DENYHEIL'S POV
Tanaw ko sina tita at tito na kausap ang doctor mula sa tapat ng isang kwarto na sigurado akong opisina ng doctor dahil wala pa ako sa floor kung saan naroon si hans. Bahagya akong lumapit dahil mukang seryoso ang pinag uusapan nila. Kita ko rin ang luha sa mga mata ni tita kaya lalo pa akong nagtaka....
"brain cancer can be cured Mrs. but the tumor grows quikly, is likely to spread into nearby tissues, and the tumor cells look very different from normal cells. Malignant meningioma or stage 3 brain cancer have a median survival of less than 2 years. The median progression-free survival I approximately 12.8 months with chemotherapy alone as what I've said earlier." Parang nai-glue ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang sinabi ng doctor, hindi ko alam kung iiyak ba ako o tatakbo kay hans. Ngunit kusang tumulo ang mga luha ko ng sunod-sunod.
"hanggang kailan mabubuhay ang anak ko!" humahagulgol na sigaw ni tita "hanggang kailan ko pa makakasama ang anak ko...!" kita ko ang panghihina ni tita at si tito naman ay umiiyak na inalalayan siya, napasandal ako sa pader para suportahan ang sarili upang maiwasang bumagsak mula sa panghihina
Dahan-dahan akong lumapit sa kanila saka unti-unting lumuhod "pakiusap...gawin nyo po ang lahat, iligtas niyo po ang pinsan ko....iligtas nyo po si hans" hirap na huminga akong nakiusap sa doktor
"dens anak..." nag aalalang tinig ni mom habang inaalalayan akong tumayo "whats happening" nag aalalang tanong nito kay tita saka niya ito niyakap ng nagging malinaw na sa kanya ang pag iyak ni tita
Kita ko ang pag iyak ni tito at saka nakatakip ang mukang tumalikod samin at doon umiyak habang naka kawak ang isang kamay sa pader. Batid kong alam na din ni mom ang nangyari dahil umiyak narin ito habang kayakap si tita. May sinabi pa ang doktor sa mga ito bago ito umalis para bigyan kami ng oras.
"mabuti pa siguro kung sa kwarto nalang natin pag usapan ito" ani daddy kahit hindi naman kami nag uusap sa halip ay umiiyak saka nila inalalayan ni tito sina tita at mom. Nakasunod lang ako sa kanila hanggang sa makarating kami sa kwarto ni hans.
Kita ko ang pagtataka ni hans ng makita nito ang mga luha sa mga mata naming kakapasok lamang sa kwarto niya. "why are you guys crying" nagtatakang tanong niya pero lalo lamang tumindi ang pag iyak ng mommy kasabay ng pag yakap nito sa anak.... "please be honest with me mom" nag aalalang tinig ni hans
Kita ko ang pag higpit ng yakap ni tita sa anak saka humagulgol sa balikat nito "bakit ikaw pa anak,.... bakit hindi nalang ako..." bumubuhos lang ang luha ni tita na parang malakas na ulan na may kasamang bagyo. Nilapitan naman ito ni tito para alalayan at para mayakap narin ang panganay na anak.
Hindi ko kayang makinig sa sasabihin ni tita kay hans tungkol sa sakit nito kaya pinili ko nalang lumabas ng kwarto at doon umiyak ng umiyak. Sumandal ako sa pader hangang sa dumaos-dos na ako sa panghihina. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag nawala si hans. Siya lang ang meron ako, sya lang ang kakampi ko.

BINABASA MO ANG
The Love, Fire could give (scouting series #1)
De TodoTwo scouts from different council met on their NSJ. They greeted each other a good morning that night at the jambo market. Hans Kristle Veloria is a scout who's not fond of having any relationship. She's just simple lady scout who wants to join diff...