AIDEN LASTIMOSA
━━━━━━━━━━━━━━━━━Nasa huli talaga ang pagsisisi. Kasi sa mga oras na ito, nagccontemplate na talaga ako kung bakit pumayag ako sa deal na in-offer ni Dallas. Gusto ko rin siyang sapakin dahil hindi ko alam kung bakit nagpumilit siya na magtimpla ng maiinom para sa bisita namin ngayon sa bahay na dapat ako ang gumagawa. Nananadya din pala ang lalaking ito. Actually, hindi lang siya basta bisita. Kasi nanay ni Dallas ngayon ang nandito sa harapan ko at tinitignan ako ng masinsinan. Hindi ko naman alam ang gagawin ko, kaya naman nanatiling tahimik at walang imik nalang ako. Pinaglalaruan ko lang ang mga daliri ko at hindi ko magawang tignan ito sa mga mata.
"Napakatagal Dallas, magtitimpla na nga lang aabutin pa yata kinabukasan kakahalo niya ng kakahalo" Yan ang paulit-ulit na sinasabi ng isipan ko ngayon. Talagang nanadya pa siya na bagalan ang paghahanda ng pagkain, bakit parang laglagan yata dito? Imbes na siya ngayon ang humarap sa nanay niya aba, naging alay yata ako ng wala sa oras.
Mukhang mala-nanay kasi ni Dao Ming Si ang datingan ng aura nito, mamaya mapahugot ito ng linyang "bibigyan kita ng dalawang milyon layuan mo lang ang anak ko." Well, in the first place naman po yung anak niyo ang lumapit saakin. Iyan nalang siguro ang ma-rerebutt ko once na sabihan talaga ako ng mga katagang iyan.
Natigil lang ang mga katangahan na bumabalot sa utak ko ng marinig ko ang papalapit na yapak ni Dallas kaya naman nakahinga na ako ng maluwag. Nakita ko ito na may hawak-hawak na tray ng juice pati narin ang tatlong sandwich na ginawa niya para saamin. Binaba na niya ito sa center table saka umupo na sa tabi ko. Sinilid niya ang kamay niya sa kamay ko kaya medyo napalaki ang mata ko pero hindi ko nalang pinahalata iyon at binigyan nalang ito ng isang diin. Hindi naman nakawala ang maliit na gesture na ito sa paningin ng nanay ni Dallas kaya naman inabot niya muna ang juice na tinimpla nito saka ito nagsalita.
"Dallas Ford Montreal, as I have said awhile ago. What is going on here?" Kahit na kalmado ang pagkakatanong ng nanay ngayon ni Dallas ay hindi ko parin mapigilan na kabahan lalo na tuwing tinitignan-tignan ako nito saglit. Dahil nga hindi ko alam ang gagawin ko, pinipigilan ko nalang na hindi maiyak sa harapan ngayon nilang dalawa. Magmumukha lang akong tanga kapag ginawa ko iyon kaya naman pinipisil-pisil ko nalang ang kamay ni Dallas para pagaanin kahit papaano ang loob ko. Medyo naramdaman niya naman ang pagiging ilang ko sa sitwasyon na ito kaya naman sinuklian niya rin ng diin ang kamay ko.
"I should be the one asking you a question, Ma. What are you doing here?" Nagulat naman ang nanay nito sa tanong niya kaya naman medyo hinigit ko ang kamay nito at pinanlakihan siya ng mata sa inaakto niya. Mamaya mas lalong magalit ang nanay nito at kung ano pa ang gawin saaming dalawa. Mas mahihirapan kaming magkunwari nito at mapaniwala sa facade na pinapakita naming dalawa ni Dallas ngayon. Hindi ito pinansin ni Dallas at patuloy parin na nakikipag-titigan sa nanay nito.
"Anak, I'm just worried about you. You rarely attend the family gatherings and dinner lately. Simula noong nag-away kayo ng Dad mo about the settling down issue. Alam mo naman na gusto ka lang namin maging masaya. We want the best for you, ayaw ka naming tumanda mag-isa. And lately, your kuya, stated na may mga naririnig daw siyang rumors about you, na you're finally dating someone sa University na. That's why I came here to check on you and to be very honest, I am quite surprised right now and happy at the same time, I'm just really frustrated kung bakit kailangan pa namin itong malaman as a rumor at hindi galing sa bibig mo. Alam mo naman na we are not against you being in a relationship lalo na't you're in the right age to settle down, and have kids na as well"
Napaubo naman ako sa iniinom kong juice ng sinabi niya ang katagang "have kids", yung totoo? Gagawin ba talaga namin iyon? Jusko, parang gusto ko nalang iwan si Dallas ngayon sa inuupuan niya at muling balikan ang dating buhay ko bago ko siya makilala. Naramdaman ko din naman kung paano biglang nagbago ang mood ngayon, yung kaninang grabeng tensyon na namamagitan ngayon saaming tatlo ay bigla nalang nawala. O sadyang wala naman talagang tensyon at ako lang talaga ang nakakaisip nun being in this situation right now. Sobra na talaga ang pag-ooverthink ko.

BINABASA MO ANG
Warm Cups, Warm Hearts
RomanceMontreal Doctors Series #1 : Dallas Montreal Aiden, a part-time barista and a medical student, clearly has only one goal in life. Become a Pediatric Surgeon and enhance his skills in the States. But those plans took quite a turn when Dallas, a resi...