Madilim na noong bumalik kami sa kani kanilang area bawat council dahil gabi na ng matapos ang grand opening. Naghapunan kami ng council namin dahil bukas ang simula ng mga activities kaya kailangan naming mag pahinga pero dahil sa kagustohang makagala kahit gabi na ay nagkanya kanyang lakad nanaman ang mga kasama namin. Hinubad na din namin ang pantaas na type A saka kami nag lakad lakad.
Janley: nasa labas ka?
Me: oo
Ibinulsa ko na ang phone ko pagkatapos niyon dahil nag aya na si zen na mag shawarma..
Habang nasa daan ay may humila sa akin paatras kaya napairit ako at gulat naman akong nilingon ni zen.
"Ano ba" inis sa tapik ko kay Janley
"Sorry hahaha" aniyang natatawa pa "magsha shawarma pala hindi nag aaya"
"Biglaan e" tugon ko "libre mo ko" biro ko at nilibre nga niya ako...
"Here" abot niya sa akin
"Biro lang e bayaran kita wait--"
"Wag na haha" naupo lang kami doon habang kumakain.. bahagya namang lumayo si zen sa amin dahil katawagan niya ang kanyang ibig... "thank you" bigla ay aniya
Taka akong tumingin sa kanya habang ngumunguya saka nilunok iyon bago nag salita "for what?"
Ngumiti siya sa kawalan "for allowing me" saka niya ako sinulyapan
"Ah that, just prove to me that it'll be worth it" I smiled
He laugh a bit "two years ago simula noong lokohin ako ng babaeng mahal ko" bigla ay kwento niya
"Two years? So maaga kang lumandi?" Inosente kunyaring tanong ko
"I dont know what do we call that thing way back" bahagya syang natawa "she used me" malungkot niyang ani kaya nag alala ako sa hindi malamang dahilan
Teka mahal pa ba nya yon?
Trip lang ba nya 'to? Opxs..it really hurts"You can't forget about her right?" Mapait kong tanong kaya napalingon agad sya sakin
"The things she did" pagtatama nya "How about you?" bigla ay tanong niya
"Me? Well I don't have any relationship before" I honestly said
"Really?" Tumango naman ako "so ako pala ang una?" proud na aniya "if ever lang naman ah"
"I'm not afraid to be hurt...Im afraid of being fooled" usal ko na tumingin pa sa nga mata nya "if ever lang din ah" I laugh
"Pano kapag nag work tayo?" He asked after the long silence
"Edi may sahod" I casually said
"Corny mo no?"
"Bakit ako?" Tanong ko at taka nya naman akong tiningnan "bakit ako ang napili mo?"
"Hindi kita pinili kris...dahil wala akong ibang pinagpilian" pagtatama nya
"I mean bakit ako ang napili mong ligawa--"
"Because I like you" putol niya sa sasabihin ko
Natahimik ako bigla sa narinig ko...
Gusto mo nga ba talaga ako?
Nagkwento lang sya ng mga kalokohan nila sa tuwing may camp at ganoon din ako para maibsan ang katahimikan. Habang tumatagal ay nagiging komportable ako sa kanya pero hindi ko magawang masanay...dahil alam kong hindi lahat nagtatagal.
My dad told me to be careful in everything...to think the possibility before doing something.
Bago pa lumalim ang gabi ay nag paalam na kami para bumalik sa tent at para narin makapagpahinga dahil may activities na bukas. Kailangan namin ng energy. Panigurado kasing maagang pipito ang scl namin para sa formation bago mag proceed sa jogging. Tsk
"Good night kris...bye zen" kumaway si Janley samin pagkahatid sa area namin
"Ehem forever na this" bulong ni zen saka ako tinusok tusok sa tagiliran
"Ano ba" tapik ko sa kamay niya
"Im happy for you buddyyyy" animong nag iimagine pa sya dahil nakatingin siya sa kawalan ng kinikilig
Naglakad nalang ako papunta sa tent namin at iniwan siya doon mag isa..
"Hoy saglit" paghabol niya
Pagkapasok ko sa tent ay nagpalit na ako ng jogging pants dahil paniguradong hindi na kami makakaligo bukas pag gising at para deretso na sa formation pag gising..ew
Inayos ko ang unan at comforter kong pag camp talaga. Humiga ako at saka nag charge ng phone sa power bank na dala ko. Si zen naman ay busy sa katawagan. Tsk sumama nalang dapat yung jowa nito e...
Hindi nag tagal ay nakatulog na ako...
Zzzzz
BINABASA MO ANG
The Love, Fire could give (scouting series #1)
RandomTwo scouts from different council met on their NSJ. They greeted each other a good morning that night at the jambo market. Hans Kristle Veloria is a scout who's not fond of having any relationship. She's just simple lady scout who wants to join diff...