CHAPTER 17

9 1 0
                                    

Matapos kumain ay umakyat na ulit ako sa kwarto dahil gusto kong mapag-isa. Ayoko ng ingay, mga taong nasa pagilid ko... gusto ko lang ng tahimik at mapag-isa.

Gusto kong bigyan ng oras ang sarili ko. Iisipin ko narin kung ano ba ang pag kukulang na meron ako. Baka sakaling iyon ang naging dahilan kung bakit niya ako ginanon, kung bakit niya ginawq iyon. Nakakatakot ng ma attach ulit. At sa puntong ito...ayoko na.

Nag deactivated ako ng accounts ko sa social media. Pinatay ko na din ako phone ko para wala na akong masagap na kung ano-ano pa tungkol sa kanya. Masyado akobg nasaktan slash nadurog dahil sa ginawa niya.

Hindi ako naging sapat... talo tayo mga pre..

Nakahiga lang ako sa mag hapon at bumababa lang para kumain tapos higa na ulit at iisipin ang pagkukulang ko sa mga taong nasa paligid ko, dahil baka sakaling iwan din nila ako tulad ng ginawa ng taong minahal ko ng buo.

Hindi madaling mag move on oo! Dahil sa bawat minuto at oras ng pag iisip ko ay natatapos lang iyon sa mga salitang binitawan niya sakin mismo. Sa lahat ng galaw ko ay siya ang naaalala ko. Mabuti pa yung sakit ay naaalala ko pa. Pero yung nakaraang tinutukoy niya ay hindi ko magawang maalala.

"Anak..." katok ni mom sa pinto ng kwarto ko "can I come in?"

Bumuntong hininga ako saka iyon binuksan... "bakit po?" I asked her

"You can cry on my shoulders" she insisted "you can tell me everything, to lessen the pain you're feeling" malungkot na aniya

At sa pag kakataong ito...hindi ko na naman napigilang maluha "I love him mom, but he hurt me this much"

"Its very hard to deal with our life anak... isama na natin ang mga taong nakapaligid sa atin. Ang kailangan lang natin ay maging matatag sa lahat ng pag subok anak" malambing na aniya

"I can't help but cry and cry mom...may kulang po ba sakin? Dahil po ba nawalan ako ng ala- ala? Bakit po ba nangyayari 'to mom?" I cried

"Walang kulang sayo anak, lets just say na hindi lang tayo naging enough sa mga taong nanakit satin? Or maybe nasasaktan din natin sila. Hindi ibig sabihin na pinag pustahan ka ay ginusto niya talaga iyon or maybe iyon talaga ang intensyon niya. Pero anak hindi mo masisisi ang tao kung bakit nila tayo nasasaktan kung ang tanging gusto lang nila ay gumanti. Dahil nasaktan din natin sila, people must prefer to make us feel the pain they're feeling para gumaan naman ang pakiramdam nila which is mali. Pero anak may kanya-kanya tayong perceptions sa buhay." Mahabang usal ni mom

"Pero mom...wala po akong maalala, bakit ako ang sinisisi niya?"

"We told you before na naaksidente ka years ago, pero hindi namin nasasabi yung dahilan kung bakit ka naaksidente dahil baka makasama sayo. But now that you have so many questions coming from your mind kung saan ka nalilito sa mga pangyayari...maybe this is the right time?" Saka siya bumuntong hininga at naluluhang tumingin sa mga mata ko "naaksidente ka at nasaktan years ago bacause of the same person" iyon palang ang nasasabi niya ay bumibilis na ang tibok ng puso ko sa kaba at sa kagustuhang malaman kung bakit...

"What happened to me way back then?" I asked out of curiosity

Saka ulit siya bumuntong hininga "gusto mo syang puntahan noong mga oras na iyon...at sa hindi inaasahang pangyayari ay nabangga ang sinasakyan mong tricycle papunta sa terminal at ng dahil sa aksidenteng iyon ay nawalan ka ng ala-ala. He used to contact me...asking about you since you're not responding to his messages and phone calls. I didn't tell him about your condition that time since hindi mo siya pwedeng makita dahil baka kung ano ang magiging reaction niya sa oras na iyon at mag taka ka dahil hindi mo nga sya kilala. We're afraid of what might happen to you thats why we decided to hid everything about what happened." Mommy cried "Im sorry anak"

Tulala parin ako sa mga nalaman ko. Hindi ako nakaramdam ng sakit ng ulo mula rito pero nalilito parin ako. "P-pero mom saang parte ko siya niloko?"

"Yan ang hindi ko alam. Wala kang naging karelasyon simula ng mawalan ka ng ala-ala anak at ngayon lang pero sya parin naman." aniya habang nagpupunas ng luha

"Hindi ko sya maintindihan mom" I cried

"Shhhh it was an accident" pam palubag-loob niya...

The Love, Fire could give (scouting series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon