CHAPTER TWENTY

63 8 6
                                    

AIDEN LASTIMOSA
━━━━━━━━━━━━━━━━━
Trigger Warning. Read at Your Own Risk.

The following Honeymoon days with Dallas were wonderful to say the least. Although we're still navigating kung paano ba hindi magkabuhol-buhol ang katawan namin tuwing gigising ng umaga. Huwag kayong bastos, hindi iyan ang iniisip nyo ang tinutukoy ko. I didn't know that he was a cuddler, oftentimes when we wake up I just find myself all bundled up in his arms. I definitely panicked the first day, and the whole day became so much awkward I don't even know how to explain it.

Pero hindi ko alam, nung tumagal nasanay nalang hanggang sa ako na ang naging little spoon sa pagtulog and he became my human sized pillow. Mind you, para akong may personal heater when I'm up close sakanya. Hindi ko alam kung bakit sobrang taas ng temperature ng katawan nya.

He's definitely a head turner din. Sa ilang araw palang namin na nandito, ilang babae't lalaki na ang tumitig sakanya ng matagal (clearly checking him out) pero parang wala lang sakanya at hindi niya pinapansin. Sa mga malalakas na loob na lumlapit sakanya, he will just wave his left hand kung saan nakasuot ang wedding band naming dalawa. I have no problem whatsoever kung may matipuhan man si Dallas sa trip namin ngayon kasi clearly, I'm just here just for show and who he's with is none of my business.

Well, medyo may business ako. Kasi jealousy is an ugly feeling. Naconfirm ko na nga na eto ang nararamdaman ko noong nakilala ko si Iliyan and I didn't like the experience. Mas mahirap din magselos lalo na sa taong hindi naman sa iyo.

"Anong hindi naman saiyo, eh asawa mo na nga eh." Kung yan man ang iniisip niyo, sa papel lang.

Last night na namin sa napakagandang lugar na ito bago ko balikan ang pag-aaral nanaman ulit, kaya paniguradong susulitin ko na ulit ito. Bukas ng umaga ang flight namin uli pabalik ni Dallas at for sure, kailangan pa namin magimpake ng damit pati narin ng mga souvenirs na nabili namin sa ilang araw namin na nandito.

Bakit nga ba napakadami? Ewan ko ba dito, sa kada hahawakan ko yata na gamit na nacucute-an o nagagandahan ako ay magugulat nalang ako na nabili na pala niya na walang pasabi. Ang ending? Halos nasa iisang bagahe yung dami ng pasalubong namin na iuuwi sa pamilya. Mukhang magkaka-excess baggage pa yata kami eh balita ko na mahal daw ang bayad nun?

Hay nako talaga Dallas.

We went for dinner lang at naglakad lakad muna saglit malapit sa shore. I was making sure I took all of this scenery and memory by heart na alam kong babaunin ko kahit man ilang taon na ang lumipas.

"Aiden, you want me to grab some drinks while you wait here muna?" Napatigil ako sa pagmumuni-muni ko ng biglang magsalita si Dallas sa tabi ko.

"Sige lang Dallas, kahit ano nalang ang sa akin. Hintayin nalang kita sa may mga maliliit na upuan doon." Ngumiti ito at ginulo pa ang buhok ko saglit. Yan din ang nadiscover ko na habit nya simula noong magkasama kami ng ilang araw, ang paglalaro sa buhok ko.

Hirap na, medyo naging conscious pa ako sa kung anong shampoo at conditioner ang gagamitin para lang mapanatiling mabango at malinis ito. Mamaya nyan kada hawak ni Dallas ay mabaho at madumi pala nakakahiya naman.

Umalis na ito at sinundan ko muna saglit ng tingin kung saang stall sya pumunta saka ako lumakad papunta sa maliliit na upuan malapit sa dagat. Dito pwede kang mag-dip ng paa mo kung ayaw mo na magtampisaw sa dagat. Sakto lang din dahil gabi na at baka sipunin pa ako kung mag-sswimming pa ako.

Warm Cups, Warm Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon