Ganoon din kaya ang nangyari sa amin kaya kami humantong sa ganoon? Kaya ba nya nagawa iyon dahil ganoon nga ang kanyang intensyon?...ang saktan ako dahil iyon ang kanyang gusto? o ang saktan ako dahil iyon ang paraan niya ng pag-ganti sa lahat ng nagawa ko...
Hindi ko alam kung ano ba talaga yung nangyari mula sa nakaraan at ganoon nalang ang ginawa niya. Kung may hihilingin man ako ngayong pasko...iyon ay sana bumalik na ang mga ala-ala ko. Dahil gusto kong maintindihan ang lahat. Gusto kong malaman ang mga dahilan niya sa kabila ng sakit na idinulot niya sa akin. Gusto kong malaman kung sapat bang dahilan iyon para saktan niya ako ng ganoon.
Natigil ang pag iisip ko ng pitikin ako sa noo ni deny "Huy!...my gosh Hans kanina pa kita tinatawag...tulala?"
"Ah-h.. let's go" tanging naitugon ko saka sumunod sa kanya pababa.
Nakatingin lang ako sa bawat hakbang ko napapa-isip pa rin sa mga sinabi ni deny pero natinag ako ng kulbitin niya ako kaya walang emosyon akong tumingin sa kanya. Pero nanlalaki ang mata nyang tumingin sakin at nginunguso ang nasa gawi ng sala.
"Oo alam kong nandyan na ang bisita...manahimik ka nga tara na" bulong ko dahil tatlong hakbang nalang ay nasa baba na kami pero kinulbit niya ako at nanlalaki ang mata't ilong na siyang tumingin sakin.
"Ano ba yun?" inis na bulong ko pero inginuso lang nya ang sala kaya napa-buntong hininga ako saka dahan-dahang tumingin doon.
"Oo na nga..nandyaan na yung bisita" baling ko ulit sa kanya pero umirap lang sya at nag pa-unang tumuloy sa pag baba.
"Good evening---" naputol ang pag bati ko ng makita ko...ulit...sa sarili naming tahanan ang taong hindi ko inaasahang makita pang muli. Taong nag bigay ng sakit sa akin. Taong sumayang ng tiwala ko. Taong dumurog sa akin sa ganoong ikli ng panahon.
Inilibot ko ang tingin sa mga naroon, kaswal na naka ngiti ang iba ngunit si mommy ay may nag aalalang tingin habang si deny naman ay naka iwas ng tingin saka ko muling tinignan ang taong hindi ko man lang naisip na makita ngayong gabi. Nakatitig siya sa akin at nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay umiwas din siya.
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Hindi ko alam kung ano ang ikikilos ko. Hindi ko alam kung lalapit ba ako, o lalayo nalang dahil iyon ang kanyang gusto. Hindi ko alam...hindi ko makakaya. Gusto ko na syang kalimutan, gusto ko nang matapos ang sakit na pakiramdam tulad nito. Gusto ko nang umalis. Gusto ko nang mag laho. Ayoko na syang makita....ayoko na pero hindi pa nasasagot ang mga katanungang matagal ko ng gustong itanong...
Ano nga ba tayo noon?
Bigla nalang nila akong tinignan ng may nag-aalalang tingin dahil hindi ko na pala napansing tumulo na ang luha ko....at patuloy pa itong umagos hanggang sa punasan ko ito saka sila tinalikuran papunta sa kwarto ko.
"Hans anak---" dinig kong habol ni mom pero binilisan ko lang ang pag akyat ko hanggang sa makarating ako. Isinubsob ko ang sariling muka sa unan at nakadapang umiyak.
At sa oras na ito...ramdam ko na ang pagod, ramdam ko na ang sakit, ramdam ko na ang mga luha kong tuloy-tuloy lang ang agos....sa oras na ito.. suko na ako.
"Ayoko na..." bulong ko kasabay ng pag hagulhol "pagod na pagod na ako" pasigaw na pag iyak ko pa saka hingal na hingal na tumuloy sa pag iyak...
Pero hindi pa man nag iinit ang katawan ko sa pag kakadapa ay ramdam ko ang pag pasok ng kung sino man...
Hindi ako nag abalang lumingon dahil alam kong si deny lang yon. Alam naman niya siguro kung bakit ako nag kakaganito kaya hindi ko na kailangang mag salita pa para malaman niya. Alam kong tatabihan lang niya ako para iparamdam sa aking nandito lang siya palagi para sa akin.
Pero halos manigas ako sa kama ko ng mag salita ang taong pumasok sa kwarto ko.
"let's stalk....I'll make it clear" napatigil ako ng marinig ko ang boses niya...sa mismong kwarto ko pa.
Hindi ko alam kung nagawa nya pang sundan ang taong aniyang nanakit at nag loko sa kanya. Ang taong pinaglaruan lang nya, at ang taong yon...ay walang iba kung hindi ako. Ako na hindi na kayang saluhin lahat ng pasakit sa mundo. Tao lang din naman ako, napapagod....at marunong sumuko.

BINABASA MO ANG
The Love, Fire could give (scouting series #1)
AcakTwo scouts from different council met on their NSJ. They greeted each other a good morning that night at the jambo market. Hans Kristle Veloria is a scout who's not fond of having any relationship. She's just simple lady scout who wants to join diff...