CHAPTER TWO

228 24 2
                                    

AIDEN LASTISMOSA ━━━━━━━━━━━━━━━━━

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

AIDEN LASTISMOSA
━━━━━━━━━━━━━━━━━

"Alam mo, ayoko na talaga mag-aral. Gusto ko nalang maging halaman at magphotosynthesis nalang jan sa tabi-tabi. Bakit ang unfair ng mundo? Kayo, hindi man lang tinanong ng todo-todo, samantalang ako? di siya naubusan ng tanong? Naging sibuyas ako eh, gisang-gisa. Punyetang buhay na 'to." Himutok ni Quinn sa tabi ko habang nakapila kaming bumibili ng pagkain sa cafeteria. Hindi ko parin kasi talaga makalimutan kung paano siya gisahin na parang sibuyas ni Dr. Montreal habang nagppresent ito ng case sa harap niya. Natyempuhan pa kamo na specialty ni Dr. Montreal yung case na napunta sakanya, kaya babad na babad sa tanong. Sobrang grabe nga ang pagpipigil namin ng tawa lalo na sa tuwing lumilingon-lingon pa ito saamin para humingi ng tulong.

"Tumigil ka na nga jan, bumawi nalang tayo sa susunod na Practical ulit. Malay mo, may masagot ka sa mga tanong niya kapag pinag-observe tayo sa isa sa mga surgery niya." Nginitian ko nalang to kahit na nakikita ko parin kung paano ito sumimangot at irapan halos lahat ng bagay na nasa harapan niya. Napailing nalang ako at napatawa sa inaakto niya, ilang taon na itong kaibigan ko pero kung umakto akala mo 4 years old na inagawan ng laruan. Kumamot ito sa ulo niya at tumingin parin ito saakin ng matalim.

"Anong makakasagot? Ikaw nga lang yata yung nakakasagot sa mga tanong niyan tuwing nasa Surgery Room tayo. Bida bida ka kasi. Alam mo na ang lahat, bakit ka pa nag-aaral?" Pati ba naman ako inirapan nito. Napatawa at napailing nalang ako sa inakto niya, pagkatapos rin naman nito kumakain ay gagaan narin naman ang mood nito. Hindi nalang din ako nagsalita at siniko ko nalang siya para kumuha na ng pagkain niya para makapagbayad na kami.

Naghanap-hanap kami ng mauupuan dito sa cafeteria sa University namin. Maluwag naman ito, maraming long tables pero mostly kasi dito natambay din yung ibang surgeon na kakagaling lang sa surgery nila para magpahinga, magkape-kape, at pag-usapan ang pinakakinaiirita nilang co-surgeon sa buong Hospital na 'to. Pag nasa cafeteria ka kaya ay medyo marami-rami kng maririnig lalo na kung matalas ang pandinig mo. Buti nga rin at konektado lang ang University namin sa Hospital, kaya kapag may rounds or kailangan pumunta agad dito, mabilis kaming nakakapunta at hindi na kailangan sumakay ng kung ano-ano para lang makarating.

"Narinig ko nga din pala na baka siya na yung i-appoint na Chief of Resident eh." Napalingon naman ako kay Quinn ng magsalita siya, na-sense ko naman na medyo gumaan na ang mood niya pagkatapos niyang sumubo ng ilan sa pagkain niya. Oo nga pala, malapit na ulit mag-assign ng magiging Chief of Resident. Mga 2 months from now siguro? Siya na rin ang maghahandle sa mga surgeons na nasa residency na ngayon.

Napaisip rin ako, syempre sino pa bang fit doon sa role na iyon kundi siya, diba? Nag-graduate pa nga ito ng Medical School sa ibang bansa at nakakuha pa nga ito ng Latin Honors dun, kaya hindi pagkakaila na hasang-hasa na yung skills niya doon. Bumalik lang naman siya rito para patakbuhin itong Hospital nila eh. Malaking sagabal lang talaga siguro sa posisyon niya ay yung ugali niya. Kung tutuusin naman hindi ko pa naman alam talaga ang ugali nito since hindi ko pa naman siya nakakasama ng matagal o nakakausap ng matagal. Nagkakaroon lang naman kami ng "idea" dahil sa mga kwento-kwento ng iba't-ibang estudyante dito sa University. Don't judge a book by its cover ang sabi nga ng karamihan, pero hindi mo naman mapipigilan iyon diba?

Warm Cups, Warm Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon