni Zen na may 17th NSJ sa unahan at pangalan namin sa likod worth 200.. wooooahh 600 isang bagsakan lang..
"Dapat sa last day kayo namili...para mura ayan tuloy ang laki agad ng gastos nyo" ani SCL namin....
"Ikaw kasi" paninisi ko pa kay Zen
"Anong ako e ikaw naman nag desisyon nyan" pagdedepensa nya pa..
Inilagay na namin ang binili sa bag at saka kami lumabas para tumambay sa ilalim ng puno...
"Woooh init" usal ni Zen pag kaupo namin
"Tara shake" turo ko sa tindang shake sa kabilang kalsada.. malapit lang kasi sa kalsada ang area namin kaya kita namin ang mga dumadaan at mga paninda sa kabila niyon
Tumayo naman agad si Zen at tumawid na kami ng kalsada..
"Dalawang shake po yung worth 50 pesos" sabi ko sa magtitinda kaya naman inihanda na niya iyon..
"Grabe buti nalang malaki pinabaon sakin ni mom haha" ani zen habang naghihintay kami
"Oh sya libre mo ko" pang uuto ko pa sa kanya
"Duh mas malaki nga yata baon mo sakin"
"Hindi ah" tanggi ko pa
Kinuha na namin yung shake saka bumalik sa ilalim ng malaking puno at doon tumambay. Madami rin ang naki silong sa punong iyon dahil nga sa init.
"Kris! Sama kayo?" bigla ay sumulpot ang kasama naming si William
"San?" tanong ko
"Ilog" aniya
"Kayo nalang wag nyo na kami idamay" tugon ni zen kaya kamot ulong umalis sina william
"ayaw mo?" tanong ko
"baka gusto ko kaya nga hindi ako sumama e" sarkastikong tugon niya
"Ayaw ko rin" nakangiwing sabi ko
Nag papicture din sakin si Zen sa ibat ibang angulo kita ang mga bundok sa likod... habang nag pipicture ako sa kanya ay may lumapit na grupo ng mga scout..napatingin ako sa kanila at kung hindi ako nagkakamali ay sila yung nakausap namin sa Jambo market kanina..
"Malapit lang kayo dito?" Tanong nung nasa kanan
"Ah oo dyan lang" turo ko sa area namin
"Ah ganon ba? Ako nga pala si Gerald sya naman si Ramond" turo nya sa nasa kanan "at ito naman si Janley" turo niya sa nasa kaliwa
Isa-isa naming tinangap ang pakikipag kamay nila "Kris" usal ko at tumango tango naman sila..
"Im Zen and already Taken" ani Zen kaya tiningnan siya ng may panghihinayang nung nasa gitna
"Nako pare taken na daw pala" dinig kong pang aasar nung nasa kanan na si Ramond kaya siniko siya nung nasa gitna "e ikaw kris?" bigla ay baling nito sakin
"ah wala" naiilang na tugon ko
Pumitik ito saka tinapik tapik ang balikat nung nasa kaliwa na Janley daw ang pangalan "congrats" natatawang aniya
Pagtingin ko dun sa Janley ay deretso na syang nakatingin sakin..
"Pwede bang malaman yung facebook name mo?" bigla ay tanong niya
Napatingin pa muna ako kay Zen na tiningnan naman akong may nakakalokong tingin saka ulit ako bumaling dun sa Janley "Kristle Veloria" tugon ko saka tipid na ngumiti sa kanya
"Mauuna na kami Zen at Kris" ani ramond saka hinila yung dalawang kasama...
Nakahinga ako ng maluwag nung makita ko na silang maglakad papalayo sa amin...
"Yieee bet ka nung janley" kinikilig na sabi ni Zen
"Wala akong panahon para sa kanya" iyon nalang ang sinabi ko
"Oh game na dito naman" aniyang nagpapakuha nanaman ng litrato sakin..
Matapos ko syang kuhanan ng litrato ay nagpahinga na ulit kami doon. Maya maya pa ay narinig ko ng tumunog ang phone ko..
'Janley Torres sent you a friend request'
Tiningnan ko pa ng mabuti iyon para kumpirmahin kung tama yung nabasa ko at hindi nga ako nagkakamali... sya nga yung nag tanong sakin kanina. In-accept ko naman iyon dahil baka gusto lang talagang makipagkaibigan...brotherhood

BINABASA MO ANG
The Love, Fire could give (scouting series #1)
RastgeleTwo scouts from different council met on their NSJ. They greeted each other a good morning that night at the jambo market. Hans Kristle Veloria is a scout who's not fond of having any relationship. She's just simple lady scout who wants to join diff...