CHAPTER FIFTEEN

126 14 8
                                    

AIDEN LASTIMOSA
━━━━━━━━━━━━━━━━━

"Nako apo, ano ba ang nangyari at bakit naging ganito?" Hindi na ako mapakali sa kinalalagyan ko ng mga oras na ito matapos kong sabihin kay Lola kung ano ba talaga ang naging kabayaran kung bakit na-operahan na siya ngayon. Kung bakit may bagong puso na, na pumipintig para sakanya.

"Hindi La, kasi ganito. Diba nagttrabaho ako ng part-time jan sa coffee shop malapit sa University. Pangako, dun dapat ako aasa para makapag-ipon pampa-opera sainyo. Pero si Dallas kasi, isa siya sa mga anak ng may-ari netong Ospital pati narin yung University na pinag-aaralan ko. He made an offer, na babayaran niya yung surgery mo in exchange na kailangan ko siyang pakasalan for his Chief Resident position. And I genuinely thought na it's a good deal. We can both benefit from it and mas mapapabilis ang pagpapa-opera saiyo. That's why hindi na ako nakatanggi during that time." Hindi ko na maiwasan na mapatungo habang sinasabi sakanya kung ano ba talaga ang nangyari. Hindi ko alam kung ano mukha ko pa ang ihaharap sakanya ngayon, sobrang nakakahiya man ang nangyayari ngayon. Pero wala na akong magagawa, nangyari na. Ang kaya ko nalang gawin ngayon ay tanggapin ang kung ano ang mangyayari sa hinaharap.

"Jusko apo, bakit mo naman binigay ang sarili mo para lamang sa akin. Hindi naman pupwede na sirain ko ang buhay mo dahil lang sa simpleng pagpapa-opera na ito. Maaari ko bang kausapin si Dallas tungkol dito? Mapaki-usapan ko lamang siya na baka huwag ng ituloy ito?" Mabilis akong napailing sa sinabi nito. Kahit ano man na ang mangyari ngayon, hindi ko na puwedeng baliin ang pinangako ko kay Dallas. Masyado namang unfair sakanya na dahil napa-operahan ko na ang Lola ko at nakuha ko na ang gusto ko ay iiwan ko na ito sa ere.

"La, wag po kayong mag-alala. Matapos naman ng isang taon maghihiwalay na kaming dalawa, pangako iyan. Pinag-usapan namin ng maigi itong mangyayari and nag-set narin naman kami ng mga regulations about dito. Basta makuha niya na ang posisyon, papalayain niya na ako. And mutual agreement po kasi namin ito kaya medyo mahirap po na bumali ng pangako." Hindi na ako mapakali sa mga oras na ito, kinakabahan na baka totohanin nga talaga ni Lola ang pagkokompronta kay Dallas. Sana naman at maintindihan ni Lola ang nangyayari at kahit papaano mapapayag siya.

Nakita naman nito ang pag-aalala ko at ang pagiging kiti-kiti ko sa kinauupuan ko kaya naman bumuntong hininga na lamang ito.

"Hay apo. Wala naman na akong magagawa kung iyan ang desisyon mo, pero sana lang wag magbibigay ng sakit sa iyo yan ha. Dahil ayoko na makikitang nasasaktan ka. Tandaan mo, na kapag nahihirapan ka na o hindi mo na kaya sa napag-usapan ninyo. Kausapin mo siya para tumigil na kayong dalawa. Nandito naman ako palagi para sa iyo, eh."

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga oras na ito. Nagpapasalamat nalang ako at sobrang maintindihan ng Lola ko, kaya naman yung luhang nahigop na ng mata ko kanina ay nagbabadyang tumulo nanaman. Napakaiyakin ko talaga sa harapan niya, Hays. Para akong bata.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na lumundag sa kama nito at pinugpog ang mukha nito ng mumunting mga halik. Niyakap ko rin ito ng mahigpit na siyang ikinatawa niya.

"Opo La, opo pangako po. Salamat La, ha. Mahal na mahal talaga kita." Mas lalo lang nitong hinigpitan ang yakap sa akin at hinalikan ang bumbunan ko. Mas nakahinga na ako ng maluwag ngayon, kahit papaano nasabi ko na sakanya at wala na akong tinatago na kung ano na siyang hindi ko ikakatulog tuwing gabi.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan kaya naman napahiwalay ako sa yakap ng aking Lola upang tignan kung sino ang pumasok. Pinunsan ko ang aking luha ng makita ko na si Dallas ito at nginitian lamang siya.

Warm Cups, Warm Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon